Chapter 34

79 0 0
                                    

YURIKO POV:

"Sheeglit lang ba! Shindi p-ako tapesh! Haist! Bishiwan mo ako ha!", pasuroy suroy kong saad sa mga kawal na nagbabantmtay sa quarter ngayon ng mahal nilang pesteng prinsipe!. Gago ka! Ano pa bang masasakit na salita ang ibabato mo sakin! So ano? Ako pa ang mag aadjust?

"Lady Bia, wala po talaga sa kanyang silid ang mahal na prinsipe, sa makatuwid ay hinabol ka niya", pagpapaliwanag ng kawal nito! Hindi ko alam ang name nito at wala naman akong pake!

"Tabi! Waley me pake!", saad ko at pa kaliwa't kanang naglakad! Alam kong marami akong nainom! Nainom na alak na nakita ko sa Celestial Quarter kanina,masarap pala talaga ang alak ng dynasty! Hahaha kaya ayun! Napasarap ang aking pag lagok. Hahaha.

Para akong sumasayaw sa bawat hakbang ko! Masakit na din ang ulo ko gawa nga ng naparami ako! Syet!

"Bia",

>_<?

O_o?

O_O

Speaking of the angel!

Lumingon ako sa kaliwa ko at doon ko nakita na bumababa ng kanyang kabayo ang aking hinahanap, napa ngisi na lang ako. Sarap i hampas sa kanya ang dala dala kong jar ng alak eh! Uubusin ko pa to! Langya tipsy na ako magsalita!

"Hay shelemat neman! Magshigay pugay sha mahal nanprinsipe Yoo Jae!",

Naglakad siya papalapit sa akin! Wala na din akong pakialam kung pinapaligiran na kami ng mga kawal niya! Pa importante din to eh! Kahit sarili ko wala na din akong pakialam kahit na magulo na din ang ayos ng aking buhok! Napapa sigok ako ngayon sa lalaking to eh!

"Hehehe! Bushi! Umuwi ka na ano! Gushto mo ba neto?" Alok ko sa kanya sabay abot ng alak. Tiningnan niya lang ako! Seryoso din ang mukha nito! Gago to ah!.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya! Hinawakan ang manggas ng damit niya.

"Ikaw! Gago ka shin ano! Ano bang problema mo? Ako! Ako nag adjust! Taposh! Shashaktan mo lang ako? Shiraulo ka din hayuf!", sabi ko dito pero langya tinititigan niya lang ako!.

"Ibabalik na kita sa quarter mo", mahinang tugon niya sakin.

Napa tingala ako sa kanya, ganun na lang? Wala siyang pakialam sakin? Hello! Naglasing ako! Dahil sayo! Gago talaga!.

Binitawan ko na ang kanyang damit at lumagok ng alak sa harapan niya,nag punas ako ng aking bibig gamit ng aking manggas!

"Shubukan mo! Shubukan mo lang talaga!", sabi ko dito at lumayo ako sa kanya.

"Bakit ka ba ganyan? Hindi ka ba nahihiya sa mga pinanggagawa ko?",

O_O?

Wow ha! Ediwow!

"Anong shabi mo?",

"Marami ng nakakakita sayo,konting kahihiyan naman",

"So? Ikinahihiya mo ako? Si bia kinahihiya mo?!", tugon ko!nag iinit ang aking dalawang tenga sa kanya. Nabagsak ko tuloy ang jar ng alak!Natapon tuloy!

"Tama na",

"HAHAHA! Hihihi, oo nga ano! HAHAHA! Tama na!", ngisi ko sa kanya,pero ramdam ko na malayang umaagos ang aking mga luha! At malaya na ding nakikita yun.
Napalunok muna ako! Ano bang ini expect ko? Napabuntong hininga na lang ako!,inayos ko muna ang manggas ng damit ko at naglakad kahit na pagewang gewang ako.

"Bia", sambit niya pero hindi ko siya pinakinggan!.

Nilagay ko na lang sa aking bibig ang aking kanang kamay para manahimik na ako! Langya prend! Nasasaktan ako! Ang sheket! Mabilis pa sa alas kuarto ang na umaagos ang aking mga tears! Hindi ko mapigilan eh!
Pabigat at hindi niya akk kailan man kailangan! T_T. Napaka intense! Binasted ako!

"Bia!!", sigaw niya ng mapahinto ako!

Lumingon ako sa kanya! Kitang kita niya ngayon kung gaano ako nasasaktan sa kanya! Nyemas prend! Ako ba to? Nagsanib kaluluwa na ba kami ni Bia? Feeling ko nawala ang kalasingan ko!

"Pwede bang ako naman ang mahalin mo?", sambit ko dito! T_T
Nag confess na ako ano? Grabe siya!

Nakatitig lang siya sakin! Hindi man lang siya nagulat. At labis akong nasaktan times 10! Ang nagulat lang yata ay ang mga kawal niya sa pinagsasabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, dahil dahan dahan na akong nawawalan ng balanse at masyado na ding masakit ang ulo ko,at mata ko sa kakaiyak ko. Sana pag gising ko isang panaginip na lang lahat yun. Sana sa pag gising ko bumalik na ang lahat sa orihinal na sitwasyon. At sana sa pag gising ko mawala na din ang sakit na nararamdaman ko kay Yoo Jae!.

A/N: omergerd! How are you babies? Ilang months natengga grabe ako. Haha ayan naloka din ako.
Busy munchkins!
Share, comments, and votes. Mwuah.

Love is True (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon