Note: Binura ko muna ang FOYD. Ito muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Sabaw-sabaw mga update ngayon kaya wag kayong magreklamo.
CHAPTER NINE
"I'm alive." Ang unang nasabi ni YZ nang mapagtanto kung nasaan siya.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Bukod sa nananakit na katawan ay para namang wala siyang malaking pinsala. May kamay at braso pa naman siya, idagdag na ang paa at binti.
Nakakakita din siya at nakakarinig. He could hear the silence.
Napangiti siya. Hindi nagtagumpay ang taong gusto siyang mamatay. Ngayon naiintindihan na niya ang last word nito kanina at alam na niyang totoo ang mga pagbabanta nito.
Balak talaga siyang patayin ng kung sino man 'yon. Well, he was sorry, pero wala itong karapatang kitilin ang buhay niya. Ayaw niyang mabawasan ng gwapo ang mundo.
Bumukas ang pinto ng silid. Isang nurse ang iniluwa niyon. Matamis ang ngiti nito. "Good morning."
"Good morning." Tugon niya. Mapait ang panlasa niya at medyo magaspang ang kanyang boses. But it was good news. Buhay na buhay nga siya.
"You're one lucky guy." Anito na may itinurok sa IV line.
"Yeah. Eighty kilometers per hour and I'm alive."
Ngumiti ang nurse. "I'm talking about..." Sumulyap ito sa pinto. "her."
"Jamie." He whispered. Floating in the room toward him was an angel, in her white, crisp long sleeved shirt and tight fitting jeans. Her curly and brownish hair was swaying and bouncing.
"How do you feel?" Tanong agad nito.
"I feel reborn." He grinned.
Inirapan siya nito. "Buti buhay ka pa."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Para mo na ring inamin na gusto mo akong mamatay."
Hindi na ito nakasagot dahil magkakasunod na pumasok ang mga kaibigan niya. Kulang lang ang mga ito ng isa. Wala si Max.
"'Tol! Nabuhay ka!"
"Salamat naman at nakaligtas ka."
"Sayang. Bumili pa naman kami ng kandila."
Sabay-sabay na niyakap siya ng mga ito.
Kumunot ang noo niya. "Aanhin niyo ang kandila?"
"Ipagtitirik ka na sana namin."
"Siraulo."
Nagtawanan ang mga ito. Sinulyapan niya si Jamie na tahimik na nakahalukipkip sa isang tabi. Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya ang biglang pagtalim ng tingin nito kay Blaze.
Naagaw ng malakas na tunog ng cell phone ang atensiyon nila.
"Excuse me." Paalam ni Jamie.
"Paano niya nalaman na nandito ako?" Tanong niya sa mga ito nang makalabas na si Jamie.
"Hindi mo ba maalala? Number niya daw ang binigay mo sa doctor at paulit-ulit mo daw na sinasabing tawagan siya." Sagot ni Exel.
"'Tol!" Nagulat pa siya nang bigla siyang sinunggaban ng yakap nina Blaze at Speed. Pekeng humikbi pa ang dalawang gago.
"Ano ba!" Pilit niyang kinakalas ang mga braso ng mga ito na nakapulupot sa kanya. "Bitawan niyo ako kung ayaw niyong sipain ko kayo palabas." Banta niya.
Mabilis pa sa rollercoaster na kumalas ang dalawa.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Jamie. Mukhang importante ang kausap nito.
Napatingin siya sa nang bumukas 'yon. Ngumiti siya sa pag-aakalang si Jamie ang iluluwa niyon.
Mabilis na nabura ang ngiti niya nang makita si Max, kasama ang ate niya.
"Thank God, you're okay." Umiiyak na lumapit sa kanya ang kapatid.
"Sorry. I wasn't careful enough. Stop crying, Ate. Mukha kang tanga."
Tinampal nito ang braso niya. "Gago ka! You were thrown out of the car to the hood of the another car. You didn't even lock your door, but maybe, that saved your life. The car's wreck, also the back of the van. Good thing wala iyong sakay kundi ang driver." Kuwento ng ate niya.
"And 'tol, hindi simpleng aksidente ang nangyari. Lumabas sa imbestigasyon na sinadyang pakialaman ang preno ng sasakyan mo and they had no idea how that was done." Patuloy pa ni Max.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Blaze. "I think you really need a bodyguard. Hindi na nagbibiro ang nagbabanta sa'yo."
"Ano'ng nagbabanta? Ano'ng ibig niyong sabihin? Blaze? Trey? Exel? Max?" Nagpalipat-lipat ng tingin ang ate niya sa kanilang lahat.
Hindi niya sinabi sa ate niya at sa mga magulang niya ang death threats na natatanggap niya. Noong isang araw kasi ay may nakita siyang note sa mismong locker niya.
Napabuntong-hininga siya. "May natatanggap akong tawag. Noong una, akala ko prank call lang kaya hinayaan ko. Pero nitong mga nakaraang araw naging sunod-sunod ang tawag, so nagpalit ako ng number. Hindi ko alam kung paano niya nalalaman ang mga new number ko. Bago ako madisgrasya, tumawag siya sa akin. Isang 'goodbye' lang ang sinabi niya." Pag-amin niya.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin? Sa'min nina Daddy?"
"Ayoko lang kayong mag-alala." Sagot niya.
"You need a bodyguard. May kilala akong private detective. Makakatulong siya."
"Ate, kaya ko---"
"No!" Putol nito. "Wether you like it or not. Ako mismo ang hahanap ng bodyguard."
"Ate, please. Ako na ang bahala. I'll take care of everything."
"But you need a bodyguard." Giit pa ng ate niya. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakasigurong ligtas ka anumang oras."
At alam niya na hindi siya titigilan ng ate niya hangga't hindi niya ginagawa ang gusto nito. She was stubborn, used to have having everything she wanted. Iyon ang bagay na namana niya rito.
"Okay. But I'll find my own bodyguard." Aniya na walang intensiyong gawin ang sinabi. Ayaw lang niyang makipagtalo sa ate niya. Isa pa'y inaantok na siya at kumikirot ang tagiliran niya. Hindi niya alam kung nabalian ba siya dahil sa mga pain reliever na binibigay sa kanya.
"Good. Magpahinga ka na."
Napatingin siya sa pintuan ng maalala si Jamie. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito bumabalik. Nakalimutan na ba siya nito?
Mukhang napansin ni Max na may hinahanap siya. Tumikhim ito kaya napatingin siya rito.
"Nakasalubong ko pala si Jamie kanina. Nagmamadali. Ako na lang daw ang bahalang magsabi sa'yo."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Hindi ka nagtanong." Tipid na sagot nito.
Napabuntong-hininga siya. Mukhang importante nga ang pupuntahan ng dalaga.
"Lumabas na kayo. Magpapahinga ako." Aniya na sabay-sabay ng mga itong tinutulan.
___________
D E Y M Y U U
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________