10 years later....
"Daddy, saan tayo pupunta?" Tanong ng kanyang anak ng sumakay sila sa kanyang kotse.
Nginitian ni YZ si Jamie. "May dadalawin lang tayo, Baby." Hinalikan niya ito sa ulo bago humarap sa manibela.
"Saan po?"
"Malalaman mo rin kapag nandun na tayo."
"Hindi po ba natin isasama si Mommy?"
"May trabaho si Mommy, Baby. Kaya hindi siya makakasama."
Gumuhit sa mukha ng kanyang anak ang lungkot. "Palagi na lang siyang busy."
"Intindihin mo na lang si Mommy, Baby. Para sa 'yo din lang naman ang ginagawa niya. Nandito naman ako. Ayaw mo bang kasama si Daddy?" Nagkunwari din siyang malungkot.
Namilog ang mga mata ng bata. "Siyempre po, gusto ko. Kaso mas maganda sana kung nandito rin si Mommy."
"Wag kang mag-alala. Dadalawin natin si Mommy pagkatapos nang pupuntahan natin."
Kumislap ang mga mata nito sa narinig. "Talaga po? Promise yan ha."
Ginulo niya ang buhok ng anak. "Promise."
Itinutok niya ang pansin sa daan. Maya-maya lang ay ipinasok niya ang sasakyan sa isang pribadong sementeryo. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa likod ng ilang sasakyan na nakaparada sa gilid.
Bumaba siya at binuksan ang pintuan ng passenger seat.
Binuhat niya ang kanyang anak palabas. Kasama ang isang bungkos ng bulaklak.
"Ano pong ginagawa natin dito, Daddy."
"May dadalawing friend si Daddy."
Ibinaba niya si Jamie at hinawakan ito sa kamay saka nakangiting lumapit sa mga taong nagkumpulan.
"YZ!"
Biglang sumugod ang ilan sa mga kaibigan niya. Napatago si Jamie sa kanyang likuran marahil sa gulat.
"Wag nga kayong manggulat. Tinatakot niyo ang anak ko eh." Saway niya sa mga ito.
"Siya na ba si Jamie?" Nakangiting lumuhod si Trey para magpantay sila ng bata. "Hi, Little Jamie." Lalong sumiksik sa likuran niya si Jamie. "Mukhang masungit ang inaanak ko, ah."
"Hindi yan. Nagulat lang sa inyo." Hinawakan niya ang anak at ipinaharap. "Say hi to your Ninongs, Baby."
"Hi po, Ninong....s."
Biglang tumili si Scarlet. "She's so cute. Ang taba-taba ng pisngi niya." Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa anak niya at kasalukuyang pinipisil ang pisngi ni Jamie. "Fudge, dapat ganito rin ka-cute ang anak natin. Kung hindi, maghihiwalay talaga tayo." Baling nito kay Blaze. Yeah. Nagkatuluyan ang dalawa.
"Fudge naman. Lalaki ang magiging anak natin."
Sinamaan ito ng tingin ni Scarlet. "Ano'ng sabi mo?"
Biglang namutla si Blaze. "Ikaw naman, Fudge. I'm just kidding, you know. Of course, baka nga mas cute pa sa anak ni YZ ang magiging anak natin." Hinaplos pa nito ang tiyan ni Scarlet. She's four months pregnant.
Saksi sila sa mala-Tom and Jerry na love story ng dalawa. Nasaksihan rin nila kung paano umiyak at lumuhod sa harapan ng isang babae ang playboy na si Blaze.
Si Trey na katabi ang asawang si Yelena. Si Dave naman ay kasal na din. May mga anak na rin ang mga ito. Si Max naman ay engaged na sa kababata nitong si Sabanna. Dalawa na lang sa kanilang magbabarkada ang wala pang asawa, si Exel na ang palaging dahilan ay ang negosyo kaya wala pang oras sa pakikipagrelasyon.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Подростковая литература⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________