I would like to dedicate this chapter to my number one PANGS.
pablasebay- hey, tanda! Alam mo namang isa ka sa mga inspirasyon ko. (Pweeh! 😂😂) Salamat sa suporta.
CHAPTER TWO
"Pangit ba ako?"
"Oo, 'tol."
"Kapalit-palit ba ako?"
"Oo nga."
"Then why?!"
Malakas na binatukan ni Exel si Blaze. "Tanga nito. Pangit ka nga, di ba? Malamang ipagpapalit ka talaga."
"Tangina niyo naman eh. Ang i-slow niyo. Linya 'yon ni Liza, mga 'tol! Ni Liza!" Tinignan pa sila ni Blaze ng masama.
"Sino'ng Liza?" Kunot-noong tanong ni Exel dito.
Bago pa makasagot si Blaze ay naunahan na ito ni Speed.
"Anak ni kuto!"
Isang batok din ang natanggap ni Speed mula kay Trey."Gago. Isa ka ding tanga. Sikat 'yon, hindi niyo kilala?"
"Kilala mo?" Tanong niya kay Trey.
"Oo. Itlog ni Kuto."
Umasim ang mukha ni Blaze nang magtawanan sila.
"Mga gago talaga kayo. Makalayas na nga." Tumayo ito at naglakad palayo. Sinundan lang nila ito ng tingin. Maya-maya'y huminto at nilingon sila.
"Ano? Titingin na lang kayo diyan? Hindi niyo ako pipigilan?"
"Hindi. At wala kaming balak na pigilan ka." He said at nakipag-apir pa si Exel sa kanya.
"Ang titino niyo talagang kausap." Sarkastikong saad ni Blaze.
"Matagal na, 'tol." Tinapik ni Speed ang balikat ni Blake.
"Hindi niyo alam ang nararamdaman ko, so stop acting like you know my pain!" Sigaw nito sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Kaninong linya na naman 'yan, 'tol?" Nagpipigil ng tawang tanong niya.
Lumiwanag ang mukha ni Blaze. "Kay Kathryn, mga 'tol."
Ang luwang ng ngiti ng gago.
"Wala na. Tiyak na mental bagsak nito." Iiling-iling na bulong sa kanila ni Exel.
"Hindi rin, 'tol. Severe na 'yan. Hindi na siya tatanggapin doon. Sa albularyo pwede pa, hampas-hampas lang ng dahon ng malunggay at bayabas, gagaling na 'yan." Pabulong din na sabi niya sa dalawa.
"Mga 'tol, baka naman gusto niyong i-share 'yang pinag-uusapan niyo."
Nang bumaling sila kay Blaze ay nakakunot ang noo nito habang masamang nakatingin sa kanila.
"Pasensya na, 'tol. Pero usapang-gwapo lang kasi." Tumatawang sagot ni Speed.
"Aalis na talaga ako!" Deklara ni Blaze at naglakad palayo.
"Blaze!" Malakas na tawag niya.
Lumingon naman ito. "Pipigilan mo ako?"
"Ingat." He winked.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________