YURIKO POV:
Ilang araw na akong hindi lumalabas ng aking silid, ni hindi na nagpupunta sa templo simula ng malaman ko ang katotohanan kung bakit ako nandito sa mundong aking ginagalawan. Napukaw ang aking atensyon ng pumasok sa aking silid si lady sonia at may bitbit itong isang tray na naglalaman ng pagkain, ni hindi na nga din pala ako kumakain dahilan para ako ay magkasakit, lagnat lang naman tsaka ubo samahan pa ng sipon, equals trangkaso na. Hindi ko nga akalain na hahantong sa sakit 'to eh.
"Hanggang kailan ka ba magmamatigas? Ani lady sonia na inilapag sa maliit na mesa ang tray.
"Alam ba ni prinsipe yoo jae ang tungkol sa dating yuriko?", sabi ko habang naka upo sa sahig at yakap-yakap ang aking mga binti.
"Tungkol sa bagay na yan, wala siyang alam, walang sino mang nakakaalam maliban sayo at sakin, tsaka hindi niya pwedeng malaman",
"Bakit hindi pwede? May karapatan siya", sabi ko ulit ng magtama ang aming mga mata
"Dahil mapapahamak siya,hayaan mong siya mismo ang makatuklas tungkol sa dating yuriko",
"At anong mangyayari sakin kapag natuklasan niyang hindi ako ang dating yuriko?",
"Anak, walang mangyayari sayo,kaya nais ko sanang ayusin na natin 'to, tuturuan kita kung anong ginagawa ng celestial lady sa loob o labas ng palasyo,sana'y maintindihan mo",
"Kaya magpapanggap ako? Lady sonia alam kong hindi lingid sa kaalaman mo na mahal nila ang isa't isa, at heto ako nagpapanggap hindi ba masakit yun? Hindi ko kaya", saad ko na parang maiiyak na naman ako
"Ito lang ang tanging paraan para mailigtas niyo ang isa't isa, kung hindi siya magiging hari ng bansang ito, malalagay sa piligro ang lahat ng buhay ng mga nasasakupan nito, kaya sana maintindihan mo, isa itong malaking papel na kailangan mong gampanan bilang si yuriko bia, at isa pa iyon din ang utos ng dating yuriko kaya susundin ko 'yon kahit na masaktan dito ang prinsipe naiintindihan mo ba?", saad niya at niyakap ako. Ako heto umiiyak na, napaka unfair!. Pinunasan ko ang luha ko at muling nagsalita.
"Naiintindihan ko, pero isa lang ang ayokong baguhin, ang kinasanayan ko,kung ano ako noon ganun din ang ipapakita ko ngayon", sabi ko ng magulat ito.
"Yuriko",
"Salamat sa pagkain, makakaalis na po kayo,kailangan ko lang mapag-isa", sambit ko at hindi na ako nagsalita pa, tahimik lang na tumayo tsaka naglakat palabas ng aking silid si lady sonia.
Ano ba yan, masyadong ginagalingan, parang sa mga role play sa school ko lang ginagawan ang umakto at magpanggap, pero ngayon kinakailangan na,dasal ko lang sana ay ilayo ako sa tukso, ayokong ako lang pala ang kumakapit ng mag-isa at wala pang kasiguraduhan. Nyemas this!YONGHYE POV:
Nandito ako ngayon sa bayan at naglilibot libot sa mga paninda ng mamamayan ng maisipan kong bilhan ng jade ring si yuriko, aaminin ko na,oo may gusto ako sa kanya simulang mga bata palang namin, pero dahil sa mahal siya ni yoo jae ay hanggang tingin na lang ako sa kanya.
Pinili ko ang parang gray na ulay kasi paboritong kulay niya yun, nakakapagtaka diba dahil kababaeng tao ay yun pa ang nagustuhan niya."Ginoo maganda yan at yan ang usong uso ngayon sa mga kababaihan, bibilhan niyo po ba ang sinisinta niyo?", saad ng may-ari sakin, dasal ko eh sana nga. Hahaha
"Aah, hindi ko po siya kasintahan",
"Nako! Sa gandang lalaki niyong yan? Kung ako sayo liligawan ko na yan",
"Hahaha, nako kung ako lang din po sa inyo ay wag na lang po", sabi ko at iniabot na ang bayad dito. Matutuwa panigurado dito si yuri.
A/N: hi babies, whatchasay? Hahaha..
Votes ang comments thank you.
Next update will be tomorrow.
See yah! ^_~
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Fiction Historique"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...