Chapter Three

9.9K 587 31
                                    

Note: Kapag ito, natapos ko talaga, who you kayong lahat sa'kin. 😎😎 bago niyo pala basahin may mga words na hindi pwede sa bata. Patnubay ng boyfriend ang kailangan. Medyo sabaw ang update ngayon. Tinamad ako eh, wala kayong magagawa.

Dedicated to Miss_Teryosah- salamat sa pagpo-promote, Tabs. Diet-diet din pag may time.

CHAPTER THREE

"Peste talaga 'yang pinsan mo, Dani! Naku, pagsabihan mo 'yan kung hindi'y matitiris ko na talaga siya." Nangangalaiting sabi ni Yelena pagkapasok palang nito sa classroom nila.

"Why?" Kunot-noong tanong niya. Kalalabas lang niya ng detention room.

Hinagis nito ang bag sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. "Tama ba namang bigyan ako ng panty na may feminine wash?! May kasama pang napkin at pantyliner. Buwisit!"

Tanga talaga ng pinsan niya. Sundin ba naman siya.

"Akala niya siguro wala kang pambili." Singit naman ni Scarlet na kasalukuyang nililinis ang kuko.

"Ano'ng tingin niya sa'kin? Poor?!" Eksaheradang bulalas pa nito. "Bigyan ko pa siya ng one year supp---" Naputol ang sasabin pa sana ni Yelena dahil malakas na bumukas ang pinto.

"You, Bitch!"

Sabay-sabay silang napalingon kay Nicoline na noo'y kapapasok lang at galit pang nakatingin sa kanya.

"Why?" Tinaasan niya ito ng kilay. Problema na naman ng babaeng 'to?

"Don't why me! Magbabayad ka sa ginawa mo kay Jena!" Akmang susugurin siya nito nang tumayo si Scarlet at humarang sa harapan niya.

"Hoy babaeng mas malaki pa ang dibdib kaysa sa puwet, ano na namang eksena ang gusto mong palabasin at nagbi-bida-bidahan ka?" Nakapameywang pang tanong ni Scarlet.

"Hoy babaeng mas matangos pa ang ilong kaysa sa dibdib, 'yang demonyita mong kaibigan sinipa ng bola sa mukha si Jena!" Nakapameywang din si Nicoline.

"Ano naman kung flat chested ako, ha? At least mukha ang nagdala hindi yang malaki mong dyoga na konting tusok lang puputok na!"

Lintik 'tong dalawang 'to. Tama ba namang pag-awayan ang dibdib sa harapan niya. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling dibdib. Duh! May boobs naman siya kahit papa'no.

"Siguro kaya sinipa ng best friend ko yung bola sa mukha ng kaibigan mo dahil sign 'yon na magparetoke na siya!" Pagpapatuloy pa ni Scarlet.

Naghiyawan ang mga kaklase nila. Nagkanya-kanyang boto pa ang mga ito.

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon