CHAPTER THIRTEEN
"Jamie, wait. Talk to me, ano ba!"
Hinabol niya ang dalaga na lakad-takbo ang ginawa para lang maiwasan siya. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari kay Jamie, wala rin siyang naaalalang ginawa niya dito para iwasan siya ng ganito.
"Jamie, may ginawa ba ako? Sinaktan ba kita? Tell me! Wag 'yong ganito." Patuloy niya pa rin. Parang wala pa rin itong narinig. Malakas na hinigit niya ang braso nito.
Mahigit tatlong linggo niya itong hindi nakita. Sa pagkaka-alala niya, okay naman sila nang umalis ito.
"Ano bang kailangan mo?" Malamig ang boses na tanong nito.
"Ikaw. Bakit mo ako iniiwasan?"
"Hindi kita iniiwasan. Nagmamadali ako."
"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako narinig? Saan ka ba pupunta? Bakit nawala ka? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?" Sunod-sunod na tanong niya.
Huminga ito ng malalim. "YZ, wala kang pakialam kung saan ako pupunta at kung bakit hindi ako nagpaalam sa iyo. Ano ba kita? Kaibigan lang, di ba? At hindi porke't magkaibigan tayo, close na tayo. Dahil umpisa pa lang sinabi ko na sa'yo na hindi ako magiging mabuting kaibigan sa iyo."
Nabitawan niya ang braso nito. "Akala ko ba...." Tumawa siya ng pagak. "Paasa ka."
Umangat ang isang kilay nito. "YZ, hindi ako paasa. Ikaw ang umasa." Tinalikuran siya nito pagkatapos at naglakad palayo sa kanya.
"Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita."
"Oo na, crush kita."
"Pambihira, mahal pala!"
Napalingon siya sa dalawang taong kumakanta. Sina Blaze at Speed na magkayakap. Habang 'yong iba pa niyang kaibigan ay nasa lilim ng isang puno at nagpipigil ng tawa.
"May patanong-tanong ka pa kasi kung bakit bigla akong nawala."
"Aray! Na Jamie Zone ako."
"Tangina niyo."
Lumakas ang tawa ng mga ito. Inakbayan siya ng dalawa.
"'Tol, tara. May marijuana ako. Singhot-singhot lang, okay ka na." Pagbibiro ni Speed.
"Gago."
"Okay lang 'yan, 'tol. Punta na lang tayo sa rooftop."
Mukhang mas matino pang kausap si Blaze ngayon.
"May tali doon. Bigti ka na, para wala ka ng problema." Dugtong pa nito.
Nag-apir pa ang dalawa.
"Mga gago talaga kayo." Binabawi na niya ang sinabi niya kanina na mas matinong kausap si Blaze.
Tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa kanya ng dalawa at naglakad patungo sa kinaroroonan ng iba pa niyang kaibigan.
"Inaasar ka na naman ng dalawa?" Tanong ni Max nang makalapit siya.
"Kailan ba hindi nang-asar 'yong dalawang 'yan?"
"Di ka pa nasanay." Sabad ni Exel. "Look at them, mukhang may binabalak."
Tumingin siya direksyon nina Speed at Blaze. Seryosong nag-uusap ang dalawa, mayamaya'y tatawa at seseryoso ulit.
"Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan yung dalawang yan." Natatawang sabi ni Trey na agad nilang sinang-ayunan.
Second year highschool sila nang makilala nila ang dalawa. Tinulungan sila ng mga ito nang minsang mapagtripan sila ng mga tambay sa labas ng eskwelahang pinasukan nila.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________