Chapter Six

8K 564 19
                                    

Note: Happy 6k reads. Thanks for supporting. Nakakatamad mag-update dahil sa bagal ng network connection. May balak akong i-on-hold 'to. Balak pa lang naman, pinag-iisipan ko pa.

PS: I will dedicate the next chapter sa huling taong magco-comment.

CHAPTER SIX


"Ano'ng klaseng birthday party 'to?" Nalukot ang mukha ni Jamie at nilibot ang tingin sa paligid.

The whole room glowed by green and red laser beams shooting out from the rotating lights in the ceiling. Nagmistulang bar ang buong silid. Hindi halatang pinaghandaan.

Sa mismong penthouse ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Blaze ginanap ang birthday celebration nito, karamihan sa mga imbitado ay mga babae at kasama na sila dun. Lalong nalukot ang mukha niya nang makita si Nicoline sampo ng mga alipores nito.

"Walang taste ang taong nag-imbita sa kanila." Bulong ng katabi niya. It's Yelena. Nakalukipkip habang nakatingin sa mga taong tinitignan niya.

"Sinabi mo pa." Sang-ayon agad niya.

"Buti naman at nakarating kayo." Nakangiting salubong ni Blaze sa kanila.

"May gana ka pa talagang ngumiti?" Pagtataray ni Yelena dito.

Napakamot ng batok si Blaze. "Pasensya na kayo kung hindi ko kayo nasundo. Nag-ayos pa kasi kami dito."

"Sana maaga mong---"

"Okay lang, Babe. Ang importante nandito na kami." Singit ni Scarlet na mabilis na kumapit sa braso ni Blaze. Tuko alert! Pinanlakihan niya pa kami ng mata.

Nginitian sila ni Blaze at iginiya palapit sa ibang bisita.

Pinaupo sila nito sa pang-apatang mesa.

"If you're hungry, you're free to get your foods there." Tinuro ni Blaze ang isang mahabang mesang puno ng pagkain na nasa isang sulok. "Maiwan ko muna kayo, asikasuhin ko lang 'yong ibang bisita." Pagpapaalam pa nito.

Tinanguan lang nila ito.

Mabilis namang tumayo si Scarlet at kumapit na naman kay Blaze. "Sasama ako sa'yo, Babe. I want to meet your friends."

"Sure."

Natampal niya ang kanyang noo habang Napabuntong-hininga naman si Yelena pagkaaalis nang dalawa.

Base sa kilos ng kaibigan nila natitiyak nilang nahulog na sa kamandag ng babaerong Blaze na 'yon ang loob nito. At hindi nila nagugustuhan ang masyadong pagdikit ni Scarlet dito.

"Yel/Dani." Sabay pa nilang tawag sa isa't-isa.

"We need to do something." Alam niyang alam nito ang ibig niyang sabihin.

"I know. Alam niyang bawal at ako ang natatakot para sa kanya."

Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

Tinapik niya ito sa balikat. "Hayaan muna natin siya, suportahan na lang natin kung saan siya masaya."

Ngumit ito. "Much better. Cr lang ako."

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon