Chapter Twelve

6K 298 10
                                    

CHAPTER TWELVE

"Dani? Is that you?" Naninigurong tanong ng babaeng nasa kanyang harapan.

"Surprised?" Ngumiti siya at ibinuka ang mga braso. Mukhang naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin.

Iiling-iling na lumapit sa kanya si Yelena at mahigpit siyang niyakap. Ito ang tinawagan niya para sunduin siya sa airport.

"What happened to you?" Tanong nito nang maghiwalay sila.

"Bagay ba?"

Napangiwi si Yelena. "Hindi." Hinawakan pa nito ang buhok niyang may may highlights na rainbow. "My God!" Lalo itong napangiwi. "Mukha kang durugista."

Eksaheradong sinimangutan lang niya ito. Hindi niya rin alam kung ano ang nakain niya at ganun na lang ang ginawa sa sarili niya. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit siya pinagtitinginan ng mga tao sa airport.

Nagulat siya ng bigla siya nitong pinalo sa braso.

"Problema mo?"

"Gaga ka! Mahigit tatlong linggo kang nawala. Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa amin?"

"Nagkaroon lang ng emergency. Nadisgrasya ang kapatid ko."

Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib saka lumabi. "Kahit na. Sana naman nagpaalam ka kahit sa text lang."

"Sorry na. Nawala sa isip ko." Totoong nawala sa isip niya na tawagan o magtext man lang sa mga kaibigan niya. Sa loob nang tatlong linggong kasama niya ang kapatid, puro tungkol sa bago niyang trabaho ang pinag-usapan nila. "Hindi mo ba siya kasama?" Alam niyang alam nito kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi. After that incident, hindi na niya ako pinapansin. I tried to talk to her pero siya ang umiiwas." Malungkot na saad nito.

Napabuntong-hininga siya. "Bigyan muna natin siya ng time."

"Ang haba na ng time na binigay natin sa kanya. Siguro, friendship over na talaga."

Tinapik niya ito sa balikat. "Wag ka ngang nega. Hayaan mo, kakausapin natin siya mamaya. Kung kailangan na mag-sorry tayo, gawin natin."

"May magagawa pa ba ako?"

Napangiti siya. "Tara na nga."

"Ihahatid na ba kita sa bahay niyo?"

"Hindi. Deretso na ako sa school." Kailangan na niyang umpisahan ang trabaho niya. Iiwan na lang siguro niya sa sasakyan ni Yelena ang dala niyang isang maliit na maleta.

"Na ganyan ang suot?" Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

Napatingin siya sa suot na damit. Isang plain black T-shirt na maluwang sa kanya dahil hiniram lang niya sa kapatid. At maong na kupas na medyo maluwang din sa kanya dahil hiniram lang din niya sa girlfriend ng kaibigan ng kanyang kapatid. Bukod doon, wala naman nang problema. Pang-isang linggo lang kasi ang damit na dala niya, wala siyang time maglaba at magshopping dahil masyadong demanding ang kuya niya.

"Oo. Masama ba?"

"Oo! Halika ka na nga. May extra dress ako sa kotse. 'Yon muna ang isusuot mo. Tutal, magka-size lang naman tayo ng katawan. Maliban lang diyan sa pisngi mo." Tinusok pa nito ang kanyang pisngi. "Ang lambot talaga."

Sinamaan niya ito ng tingin. Bastos na babae.

"Tumahimik ka kung ayaw mong sipain kita."

Nginitian lang siya nito. "Bawal din pala yang ganyang buhok."

"Wag kang mag-alala. Matatanggal din lang 'yang kulay kapag nabasa."

Mahigpit na pinagbabawal sa Campus nila ang pagkukulay ng buhok. Lalong-lalo na ang paglalagay ng tattoo sa parte ng katawan na pwedeng makita dahil hindi naman daw School of Addicts ang SLU.

"Dani!!!"

Sabay silang napatingin sa lalaking eskandaloso. Tumatakbo ito habang kumakaway na palapit sa kanila. Ang luwang nang ngiti ng gunggong nang makilala ang kasama niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yelena sa pinsan niya.

"Sinusundo ko si Dani. Ikaw?" Balik-tanong din nito.

"Sinusundo rin siya. Kaya, pwede ka ng umuwi." Pagtataboy pa ni Yelena dito.

"Hindi pwede."

"Aba't....!"

Sumingit na siya. "Paano mo nalamang uuwi ako ngayon?"

"Tinawagan ako ni Kuya David. Sunduin daw kita."

"Hindi na kailangan. Nandito na ako kaya pwede ka ng umuwi." Sabad ni Yelena.

"Okay. Pero bago umuwi, may ipapakita muna ako kay Dani." Ngumiti ang pinsan niya ng nakakaloko. Ngiting siraulo. Inilabas nito ang cellphone sa bulsa at kinalikot.

Nanlaki naman ang mga mata ni Yelena at mabilis na kumapit sa braso ni Jace. "Baby ko, nagjo-joke lang ako. Kung gusto mo, sa'yo na sasabay si Dani, uuwi na lang ako." Ngumiti pa ng matamis ang kaibigan niya.

Kumunot ang noo niya. Ano'ng nangyayari?

"Baby ko, wala akong dalang sasakyan. Nagtaxi lang ako kaya sabay-sabay na tayo."

Biglang tumalim ang tingin ni Yelena ngunit agad ding napalitan ng matamis na ngiti nang iwinagayway ni Jace ang cellphone sa harapanan nito.

"Sabi ko nga po."

"Ano bang problema niyong dalawa?" Naiiritang tanong niya. "Nasaan na yung ipapakita mo, Jace?"

"Wala. Ipapakita ko lang sana na totoong tumawag si Kuya David sa'kin bilang ebidensiya."

"Okay." Hindi siya kumbisido sa sagot nito. Alam niyang may tinatago ang dalawang taong nasa harapan niya ngayon base na rin sa kilos ni Yelena na bigla na lang naging sweet at mabait kay Jace. Alam naman niya kung gaano nito kinaiinisan ang pinsan niya.  May pasabi-sabi pa ng 'baby ko' ang dalawa sa mismong harapan niya. Yuck lang. "Tara na." Yaya niya bago pa siya masuka sa dalawa. Mamaya na lang niya tatanungin ang pinsan niya kapag nagsolo na silang dalawa. Sigurado siyang mapapaamin niya ito. Takot lang nito sa kanya.

"Ikaw na ang mag-drive, baby ko." Ibinigay ni Yelena ang susi ng sasakyan kay Jace.

"Sure, baby ko. Alam mo namang ayokong napapagod ka."

"Ang sweet mo talaga, Baby k---"

"Pwede ba tumahimik kayong dalawa! Tag-init ngayon, hindi tag-landi." Ang sakit nila sa tainga. Ang sarap lang nilang sipain.

"Don't mind her, baby ko. Naiinggit lang yan." Bulong pa ni Jace sa kaibigan niya na alam niyang sinadya nitong iparinig dahil lumingon at kinindatan pa siya ng gago.

"Wag niyong ubusin ang pasensiya ko. Baka hindi niyo namamalayan, nakasubsob na kayo sa semento."

Natahimik naman ang dalawa hanggang sa makapasok sila sa sasakyan ni Yelena.

Tumikhim muna si Jace bago nagsalita. "Kain muna tayo. Nagugutom na ako."

Tinanguan lang niya ito dahil gutom na rin siya.

Hindi pa lang sila masyadong nakakalayo nang biglang nagsalita si Yelena.

"Wait!" Napa-preno ng wala sa oras si Jace. Mabuti na lang at walang sasakyang nakasunod sa kanila. "Di ba si YZ 'yon?" Tinuro nito ang isang Chinese restaurant na nasa gilid lang ng kalsada.

"Sino'ng YZ?"

"Sino yung kasama niya?"

Awtomatikong napatingin siya sa restaurant dahil sa sinabi ni Yelena.

Si YZ nga. Kumakain ito habang nakikipagtawanan sa kaharap na babae.

Dafuq?

_________
D E Y M Y U U

Unedited. Kayo na ang bahalang umintindi. O siya, press the star to see my picture hahaha.

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon