Nasa templo ngayon si yuriko at iba pang mga celestial ladies para manalangin at magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay ng may kapal sa kaharian ng kotoe.
LADY SONIA POV:
Ang mga celestial ladies ay nagbibigay ng ritual at tagapangalaga ng templo at palasyo. Ako na ang inatasang magturo ng mamatay ang ina ni prinsipe yoo jae, si celestial Na ra, isa siya sa mga celestial noong nabubuhay pa ito. Maaring maging isang kabiyak ng dugong bughaw ang isa sa mga celestial ladies kaya sinasanay na sila hindi lang sa templo maging sa loob ng palasyo.
Andito kami ngayon sa templo at sabay-sabay na nananalangin ng mataimtim. Ilang oras din kami na andoon sa loob at nagbibigay ritual. Bigla kong napansin si yuriko na tahimik na nakaupo at nakatingin sa malayo, agad ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.
"lady yuri", sabi ko sa kanya ng lingunin niya ako. Alam ko na malaki ang pinagbago niya simulang mahulog siya sa bangin. Malaki kahit na ritual ay hindi na niya magawa at matandaan, pati paano siya magsalita at kilos ay nagbago na rin, hindi niya rin tanda ang lahat, marahil ay nawala lahat ng kanyang alala sa nangyaring aksidente na iyon.
"po?", sagot niya lang sa akin, siguro nahihirapan siya sa mga sandaling ito.
"magsabi ka lang sakin kapag may mga tanong ka, naiintindihan kita anak", sabi ko sa kanya ng mapansin kong unti-unting nahuhulog ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.
"naguguluhan po ako, paano ako nabuhay sa taas ng bangin na iyon?nabuhay pa ako?nasaan na ang mga kasama ko? nabuhay ba ako sa katauhan ng iba kaya nandito ako ngayon sa hindi ko alam na panahon? paano ako makakabalik sa kanila?nag-aalala na siguro sila sakin", pahagulhol na sabi niya sakin ng niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko man alam kung anong sinasabi niya pero ramdam ko ang kalungkutan niya.
"ligtas ka, kaya wag ka na mag-alala, ikaw si yuriko at ikaw pa rin yun", sabi ko lang sa kanya habang panay iyak siya. Lumayo siya ng marahan at ngumiti ng matipid tsaka nagpaalam na maglalakad lakad sa labas. Sa totoo lang ay hindi ka pa pwedeng lumabas ng silid habang hindi pa tayo tapos. T_T. ang batang 'yon talaga. hay..
YURIKO POV:
Kaharian ng kotoe? so may hari at reyna,ni hindi ko pa nakikita sila simulang nakaligtas ako. Naglalakad ako ng bigla kong makita ang kumag ,DUGUAN? pumatay ba siya?. sinundan ko siya,mamaya na ako babalik sa templo kung tapos na sila sa ritual hahaha, nakita ko kung saan siya patutungo, sa parang masukal na halamanan? may pinatay siya? hala hindi pwede to! tumakbo na ako dahil parang may masamang binabalak ang lalaking ito, pumasok siya sa masukal na halaman, ang tataas naman nito, dapat dito ay pinuputol eh,hanggang sa makalabas ako at doon ko siya nakita na nagsisisigaw mag isa.O_O Infairness ang ganda ng lugar na ito, maraming ibat-ibang bulaklak, ang linaw ng tubig at ang sarap ng simoy ng hangin, maraming ding mga puno. Paano niya kaya natuntun to? may natatagong ganda din pala ang palasyong ito. ihihi.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!", nagulat ako ng sabihin niya ang mga katagang iyon, bakit kaya parang may dating ang kumag na ito sakin? paano niya nalaman na nadito ako?
"aaaahh,,ehhhhh-------?", walang kwenta kong sabi.
"UMALIS KA SA LUGAR NA ITO!!!!KUNDI PAPATAYIN KITA!!", sigaw niya sakin at sa pagkainis ko ulit ay nilapitan ko siya at walang pag aalinlangan na sinampal ko siya gamit ang kanang kamay ko, medyo napalakas iyon kaya nagdulot ng bakat sa kanyang pisngi. ay naku yayari na ako nito..
"ang ayoko sa lahat ay sinisigawan ako!!! papatayin mo ako? wala kang karapatan para gawin sakin yan! kahit na sino! marami ang gustong mabuhay alam mo ba yun?!nahihirapan akong mabuhay sa lugar na ito pero kailangan kong mabuhay! kaya wala kang karapatan!!", pasigaw ko sa kanya ng lingunin niya ako. Napansin ko din na dumadaloy ang dugo sa kanyang pisngi pataas hanggang sa kanyang ulo, doon lang ako natigilan, naliligo na siya sa kanyang sariling dugo. Anong nangyari sa kanya. HIndi ko na inisip pa ang mangyayari kaya hinila ko na siya paalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Fiction Historique"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...