Chapter Twenty-two

5.4K 240 24
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

Walang sugat si YZ maski daplis lang. Maliban sa nasaktang ilong dahil sa pagkakadiin ni Jamie ng mukha niya sa malamig na sahig. Bukod doon ay wala naman siyang tinamong pinsala.

Nagkakagulo na ang mga tao. Maingay na rin ang sirena ng mga pulis.

Ang inaalala niya ay si Jamie. May mga sugat ito sa braso na kasalukuyang ginagamot ng ilang medics. Hindi naman talaga malakas ang bomba, sapat lang para mapatay siya.

"Mr. Montezalde." Pukaw ng isang imbestigador sa kanya.

"Yes?"

"May pinanghihinalaan ka ba kung sino ang nagbigay sa 'yo ng bomba?"

"I.....I've no idea." Wala siyang balak sabihin sa awtoridad ang mga death threats na natatanggap niya. Baka maging komplikado ang lahat.

"May naka-away ka ba?" Tanong pa nito.

Sunud-sunod siyang umiling.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang tumatawag si Mindy.

"Excuse me. I'll just take this call."

Tumango lang ang imbestigador. Lumayo siya sa mga tao.

"Mindy."

"Oh my God, YZ. Are you okay? Nabalitaan ko yung nangyari. Nasaktan ka ba? Napuruhan? What? Answer me! I'm so worried." Sunud-sunod na tanong ni Mindy.

Tumawa siya ng mahina. "Easy. I'm okay. Wala akong galos. Si Jamie ang inaalala ko."

"Wait. What? Magkasama kayo ni Jamie? Hanggang sa condo mo?"

"Yes. May ibinigay lang siya sa akin. Pauwi na sana siya nang mangyari ang pagsabog." Pagsisinungaling niya. Saka na niya sasabihin kay Mindy ang lahat kapag nahuli na ang taong nagbabanta sa buhay niya.

"Ano ba talagang nangyari? Paanong nagkaroon ng bomba diyan?"

"Nakatanggap ako ng regalo at nakapangalan sa 'yo. Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot."

"I'm sorry. Nasa banyo ako noong tumatawag ka. Nabasa ko ang text mo, kaya nag-return call ako. Pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Kinabahan na ako then I heard the news, kaya tinawagan ulit kita. And thank God. Walang nangyaring masama sa 'yo. That was close!"

"I'm okay now, Mindy. Nothing to worry about." Nakita niya ang papalapit na bulto ni Jamie. " I'll talk to you later or maybe tomorrow. Bye."

Hindi na niya hinintay na magsalita si Mindy. Eksaktong pagpatay niya ng tawag ay ang paglapit ni Jamie.

"Sino yun?" Agad na tanong nito.

"Si Mindy. Nangangamusta lang. Nabalitaan daw kasi niya ang nangyari."

Bumuntong-hininga ito. "Tara na."

"Saan tayo pupunta?" Gusto niyang mainis kay Jamie ngunit hindi niya magawa. Hindi niya alam kung bakit. Sino ba naman kasing tao ang matutuwa kung may nagpadala sa 'yo ng bomba. Ito lang. Tumatawa pa ito habang bale-walang nag eenie, meenie, mynie, moe sa bomba. Abnormal yata.

"Sa bahay muna tayo. Mas safe ka doon."

"Iuuwi mo na ako?" Pilyong tanong niya.

"Wala akong sinabing iuuwi kita. Napaka-assuming mo."

"Napakasakit mo talagang magsalita. Tagos hanggang sa kaluluwa ng kaluluwa ko." Hinawakan pa niya kunwari ang nasaktang dibdib.

"Dapat talaga sa 'yo, pinaprangka. Ang hirap kasi sa 'yo, masyado kang assuming."

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon