Note: May story din pala ang kapatid ni Jamie na si David, entitled, BEAUTY is the BEAST, just so you know. Siguro ipo-post ko siya pagkatapos nito. Malapit na 'tong matapos.
SPECIAL CHAPTER: A Brother's Love
"David?" Tawag niya sa kapatid nang hindi niya ito makita sa kahit saang sulok ng kanilang bahay.
Minabuti niyang lumabas para puntahan ang tree house na nasa likuran ng kanilang bahay. Dito ito madalas na nagpapalipas ng oras kapag umuuwi ito ng Pilipinas.
Hindi nga siya nagkamali. Malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang kapatid na nakaupo sa bintana.
Hindi siya nito napansin nang lumapit siya.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa siya nahahanap?" Tinabihan niya ang kapatid. Hawak-hawak nito ang isang picture frame.
Umiling ito. "Kulang na lang libutin ko ang buong France kaso wala talaga."
Tinapik niya ito sa balikat. "Mahahanap mo rin si Avianna. Ano pa't naging detective ka."
Ngumiti ito ng mapait. "Yun na nga eh. I'm a private detective, lahat ng naging trabaho ko sa mga kliyente ko, maayos kong nagawa. Pero bakit pagdating sa paghahanap ng isa sa mga taong importante sa'kin, bigo ako?"
Si Avianna ang kababata niya na anak ng kaibigan ng magulang nila. Sa murang edad nagkagusto ang kanyang kapatid dito. Nagmigrate ang pamilya ng babae sa ibang bansa ilang taon na ang nakakalipas. Kamakailan lang ay nalaman nilang namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente. Kaya ganun na lang ang pagpupursigi ng kanyang kapatid na mahanap ito dahil alam nilang wala na itong kamag-anak na malalapitan.
Ni hindi na nga niya maalala kung ano ang hitsura nito. At ang tanging alaalang naiwan nito ay ang isang lumang litrato na ini-ingat-ingatan ni David. Ganun nito kagusto ang kanyang kababata.
Tinapik niya ulit ito sa balikat. "I'm not a good adviser, you know. So, bahala ka sa problema mo."
"I know." Humarap ito at pinisil ang pisngi niya. "Ang cute mo talaga."
"Mas cute pa kay Avianna?"
"Oo. Mas cute ka kay Avianna. Maganda kasi siya."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Mas maganda sa akin?"
"Mas maganda siya sa'yo."
Mahinang sinuntok niya ito sa braso. "Ano'ng gusto mong palabasin? Hindi ako maganda?"
Ginulo nito ang buhok niya. "Magkaiba kayo ng ganda."
"Paanong magkaiba? Siya Dyosa habang ako Diwata?"
Saglit na nag-isip ito. "Parang ganun na nga."
Nagkibit-balikat siya. "Ayos lang. Laos na ang Dyosa eh." Tumingin siya sa kawalan. "Naalala mo pa ba noong hinabol mo kami ng tsinelas dahil nasira namin ang tree house mo?" Natatawang tanong niya.
"Oo. Ang tigas kasi ng ulo niyo. Nagiba ang tree house ko, dahil dinaganan mo. Ang taba mo pa naman noon."
"Ano'ng mataba ka diyan. Malusog lang ako noon. Magkaiba yun."
Umakbay ito sa kanya. "Pareho lang yun. Pisngi mo lang naman ang hindi nagbago."
Sumandal siya sa balikat nito. "David, paano kung mawala ako?"
"What do you mean?"
"I mean, paano kung mamatay ako. Iiyak ka ba?"
Inihilamos nito ang palad sa mukha niya. "Baliw."
Pinalo niya ito. "Paano nga? Iiyak ka ba? Maglulupasay ka sa sahig?"
"Hindi."
Napangiti siya sa sunod na sinabi nito.
"Dahil hindi mangyayari ang iniisip mo. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo. Walang mamamatay. Magpapakasal pa kayo ni Hyzin, di ba?"
Napairap siya. "Wala nga akong gusto kay YZ. Ang kulit mo din."
"Naks. Alam mo bang yan ang palaging linya ng mga babaeng may gusto sa aming mga lalaki."
"Sabi nino?"
"Sabi ko. Kasasabi ko lang di ba?"
"Pauso mo." She rolled her eyes. "Siyanga pala. Kung papipiliin ka? Ako o sina Mommy?"
"Baliw. Siyempre both."
"Iba na nga lang. Ako o si Avianna?"
"Ikaw." Walang pagdadalawang-isip na sagot nito.
"Talaga?"
"Talaga."
"Bakit?"
"Ano'ng bakit? Si Avianna, pwede pang palitan. Pero ikaw, nag-iisa ka lang."
"Pwede mo pa rin naman akong palitan. Malay mo magkaroon pa tayo ng kapatid."
"Wag ka ng umasa. Sa tingin mo makakagawa pa ng kapatid natin sina Daddy? Matatanda na ang mga iyon. Mahina na ang tuhod."
"Lagot ka kapag narinig ka nila."
"Okay lang. Teka nga." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinaharap. Pagkatapos ay sinalat nito ang kanyang noo. "Wala ka namang sakit. Bakit ang bait mo yata?"
Nagkibit-balikat lang siya. "Feel ko lang. Bakit ba?"
"Dapat pala palagi kang mabait."
Sumandal ulit siya sa balikat nito. "Kuya, pwede mo ba ulit kantahin yung palagi mong kinakanta sa akin?"
"Imagine me without you?"
Tumango siya.
"Okay. Pagbibigyan na kita, tutal minsan ka lang maglambing sa akin." Tumikhim muna ito. Napapikit siya ng magsimula itong kumanta.
"As long as stars shine down from heaven. In the rivers run into the sea.
'Til the end of time forever. You are the only love I'll need.
In my life you're all that matters. In my eyes the only truth I see.
When my hopes and dreams are shattered. You're the one that there's for me.
When I found you I was blessed. And I will never leave you. I need you."
Natawa siya ng bigla itong pumiyok. Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy pa rin.
'Imagine me without you. I'd be lost and so confused.
I wouldn't last a day. I'd be afraid. Without you there to see me through.
Imagine me without you. Lord, you know it's impossible.
Because of you. It's all brand new. My life is now worthwhile.
I can't imagine me without you."
"Kuya, enough. Sinisira mo ang kanta." Tumatawang saway niya dito.
"Ang ganda kaya ng boses ko." Depensa naman nito.
"Maganda sa pandinig mo. Paano naman yung taong nakikinig sa tabi mo?"
Pinisil-pisil nito ang pisngi niya. "Namiss ko 'tong malambot na pisngi mo. Namiss din kita."
Napikit siya ng halikan siya nito sa noo. "I love you. Kahit sinusungitan mo ako."
"I love you too, Kuya. Kahit hindi halata."
"Kunwari naniniwala ako."
"Kuya!" Humahaba ang ngusong hinampas niya ito.
Tumatawang niyakap lang siya nito.
"I will take care of you."
_______
D E Y M Y U U#Drama

BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Ficção Adolescente⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________