Chapter Twenty-five

5.3K 213 38
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE


"Why, Mindy?" Tanong ni YZ kay Mindy.

Dinala niya ito sa isang abandonadong silid kung saan tiniyak niyang walang makakarinig.

There was no point in beating around the bush. Dapat malaman na ni Mindy na alam na niya. Kung tatanggi ito'y lalo lamang siyang makukumbinsi.

Hindi tumanggi si Mindy na parang hindi na rin nasorpresang alam na niya ang totoo. Bagkus, she fumbled with her neck. Hinubad nito ang locket na palagi nitong suot.

"Here." Inihagis nito iyon sa kanya. "Look at her. Look at her real hard." Dagdag pa nito.

Binuksan niya ang hugis-pusong pendant. What he saw stunned him.

"She's my best friend, damn you!" Hindi mataas ang boses nito ngunit makamandag. "You killed her!"

Patuloy sa nakakakilabot na monologue si Mindy. Because her voice was so cold, nanunuot iyon sa kalamnan niya.

"She loved you, she died because of it. Ano ang ikinamatay niya? Who knows? She just died, maybe she killed herself. Wala akong pruweba, but I can feel the truth. She's all I had and you took her away from me. Alam mo bang palagi ka niyang kwinikuwento sa akin? Palagi niyang sinasabi na mahal na mahal ka niya. Pero pinaglaruan mo siya!"

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na namatay si Cara. "Hindi ko siya pinaglaruan! Umpisa pa lang sinabi ko na sa kanya na hindi ko siya gusto, pero mapilit siya. Binantaan ako ni Cara na magpapakamatay siya sa harapan ko. Kaya napilitan ako." Alam niyang hindi ito maniniwala.

"Liar! Ano ang gusto mong palabasin? Na nababaliw si Cara?!"

"Oo. Hindi na pagmamahal yung nararamdaman niya sa akin. Obsession na yun, Mindy. Sa tuwing may lumalapit o kumakausap sa akin na babae, nagagalit siya agad. Nagseselos. Dumating pa sa puntong nananakit na siya."

Tumawa ng pagak si Mindy. "Natural lang sa babae na magalit at magselos. Palibhasa kasi, babaero ka. Hindi kuntento sa isa!"

"Baliw ang kaibigan mo---"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil malakas na sampal ang pinadapo ni Mindy sa kaliwang pisngi niya.

"Wag mong tatawagin na baliw si Cara. Dahil hindi lang yan ang aabutin mo. Why can't you die, YZ? Pero mamamatay ka din, pagkatapos ko kay Jamie."

"No, Mindy. Please, spare Jamie. Kill me now kung yan ang ikakatahimik mo." Sinalubong niya ang nagbabagang titig ni Mindy. Nawala na ang kanina'y maamo nitong mukha. Napalitan iyon ng galit. "Please, Mindy. Tatanggapin ko ang kaparusahan mo, wag mo lang idamay si Jamie."

"Don't worry. You'll die.......soon." Nagsimula itong humakbang patungo sa pinto.

"No! I'll call the police, Mindy."

Tumawa ito ng malakas. "Hindi mo ako pwedeng ipapulis dahil wala kang ebidensya. May nakarinig ba sa usapan natin? Wala!" She went out the door, slamming the door behind her.

Ilang minuto siyang napatitig sa pintong nilabasan ni Mindy. Napabuga siya ng hangin bago tuluyang tumayo at lumabas.

Wala sa sariling naglakad siya sa pasilyo.

"YZ!"

Mula sa pagkakayuko ay napaangat siya ng tingin ng marinig ang boses ni Jamie. Patakbong lumapit ito sa kanya.

Natigilan siya ng bigla siya nitong niyakap. Hindi pa lang siya nakakabawi ay kumalas na ito. Hinampas nito ang braso niya. "Gago ka! Saan ka galing? Di ba sabi ko sa 'yo wag mong kakausapin si Mindy dahil delikado?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" Isang beses pa nitong hinampas ang braso niya, nang hindi pa ito nakuntento, malakas siya nitong sinuntok sa sikmura.

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon