YONGHYE POV:
Nag pasya akong bisitahin si yuriko sa kanilang quarter para ibigay sa kanya ang isang pares ng jade ring na nabili ko kahapon, nakatayo ako ngayon sa labas ng biglang iniluwa doon ay si lady sonia.
"Magandang araw po mahal na prinsipe yonghye", bati nito sakin,agad naman akong ngumiti dito
"Magandang araw din po sa inyo lady sonia, aah nasa templo po ba si yuriko?", tanong at bati ko naman sa kanya
"Po? Nasa loob po siya ngayon ng kanyang silid", sagot niya naman ng magtaka ako
"Sa silid?", pagtatakang tanong ko naman
"Opo", tipid niyang tugon sakin,kaya nagtaka ako
"Maaari ko po ba siyang makausap?", saad ko ng tumingin siya sakin
"Opo mahalnna prinsipe",
Pumasok na kami at naglakad pa.ng kaunti, sa totoo lang ay bawal naman talagang magpunta ang kalalakihan dahil ito ay para lamang sa mga kababaihan na gustong maglingkod at maging isang celestial sa kaharian, napukaw ako ng huminto kami sa tapat ng isang silid, kung hindi ako nagkakamali ay silid iyon kung saan naroroon si yuriko.
Tok.tok.tok
"Lady yuriko bia, nandito po ang prinsipe yonghye para makausap ka", sambit ni lady sonia.
Ilang minuto pa siguro at nagbukas ang pinto at iniluwa doon si yuriko.
"Magandang umaga po sa inyo",bati niya sakin ng mapansin kong maga ang kanyang mga mata, ano kayang nangyari sa kanya?
"Maiwan ko na po kayo", saad ninlady sonia at iniwan na niya kami
"Namamaga yata ang mga mata mo bia?",
YURIKO POV:
"Namamaga yata ang mga mata mo bia?", tanong sakin ngayon ni prince yonghye, bigla akong napatitig ng husto sa kanya, wala din siyang alam tungkol sa nangyari sa dating yuriko
"Po?", tanging sambit ko na lang sa kanya dahil hindi ko alam ang aking isasagot.
"Anong nangyari sa mga mata mo kako?", ulit niyang tanong sakin ng bigla niyang hawakan ang aking pisngi,napaigtad naman ako sa kanyang ginawa.
"Ah,wala to, napuyat lang ako kagabi kaya nagkaganito ang mga mata ko", weeeh? Sa totoo lang ay umiyak lang ako ng umiyak dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap na heto ako ngayon, at dahil gusto ko pang magtagal ang aking buhay ay kinakailangan kong maging si bia at hindi bilang si hanazaki!
"Sa susunod matulog kana ng maaga,at alagaan mo na din ang 'yong sarili,dahil hindi ko na alam ang aking gagawin kapag may mangyari pa sayong hindi kanais-nais", salaysay nito ng alisin na niya ang kanyang kamay sa aking pisngi
"Salamat", tipid kong sabi ng bigla may iniabot siya sakin,kinuha niya ang aking kanang kamay.
"Nasa bayan ako kahapon, at nadaanan ko ang isang pamilihan ng mga alahas kaya naisipan kitang bilhan niyan", tuwang sabi niya ng pinagmasdan ko ang isang pares na bilog at ang laki,isang singsing
"Bakit?", tanong ko sa kanya
"Anong bakit?", balik tanong niya sakin
"Bakit kapa nag-abalang bilhan ako?", tanong ko ulit dito. Sa totoo lang ay nag-iisio ako kung ano ang isasagot niya,singsing? Bakit kaya siya nagbibigay ng ganun kay bia?
"Hahaha, gusto ko lang ibigay sayo yan,ayaw mo ba niyan?kung gusto mo papalitan ko na lang", nakangiting sambit niya sakin, ang isang ito,ibang-iba kung ihahambing ko kay yoo jae, kapag kasama mo siya o kahit ka kwentuhan lang ang gaan-gaan ng pakiramdam mo.
"Salamat", ngiti kong sabi habang tinitingnan ang singsing
"Jade yan kaya ingatan mo ha", tuwang sabi niya ulit
"Okay, salamat ulit", ngiti ko ulit dito.
Sa mga oras na iyon ay para bang sa wakas nakangiti na din ako, salamat sa taong ito. Napukaw ang aming ngitian ng may magsalita sa aming harapan"Anong nakakatawa?",
"Yoo jae", ngiting sambit ni yonghye ng mapadako ang aking paningin sa taong kakadating pa lamang.
Naglalakd na ito papalapit sa amin, napansin kong humarap at kasabay nun ang pagngiti ni yonghye,samantalang si yoo jae ay nakatitig lamang sa akin. Ano na naman ba ang problema niya? Magnanakaw na naman ba siya ng halik?at talagang sa harapan pa ni yonghye? Aba nakakarami na siya aaah! Akala niya siguro ako si bia. Ng makalapit na siya ay pa simple kong nilagay ang aking kanang kamay sa aking likuran."Anong ginagawa mo dito?", tanong niya kay yonghye na nakangiti pa rin
"Dinalaw ko lang si bia kapatid!^_^", ngiting sabi niya dito. At bakit naman? Kasintahan ba kita at kung maka bakod ka eh kala mo kung sino! Ay mali kay bia,oo, pero sakin never!
-_-"Mabuti at dinalaw mo siya, siya nga pala magtungo ka ngayon sa imperial court may gusto lang akong malaman", sabi nito ng mag seryoso ang mukha ni yonghye. Ano kaya yun?
" sige,bia sa susunod na lang ulit ^_<",
"Sige,mag-iingat ka ^_^", sabi ko at umalis na si yonghye,naiwan naman ako at ang kumag na 'to,akala niya siguro ako talaga ang totoong yuriko bia eh, hay nako buhay! Parang life!
"Masaya ka na?", asik niya sakin,bigla naman akong napadako ng tingin sa kanya
"Sa ano?",patay malisya kong tanong
"Hanggang tenga kasi ang ngiti mo,ano?may naaalala kana? O baka nama--",
"Wala akong naaalala,kahit pa ipa eksamin mo ako sa magagaling niyong doctor eh wala talaga akong maalala, at kung yang inaalboroto mo eh sa ngiti-ngiti wag kang mag-alala dahilan ito ng magandang araw ko ngayon" salaysay ko dito
"Alagaan mo ang sarili mo,at wag kang magpupuyat ng hindi ka nagkakaganyan,para ka ng patay na muling nabuhay", sabi niya at nag lakad na papalayo sa kinatatayuan ko.
Takte! Kung alam mo lang! Parang ganun na nga eh, na doble dead na nga ako sa sitwasyon kong ito. Mas mabuti na sigurong mawala ako sa mundo kesa ito ang kinahinatnan ko.
Kakaloka, nakaka stress!.A/N: watchasay?^_^ votes and comments. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...