YOO JAE POV:
Mahigit tatlong buwan na ang nakakaraan pero ni isang bakas mula sa black panthers na yun ay wala! Hindi ko pwedeng sabihin sa aking ama ang tungkol sa insidente ilang buwan na ang nakakaraan. Hay!!!
FLASHBACK:
IMPERIAL PALACE
QUARTER OF THE KING:
"HANGGANG KAILAN KA MAGMAMATIGAS YOO JAE! HANGGANG KAILAN MO TATALIKURAN ANG 'YONG OBLIGASYON SA IMPERYAL NA ITO!!", galit na saad ng aking ama.
Bumalik ako dahil sa ipinatawag niya ako sa kanyang mga katiwala at para din kay bia. Nakayuko lang ako at tahimik na nakikinig sa kanyang nagagalit na boses.
"ANONG GUSTO MO?!!", saad niya ulit ng mag angat ako ng aking mukha. Titig sa titig! Panga sa panga!
"Si lady Bia", seryoso at madiin kong sagot sa kanyang katanungan.
Ramdam ko ang pagbuntong hininga nito."Ayokong matulad si bia sa sinapit ng iyong ina", malumanay niyang tugon at nag iba din ito ng tingin. Hanggang ngayon ay wala pang ka ede ideya ang aking ama! Tsk!
"Hindi mangyayari yun ama! Sinisigurado ko", saad ko ng tumingin siya ulit sakin.
"Siguro nga hindi mahahadlangan ang nakatakdang mangyari", ngiting saad niya ng magtaka ako.
"Ano po yun ama?", takang tanong ko ng bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako! Hay pwede ba! Moment? O_O?
"Gawin mo ang kung ano ang nararapat aking anak", ngiti niya ulit.
Sa sinabi niya ay nalito lang ako. Anong ibig mong sabihin ama? Hindi kita mabasa ngayon."Magkita tayo buks sa Imperial court",
END OF FLASHBACK:
IMPERIAL COURT:
Lahat ng mga opisyal ng palasyo ay naririto sa loob, nandito si yonghye, hindi ko mabilang kung ilan, basta pumasok na lang ako at naupo sa kanang pwesto malapit sa aking ama, sa kaliwa naman nakaupo si yonghye.
"Magandang umaga kamahalan", bati ng lahat ng mga opisyal. Tsk
"Magandang umaga din sa dalawang prinsipe na sina yoo jae at yonghe", bati ulit nila.
"Makinig kayo!! Nandito tayo sa isang pagpupulong upang marinig at masaksihan natin ang magiging desisyon ng hari", salaysay ng kanang kamay ng aking ama ,nakatingin lang ako sa kanila habang nagbubulong bulungan.
"Kamahalan! Handa po oaming makinig sa ano man ang iyong isasalaysay", wika ng punong ministro na si zong-ye. Nagulat ako ng tumayo ang aking ama sa aming likuran.
"Nakapag desisyon na ako sa magiging bagong hari ng palasyo", ngoting saad niya sa kanyang mga opisyal ng magbulong bulungan na naman!
"Kamahalan, ipagpaumanhin niyo pero parang napakabilis naman ng iyong pagdedesisyon", wika ulit ni punong ministro
"Makinig kayo!!itinatalaga ko na si prinsipe yoo jae ang bagong hari na mamamahala sa kahariang ito!!" Madiin niyang wika ng mapatingin sa akin ang mga opisyal! Ayaw niyo ba sakin?oh gusto niyong angkinin ang trono? sagot!! Hahaha..
"Kamahalan, wag po muna kayong padalos dalos", wika naman ng isa pang opisyal
"Hindi ako nagpapadalos dalos!!",
Saad ng aking ama na pakiramdam ko ay ipinagtatanggol pa ako laban sa mga kumag na 'to."Magbigay pugay para sa ating kinokoronahang prinsipe yoo jae!", sigaw ni yonghye habang nakadapa ito! Sa sinabi niya at sa inakto niya ay hindi na nagsalita pa ang iba at lumuhod na din sila at nagbigay pugay sakin bilang isang crown prince ng palasyo!!
BAEHYE POV:
"ANO? SINONG CROWN PRINCE? ", pang gagalaiti ko sa aking silid habang pinagdidiskitahan ko ang manggas ng aking damit!!! Lintik!! Hindi maari ito! Dapat ang anak kong si yonghye ang maging crown prince!!!!!!!!
"Si prinsipe yoo jae ang napili ng kamahalan mahal n--", putol niyang wika ng ihagis ko ang isang baso na naglalaman ng tsaa.
"PAPANO NANGYARI YUN!!MAGHANDA KAYO! WALANG PWEDENG MAGING HARI KUNDI SI YONGHYE LAMANG!!!!!!", galit kong sabi dito. Hindi ako makakapayag na ganun ganun na lang yun!!! Dadaan muna sila sa mga kamay ko bago nila makuha ang minimithing trono!!!!!!! YAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!
A/N: Hi Guys! Enjoy reading ^_^
Thank you.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Ficción histórica"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...