Chapter Seven

7.4K 491 36
                                    

Happy 9k reads. Lul. Hahaha. Dedicated to rheanrap27

DRICO'S TIP
Tip para maiba araw mo.

-makipag jack-en-poy ka sa salamin hanggang sa manalo.

CHAPTER SEVEN


"Kuya, mukha kang tanga."

Nabura ang ngiti ni YZ at napatingin sa nakababatang kapatid.

"Why?"

"Ngumingiti ka mag-isa." Inirapan siya nito.

Napangiti ulit siya nang biglang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Jamie. Yung matatabang pisngi nito, yung mapupulang labi at idagdag pang ang cute nito lalo na pag galit. Bigla niya itong namiss. Inilabas niya ang cellphone at nagtipa. Kinuha niya ang number nito kagabi dahil nga magkaibigan na sila.

To: JamONAY
Good morning. :) :) ❤

"Kuya, ano ba! Stop smiling!" Iritadong bulyaw ng kanyang kapatid.

Imbes na maasar ay lalo siyang napangiti.

"Asar!" Padabog na tumayo ito at naglakad palayo sa kanya.

Naiiling na sinundan lang niya ito ng tingin.

Tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone.

From: JamONAY
Wag ka ng magtext dito. Asawa niya 'to. May apat na anak na kami.

Lalong lumuwang ang ngiti niya sa reply nito.

To: JamONAY
Aw. Di man lang ako na-inform na kasal na pala tayo, asawa ko.

From: JamONAY
Ano'ng kailangan mo, Yelo with Z?

To: JamONAY
Ikaw lang. 😘❤

Wala pang isang minuto ay nagreply agad ito.

From: JamONAY
Ikaw lang din. :)

Napakurap siya ng ilang beses. Paulit-ulit din niyang binasa ang reply nito. Napatitig siya sa screen ng kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip pa siya kung magrereply ba siya o hindi. Mas nanaig ang nauna niyang naisip.

Nagtatatype pa lang siya ng sasabihin nang bigla na namang tumunog ang cellphone niya.

From: JamONAY
Ikaw lang din ang masasapak ko kapag pinagpatuloy mo 'yan. Pakyu, dude.

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon