Teaser

27.6K 708 104
                                    

⚠ WARNING ⚠

Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin.

____________
TEASER

Tumikwas ang isang kilay ni Jamie nang may lalakeng bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Ang lakas naman ng loob ng lalakeng 'to na harangan siya.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Miss, alam mo bang bawal akong titigan?"

Lalong tumaas ang isang kilay niya. "Excuse me?"

"Dahil baka hindi mo na ako tantanan."

WTF?! Nakasinghot ba 'to ng rugby? And wait, hindi ba siya nito kilala?

"Tabi." She said coldly.

"Hindi mo pa nga sinasabi ang pangalan mo."

"So?" Mataray na tanong niya. "Tumabi ka diyan kung ayaw mong sipain ko yang junior mo." Banta niya.

"Ang damot mo naman. Pangalan na nga lang ang hinihingi ko hindi mo pa maibigay. Nakakasakit ka, alam mo ba 'yon?"

Buwisit! Hindi man lang pinansin ang banta niya.

"I'm Hyzin Gyver, anyway. And you are?" Nakangiting inilahad nito ang palad.

She rolled her eyes at huminga ng malalim.

"Jamie." Akmang tatanggapin niya ang palad nito nang bigla nitong ilayo.

Asar! Talagang sinusubukan siya ng lalakeng 'to.

"Bawal din pala akong hawakan. Baka hindi mo na bitawan." Kumindat pa ang gago.

Napatingin siya sa paligid nang makarinig ng tawanan. Nakita niya ang mga babaeng tuwang-tuwa pa yata sa ginawa ng lalake. Lintik! May balak pa yata ang lalakeng 'to na ipahiya siya.

Well, she's Danielle Jamie Mendoza at walang pwedeng magpahiya sa kanya.

"Really?" Ngumiti siya ng matamis.

Napansin niyang nagulat ito.

Lumapit siya dito at hinawakan ang magkabilang balikat. Marahang hinaplos-haplos.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Paano ba 'yan? Hinawakan na kita, bibitaw pa ba ako?" Bulong niya dito.

Bago pa makapagsalita ito ay malakas niyang tinuhod ang bagay na nasa gitna ng mga hita nito.

"FCK! SHT!" Nagtatalon ito at halos mapaluhod habang hawak-hawak ang parteng nasaktan.

Nagsinghapan naman ang mga kapwa niya estudyanteng nakakita.

"Serves you right, Jerk!" Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

__________

"Hi, Jam. Flowers for you." Ngiting-ngiting bati niya rito. Mag-isa lang itong kumakain at nakatutok pa rin ang tingin sa cellphone.

Inilapag niya ang bulaklak sa ibabaw ng mesa.

Nag-angat ito ng tingin at agad na naningkit ang mga mata nang makita ang bulaklak sa mesa.

"What do you think of me?! Santo Niño?! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ipakain ko sa'yo 'to!" Inis na bulyaw nito.

"Sabi nila paborito mo daw ang sampaguita?" Naguguluhang tanong niya. Pasimple niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng mga kaibigan na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

"Puwes, akala mo lang 'yon! At sabihin mo sa nagsabi sa'yo na mamatay na siya! Letse!" Padabog na tumayo ito at nagmartsa palabas ng cafeteria.

___________
D E Y M Y U U

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon