Note: Sobrang busy ko these past few days. Daming tinatapos. Mabagal ang update simula ngayon. Intindihin niyo na lang. Baka next week na ulit ako mag-a-update. Unedited 'to.
CHAPTER FIVE
"Bakit ka na naman nandito?" Bungad agad ni Jamie nang makita ang pinsan na prenteng nakaupo sa sala habang nanonood. Kauuwi lang niya at ito agad ang nabungaran niya. Sigurado din siyang wala pa ang mga magulang niya. Past eight na umuuwi ang mga 'to at sanay na siya.
Ngumiti lang ito at hindi pinansin ang tanong niya. "Magandang gabi din."
"Tss."
Tuloy-tuloy siyang umakyat sa hagdanan. Huminto lang siya nang tinawag siya nito.
"Ano na naman?"
"May kasalanan ka sa'kin." Pinatay nito ang TV at lumapit sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Ano'ng pinagsasasabi nito?
"Sinunod ko yung sinabi mo pero bakit mas lalo siyang nagalit sa'kin?"
Lalong kumunot ang noo niya. "Are you taking drugs?" Hindi niya napigilang itanong.
"Dani naman, itong gwapong mukha 'to? Halata bang user ako?"
She rolled her eyes and crossed her arms across her chest. "So, ano'ng pinaglalaban mo?"
"Sabi mo magandang iregalo ang panty na may feminine wash at may free na napkin at pantyliner."
Oo nga pala. Ngayon lang ulit sila nag-usap ng pinsan niya simula noong gabing 'yon.
"Malay ko bang tanga ka at susundin mo yung suggestion ko." She laughed. "And excuse me, as far as I remember, wala akong sinabing magandang iregalo ang ganun."
Umasim ang mukha nito. 'Alam mo bang napahiya ako dahil sinampal niya sa pagmumukha ko 'yon?"
"Hindi. At wala akong pakialam." She paused. "Umalis kana din, wag kang feel at home." Yun lang at tinalikuran na niya ito.
Narinig pa niya ang pagtawag nito pero hindi niya pinansin.
When she entered her room she just threw her bag somewhere. Humiga siya sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniform niya.
Nagtataka siya ng walang makapa.
Tatayo sana siya upang kunin ang bag niya nang maalala niyang nabasag pala kanina ni YZ or mas tamang sabihing, binasag ni YZ.
Hindi niya alam pero mainit ang dugo niya sa binata. Lalapit pa lang ito ay literal na naiinis na siya.
Napagpasyahan niyang matulog nang hindi nagpapalit dahil bukas gagawa talaga siya ng paraan para maitaboy ang YZ na 'yon.
_________
"Dani! Ang aga mo ngayon." Lakad-takbong sinalubong si Jamie ni Yelena. "Sabay na tayo."
Tinaguan lang niya ito dahil tinatamad siyang magsalita.
Pagliko nila sa pasilyong papunta sa kanilang silid ay nakasalubong nila si YZ. May hawak itong paper bag na may tatak nang isang mamahaling brand ng cellphone.
"Heto na pala 'yong utang ko." Anito na ngiting-ngiti na para bang walang basagang nangyari noong nakaraang araw.
Nalukot ang mukha ni Jamie at parang hangin lang na dinaanan si YZ. Nagpaalam na si Yelena na mauuna.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________