CHAPTER FIFTEEN
Two days later
"You mean, yung Mindy ang sinasabi mong puntirya nila?"
Tumango-tango siya. Kasalukuyan niyang kausap sa Skype ang kuya niya. Sinigurado niyang malayo siya sa ibang estudyante para walang makarinig sa usapan nila.
"At niligtas lang siya ni Hyzin?" Tumango ulit siya. "I see. I think, alam ko na kung bakit."
"Bakit?"
"Pinupuntirya ng suspect ang mga taong malalapit kay Hyzin."
"What do you mean?"
"Kung tama nga ang hinala nila na isa sa mga ex ni Hyzin ang suspect, ibig sabihin
nagseselos siya kaya gusto niyang saktan ang mga babaeng malapit kay Hyzin.""Naimbestigahan mo na ba yung mga babae sa listahan?"
"Oo. Si Mayne at Shannon ay mga pet lover kaya imposibleng isa sa kanila ang nagpadala ng pugot na pusa. Yung Jenny naman, wala sa bansa. The rest, hindi na siya kilala. And si Cara Diaz, wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya."
"You mean, siya talaga ang main suspect?"
"Maybe yes. Maybe no."
"What do you mean? Maski ba picture, wala kang nakuha?" Paano niya malalaman kung sino si Cara kung hindi niya ito kilala sa mukha.
"Take a look at this. I'll send her picture."
Wala pang ilang segundo ay nakita na niya ang email ng kapatid.
"Yan ang nakuha ng source ko sa dating eskwelahan ni Hyzin. Sabi ng mga estudyanteng napagtanungan niya, naunang lumipat ng ibang eskwelahan si Cara, one week bago lumipat si Hyzin sa school niyo. Titigan mong mabuti, baka kilala mo."
Napatitig siya sa mukha ng babaeng nasa larawan. "She looks familiar." Napatingin siya sa kapatid na hinihintay ang sasabihin niya. "Kuya, don't tell me..."
"Yes. Kapatid ni Nicoline Avilon si Cara Diaz. Base sa impormasyong nakalap ko, hindi maitatanggi ang closeness ng dalawa kahit na anak lang sa labas si Cara."
"Wait. Hindi kita masundan. Akala ko ba wala kang nakuhang impormasyon tungkol kay Cara?"
"Wala nga."
"Ang gulo mong kausap!" Pinitik niya screen ng laptop niya.
"Wala akong nakuhang impormasyon kay Cara dahil hindi ko siya inimbestigahan. Pagkatapos kong makuha ang picture na pinadala ng taong inutusan ko, nagkaroon na ako ng hinala. Si Nicoline ang inimbestigahan ko." Kilala ng kapatid niya si Nicoline dahil nag-aral din dati dito ang kuya niya.
Natigilan siya. Bigla kasi siyang may naalala.
"Ano'ng ginagawa mo?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya kay Nicoline ng lapitan niya ito. Nakakubli ito sa isang pader habang nakikinig sa usapan ng kung sino.
"Jamie!" Gulat ang rumehistro sa mukha nito ng malingunan siya.
"So, ano'ng ginagawa mo dito? Sino'ng sinusundan mo?" Pasimple niyang sinilip ang tinitignan nito. Kumunot ang noo niya ng makita si YZ at si Mindy sa di kalayuan.
"Wala. I have to go." Mabilis nitong paalam. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pagtalim ng tingin nito kay Mindy.
"Nagmamadali ka yata?"
Tumingin ito sa kanya. Wala siyang mabasang kahit na ano'ng emosyon sa mukha nito.
Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Lumayo ka kay YZ, kung ayaw mong mapahamak."
Ngayon naiintindihan na niya ang ibig nitong sabihin. Tama nga ang kuya niya, puntirya ng suspect ang taong malalapit kay YZ.
Naalala niya rin na nangyari ang mga pagbabanta kay YZ ilang araw pagkatapos ng pekeng birthday ni Blaze. Yeah, naloko sila ng mga gago.
Pero, ang ipinagtataka niya. Ano'ng kinalaman ni Nicoline sa mga threats na natatanggap ni YZ? Revenge? Imposible. Dahil ba sa sinaktan ni YZ ang kapatid nito? Napakababaw ng dahilan ni Nicoline para pumatay ng ganun na lang.
"Jamie, nakikinig ka ba?"
"Ha?" Nawala sa isip niyang kausap pala niya ang kuya niya.
"Sabi ko-"
"I'll talk to you later. May paparating."
Mabilis niyang isinara ang laptop niya at nagkubli sa likod ng makapal na halaman.
"Napansin mo ba yung mga tingin sa'kin ng Nicoline na 'yon? Grabe, kulang na lang bumulagta ako sa harapan niya."
"Dont mind her. Ganun lang talaga siya."
Hanggang dito ba naman, magkasama pa rin ang dalawa? Aalis na lang siya.
"And YZ, wala ka bang napansing kakaiba sa kaibigan mong si Jamie?"
Natigilan siya sa paghakbang ng marinig ang pangalan niya.
"Ano'ng kakaiba?"
"Yung sinabi niya sa cafeteria. Nagsorry siya sa'yo tapos nalaman agad niya yung nangyari sa atin. Paano nangyari yun? Konti lang ang nakakita."
Bakit parang ang daming alam ni Mindy? Inoobserbahan ba siya ng babae?
Nag-vibrate ang cellphone niya. Nakatanggap siya ng text mula sa kuya niya.
'Maliban sa'yo, may isa pang nagbabantay kay YZ na inatasan ko'
Don't tell me, si Mindy ang tinutukoy ni Kuya? Kaya ba, marami itong alam? Kaya ba, palagi itong nakadikit kay YZ? Kailangan niyang malaman kung tama nga ang hinala niya.
Nagreply siya pabalik dito. Tinanong niya kung ano ang pangalan.
Nagvibrate ulit ang cellphone niya. Muntik na siyang mapamura ng makita ang reply ng kuya niya. Smile emoticon lang, buwisit talaga.
"Mindy, di ba sinabi ko na sa'yo kung bakit siya nag-sorry? At yung tungkol naman sa nangyari, sinabi niyang nabanggit lang ng kaibigan niya."
"YZ, paano kung siya ang taong gustong pumatay sa'yo? Kailangan mong mag-doble ingat."
Talagang ginawa pa siyang suspect.
"That's impossible!"
"Nothing is impossible, YZ."
"Imposible talaga, Mindy. Ano naman ang motibo ni Jamie? Bakit niya ako gustong patayin. At isa pa, may suspect na kami. Si Cara."
"Cara? Who is she?"
"My psychotic ex-girlfriend."
"Sigurado ka ba?"
"Hindi. Wala pang matibay na ebidensya. Pero malakas ang hinala kong si Cara ang gustong pumatay sa akin."
"Okay. Pero mag-ingat ka pa rin kay Jamie. Lalong-lalo na yung Nicoline na yun. May kakaiba din sa isang 'yon."
Talagang idinidiin pa siya ng bruha. O baka naman plinano na ng kapatid niya ang kunwaring pagdidiin sa kanya. Masasakal talaga kita, David!
Dahan-dahan siyang tumayo, ngunit sa kasamaang-palad. Nakaapak siya ng tuyong sanga. Mabilis siyang yumuko.
"Sino yan?!" Sabay pang tanong ng dalawa.
Shit!
___________
D E Y M Y U U
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________