Chapter 40- Nahanagi

89 1 0
                                    

YURIKO POV:

"YOO JAE!!!!!"sigaw ko ng magmulat ako ng aking mga mata sabay kapa sa aking dibdib! Kasabay nun ang pagtulo ng aking mga pawis sa mukha at leeg.

"Oh buti naman at nagising kana Jie Ni! Aba'y tatlong araw ka ng natutulog iha! Kung hindi ka pa magigising eh ipapalibing na sana kita ng buhay!",

O_O?

3 days

Teka!

Sino si Jie Ni?

-_-

"Sino po ba kayo?", tanong ko,ng bumangon na ako sa aking pagkakahiga.

"Wag mo akong masino sino dyan iha! Kung hindi dahil sakin malamang alipin ka na ng mga taga rito!",

"Kaya nga po nagtatanong kung sino po ba kayo?",

"Aba'y sumasagot ka pa? Ako si Lady Rida kuha mo?",

And taray naman.ng isang ito!

LADY?

Isa ba 'tong Celestial?

Impossible!

"Ang dating Celestial ng Palasyo", dagdag pa nito.

Hanep! O_O

Nasagot niya!

Mind reader ka teh!?

"Simula sa araw na 'to, ikaw na si Jie Ni, maliwanag ba tayo dyan?",

Ay wow! Bininyagan na ako kaagad nito ha! Ano ka? Si Father?

"Bakit Jie Ni? Ano naman ang problema kung Bia? Isa pa hindi ko naman yan pangalan eh", reklamo ko.

Totoo naman kaso, bakit pa papalitan ang pangalan ko? Ano to may certificate din? Wow ha!

"Alam mo ang dami mong satsat! Hindi mo pwedeng gamitin ang tunay mong pangalan dito sa labas ng palasyo, at pati na din ang iyong pagkatao, pwera na lang kung malilinis mo muna ang pangalan mo! Kung hindi itikom mo yang bibig mo, sundin mo na lamang ako ng hindi ka mapahamak sa mga tao dito iha!", salaysay nito sakin.

Ows! Pati ba naman dito sa labas ng Palasyo may bad elements? Chaka!

Saglit lang! Paano pala ako napunta dito?

Ang huling natatandaan ko ay sumakay na ako ng Palanquin papunta sa bayang ito, at saglit na naka idlip sa paglalakbay!

Pakiramdam ko kasi naubos ang aking lakas kaya bagsak agad ang lola niyo! weird lang! Hindi naman ako nag full force ah? Tsk!

Sa mundo ni Celestial Bia ang weird ng lahat!

"So Lady Rida na din ang itatawag ko sa inyo? Isa din ba kayo sa napatalsik sa Palasyo? Ano po bang naging kasalanan niyo?", dami kong tanong prend!

"Hindi syempre! Gilda! Ayan mas kilala ako sa pangalan na yan! At ang dami mog tanong! Bumangon ka na dyan at maligo! Madami ka pang lilinisin!",

"Teka, paano ako napunta dito?",

"Malamang! Sumakay ka ng Palanquin, inilapag ka ng mga Kawal ng Palasyo nung mga nakaraang araw, ipinagbilin ka lang naman ni Lady Sonia! Okay na? Bilisan mo na!", supladang saad niya sakin at umalis na ng silid.

Lady Sonia?

T_T iyak na ako. Hmmp!

Mas tolerable pa si Lady Sonia kesa sa isang 'to, parang mang aalipin pa eh!

Love is True (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon