YURIKO POV:
Napamulat ako ng aking mga mata.
Ang sakit ng likod ko sa pagkakadapa.
Buhay pa ba ako?
Napukaw ang aking atensiyon ng may nagsalita galing sa aking paanan.
Bigla akong bumangon para makita kung sino iyon.
"DAKPIN ANG LAMPASTANGAN NA CELESTIAL NA 'YAN! NGAYON DIN!",
sigaw na pautos ng Reyna sabay turo sa kinaroroonan ko.Saglit lang!
Ako?
Bakit ako?
"ISA KANG KRIMINAL!", narinig kung tugon naman ni Prinsesa Yengting na katabi sa Reyna.
Ako?
Kriminal?
Bakit? Naguguluhan ako.
Bakit?
"Biaaaaaaaaa!", sigaw ni Lady Sonia.
Si Lady Sonia na inaawat ng iba pang celestial, at naka tuon lang ang pansin sakin. Nadagdagan pa tuloy ang aking pagtataka.
Bakit siya umiiyak at iba pang celestial?
"Bakit po?", takang tanong ko kay Lady Sonia na nuon ay dahan dahang lumuluhod at humahagulhol sa pagkakaiyak.
"Bakit?", tugtong ko dito.
Napatingin na lang ako bigla sa aking harapan.
Ang Hari!
Galit na galit at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin lang sakin.
Teka hindi ko ma gets!
"DAKPIN ANG CELESTIAL BIA!!", utos nito.
Bakit?
"Hu? Tek-", putol kong sagot ng may apat na kawal na hinila ako upang makatayo at inaresto ng hindi ko alam kung bakit!
"Saglit, anong kasalanan ko? Ni hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko eh! Bitiwan niyo nga ako! Ano ba!", saad ko.
Nalilito ako! Kasalukuyang nagtama ang aming mga mata ni Lady Sonia habang kinakaladkad ako ng mga heyep na to.
"Bia!", sambit niya habang nangingilid ang mga luha.
Sa mga oras na ito. Biglang naging black and white ang paningin ko.
Teka!
Hindi maari?
Napatingin na lamang ako sa aking damit.
At doon ko lang napagtanto na may bahid ng dugo ito. Hinawakan ko ang aking pisngi na pakiramdam ko ay merong tinta
Dugo nga!
Pero paano?
Dali-dali akong tumingin ulit kay Lady Sonia
"Anong nangyari?", gulat at nangingilig kong tanong ng hindi ko na mapigilang magpumiglas. Nangilid na rin ang aking mga luha na para bang water falls.
Tiningnan ko na kaagad ang paligid, nakatayo sa aking harapan ngayon ang Hari, kasama ang Reyna at si Prinsesa Yengting na animo'y diring diri sa akin. Pero hindi sila ang nais kong makita kundi si Yoo Jae.
Nasaan siya?
May nangyari ba na hindi ko alam?
Bakit ako inaaresto ngayon?
Nanginginig ako sa takot, yung pakiramdam na hindi mo na malaman!
Mabilis pa sa alas kuwatro ang aking mga mata upang mahanap ang nais ko.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Ficțiune istorică"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...