YURIKO POV:
Hindi ko na alam kung ano pa ang posibleng mangyari sa mundong ginagalawan ko ngayon. Gulong gulo ang isip ko,nalilito ako sa mga nangyayari. Nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob kay bia? Anong meron sa kanila ng prinsipe? At mas nakakainis pa nun ay bakit sa una pa lang ay hindi na nila pinagtapat sakin. Alam ba ng prinsipe na hindi ako si bia? May alam ba sila tungkol sakin na hiram lang ako? Aray ko!hiram! Juice colored!. Nakakaloka ito!
Napukaw ang aking pagmumuni muni sa aking silid ng may biglang kumatok sa aking silid,sino naman kaya iyon? Napagpasyahan ko na tumayo at lumabas.
Hindi ko inaasahan na siya ang aking makikita. Hindi pa nga ako handang harapin ang kasalukuyan pero pinaglalaruan yata ako ng aking kapalaran este ng propesiya ni bia. Kalma hanazaki!"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng walang ka rea-reaksiyon. Nakatayo pala ito at pinagmamasdan lang ako. May dumi ba ako sa mukha at ganyan na lang siya makatitig sakin? O baka kapag nalaman niyang hindi ako ang totoong bia makakatitig pa ba siya ng kagaya ngayon? I doubt dunkin donut!
"Gusto ko lang tiyakan na okay ka", sagot niya.
"Okay lang ako,kaya pwede ka ng umalis",pagtataboy ko sa kanya dahil sa totoo lang ay wala akong mahugot na sasabihin. Yumuko siya bigla tsaka nag angat din ng mukha.
"Patawad, dahil nahuli ako,nahuli akong iligtas ka ng mga panahon na malayo tayo sa isa't isa at kailangan mo ako. Pinagsisisihan ko 'yon hanggang ngayon, patawad dahil nagpanggap ako,nagsungit ako. Hindi madali para sakin na tanggapin na lahat ng mga magagandang nangyari noon satin ay naglaho na lang na parang bula, isang iglap lang at nawala ng lahat. Nalilito lang kasi ako", salaysay niya ng humahakbang papalapit sakin.
Nalilito siya sa saan? Ako dapat ang nagsasabi niyan eh, script ko dapat yan eh. At hello baka kapag malaman mong hiram lang ako masasabi mo pa kaya yan ulit sa harapan ko? Ng makalapit na siya sakin ay nagsalita siyang muli.
"Sabihin mo naman sakin kung naaalala mo ako? Sabihin mong nagpapanggap ka lang na hindi nawala ang alaala mo? At kung nawala nga bakit ganun yung ipinapakita o pinaparamdam mo sakin tuwing hinahalikan kita? Kasi hindi nagbago kahit yun. Matatanggap ko kung ano man ang ipapaliwanag mo", seryosong salaysay niya sakin, napaigtad ako ng hindi ko inaasahan ng halikan niya ako for the second time around. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang aking sasabihin. Pero dalawa lang ang sigurado sakin ngayon. Hindi niya alam ang tungkol sa nangyari kay bia at mahal niya ang dating yuriko,mahal niya ito dahil ramdam ko at napaka unfair ko. Hindi dapat ako ang naririto at dinadama ang halik niya. Papa G. Ikaw ng bahala sakin. Hindi ko napigilang hindi umiyak, may gas! Bakit ako umiiyak? bakit ako ganito?
Naramdaman niya sigurong umiiyak ako kaya tumigil na siya sa paghalik sakin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking pisngi."Patawad, hindi kita pipiliting maka-alalang muli. Maghihintay ako, hihintayin ko yung araw na maaalala mo rin lahat yuriko bia", saad niya at sa huling kataga niyang 'yon ay umiyak na naman ako. Papa G. Ilayo mo ako sa tukso! Wala akong laban dito, isa pa ayokong mahulog sa lalaking hindi naman ako mahal. Huhuhu ayoko maging one sided love.
Hindi ko mapigilan na wag siyang yakapin,yun lang ang kaya kong gawin sa kanya ngayon. Dahil sa totoo lang nagu-guilty ako. Yayakapin ko na lang siya para kay bia at hindi para sakin.A/N: hello guys! I miss you!.
Sorry for the super late updates, ang dami ko lang po kasing ginawa sa mga panahong walang updates dito.
😁
But don't worry, babawi ako.
I'll make sure na makakapag update agad ako.hihihi
Maikli lang siya pero hopefully mag enjoy kayo. And don't forget to feel free to votes and comments. Wala pong pilitan to hahaha. I want to make you happy as I can, so chillax.
Next update later. Mwuah.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historische Romane"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...