Note: Last three chapters then epilogue.
CHAPTER TWENTY-THREE
"Wala ka na ba talagang ibibilis?!"
"Sandali!" Sigaw ni YZ mula sa loob ng kuwarto. Kanina pa ito kinakatok ni Jamie. Hindi pala kinakatok, kinakalampag na niya ang pintuan.
"Ang bagal mo! Kapag na-late tayo, malilintikan ka talaga sa akin!" Sigaw rin niya mula sa labas.
Kung hindi pa nito binuksan ang pinto talagang sisirain na niya 'yon.
Pinasadahan niya ng tingin si YZ mula ulo hanggang paa paglabas nito.
"Seriously?! Inabot ka ng kalahating oras sa loob, yan lang pala ang suot mo?"
Napatingin naman ito sa suot. Yung suot ni YZ kagabi, yun pa rin ang suot nito ngayon.
"Hindi ba tayo kakain?" Tanong nito nang walang sabi-sabing hinila niya ito palabas ng kanilang bahay.
"Sa school na lang. Pupunta pa tayo sa bahay niyo dahil magbibihis ka pa. Ang bagal mo pa namang kumilos." Nauna na siyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Pagdating nila sa bahay nina YZ sinalubong agad sila ng ate nito.
"I heard the news. Buti naman at walang nasaktan sa inyo." Anito pagkaalis ni YZ. Kailangan pa nito ng maligo. Magkaharap sila ni Ayzee ngayon.
"Right. Hindi naman ganun kalakas ang bomba. Sapat lang para mamatay kaming dalawa."
"Gosh! Talagang gusto nilang mamatay ang kapatid ko! May hinala na ba kayo kung sino? Kilala na ba ni David?"
"May hinala na kami. And I'll confirm it later. Iniimbestigahan na rin siya ni David."
Hinawakan nito ang dalawang palad niya. "Thank you so much. Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob."
"Ginagawa lang namin ang trabaho namin."
"Salamat pa rin." Ngumiti si Ayzee ng tipid. "Sana nga mahuli na yung taong nasa likod ng mga nangyayaring ito para matapos na."
"Don't worry. I will protect YZ kahit ano'ng mangyari."
"You're so kind, Jamie."
Umiling siya. "Akala mo lang yun."
"Ano'ng pinag-uusapan niyo?" Sabay silang napalingon kay YZ na pababa ng hagdan. Tumutulo pa ang buhok nito.
"Wala. Let's go." Nagpaalam muna siya kay Ayzee bago tumayo.
"Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ni YZ sa kanya ng paandarin nito ang sasakyan.
"May kakausapin akong tao. Gusto kong malaman ang totoo."
"Sino naman yun? At anong totoo?"
"YZ, wag ng maraming tanong, pwede? Para sa 'yo din lang naman 'tong ginagawa ko. Para sa kaligtasan mo."
Napansin niyang humigpit ang hawak ni YZ sa manibela. "Jamie, kaya ko ang sarili ko. Nakakalaki ka, alam mo ba yun?" Nang sulyapan niya ito ay seryoso ang mukha nitong nakatutok sa daan. Ngayon lang niya ito nakitang seryoso. "Ayokong itaya mo ang kaligtasan mo para lang sa kaligtasan ko. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo nang dahil lang sa akin."
Napangiti siya. "I know."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Anyway, may suspect na ba kayo?"
"Meron na. Hinala pa lang naman. Hindi pa sigurado. Kasalukuyan siyang iniimbestagahan ni David."
"David? Yung kapatid mo?"
Nakalimutan niyang hindi pala nito alam na si David ang may hawak ng kaso nito. Kaya natitiyak rin niyang hindi nito alam ang trabaho ng sariling kapatid.
"Oo. Wag kang mag-alala, magaling ang kapatid ko." Magaling itong mag-imbento ng mga bagay, magaling mag-imbestiga, magaling mang-hack. Oras na makita nito ang isang bagay ay mabilis nitong natatandaan. Hindi nga niya alam kung normal pa ba ang kapatid. Ang problema nga lang, masyado itong babaero at pilyo.
"Tell me. Sino'ng pinanghihinalaan niyo? I must know. Kilala ko ba? Kung malapit lang siya sa akin, dapat kong malaman, para makapag-ingat ako."
Wala naman sigurong masama kung sasabihin niya dito. Tutal, may karapatan itong malaman. "Mindy."
"What?" Bigla itong nagpreno. "Are you sure? Si Mindy? Ano'ng motibo niya?"
"Ayoko sanang sabihin sa 'yo dahil hinala pa lang naman. Naisip lang namin. Paano niya agad nalaman na may nangyaring masama sa 'yo. Hindi naman maipapalabas agad iyon sa TV. At imposible din namang bawat oras ay nakabantay siya sa TV at nag-aabang ng balita. And nahuli na rin yung taong gumawa ng bomba.
According to the guy who made the bomb, a guy paid him in cash. No names, no IDs. Pero hindi naman tanga ang teroristang yun, tumanda na nga sa paghahasik ng lagim. Base sa impormasyong nakuha ni David, hindi lang si Mindy ang gustong pumatay sa 'yo. May nakikialam. Kaya hindi pa kami sigurado."
"I want to know why." Yun lang nasabi nito at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
"So do I."
"I'll talk to her."
"No way!" Protesta niya. "That wouldn't be a good idea."
"Why not? She wants me dead. I want to know why." Giit pa nito.
"Delikado, YZ. Makinig ka sa akin!"
"I know."
"Alam mo naman pala! Kaya wag matigas ang ulo mo, mapapahamak ka lang sa ginagawa mo!"
"Bakit ka sumisigaw? Uy, nag-aalala siya sa akin."
Hindi niya pinansin ang panunukso nito. "Yes! Nag-aalala ako sa 'yo! 'Coz I care for you!" Natigilan siya ng ma-realize niya ang sinabi. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay YZ.
Ngising-ngisi ang hudas. "May gusto ka sa akin, 'no?"
"Hindi kita gusto, okay? Maybe crush, pwede pa." Pag-amin niya. Hindi naman sigurong masamang umamin.
"Crush mo ako?"
"Yeah. I crush you. Masama ba?" Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Wala naman. Kung crush mo ako, ibig sabihin may gusto ka sa akin?"
Ramdam niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya. "Crush is paghanga. Paghanga."
"Sabagay. Tiba-tiba ka na rin sa akin, gwapo, mabait, maginoo, matapang, matalino."
"Oo na lang." Umirap siya.
"Uy. Crush ako ni Jamie. Crush ako ni Jamie." Tinusok pa nito ang pisngi niya.
Pinalo niya ang kamay nito. "Tumigil ka nga. Magmaneho ka na lang."
Hanggang sa makarating sila sa eskwelahan ay hindi nabura ang ngiti ni YZ. Tinutukso pa rin siya nito hanggang sa naglalakad na sila patungo sa cafeteria.
"Shut up, YZ. Hindi ka na nakakatuwa." Nagsisisi tuloy siya na umamin siyang may crush siya dito.
"Pahawak nga ng kamay ng babaeg may crush sa akin."
Lalong namula ang pisngi niya ng hawakan nito ang kamay niya. Nakasalubong pa nila si Yelena. Nanunuri ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos ay lumipat ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay ni YZ.
"Bitawan mo nga ako." Pilit niyang binabawi ang kamay niya.
"No way." Humigpit ang pagkakahawak nito.
Lumapit sa kanya si Yelena at bumeso sabay bulong. "Marami kang ikwe-kwento."
Kinagat niya kamay ni YZ nang makaalis si Yelena.
"Ouch! What was that for?!" Hinaplos nito ang nasaktang kamay.
"Mauna ka na sa cafeteria. May kakausapin lang ako." Tinalikuran niya ito at tumakbo palayo.
May hahanapin pa siya. Gusto niyang itong makausap. Gusto niyang malaman ang dahilan. Alam niyang may alam ito sa nangyayari.
___________
D E Y M Y U U

BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________