Note: 'Wag kayong magreklamo kung matagal akong mag-update. Lumayas kayo kung hindi kayo makapaghintay. Ang daming story diyan na completed. Bukod kasi sa gwapo ako, nag-aaral ako. Don't me baka masaksak ko kayo. 🔪🔪
Dedicated to AyemChic. Salamat sa cover. Pakatangkad ka. 😂
CHAPTER FOUR
Hindi pansin ni YZ ang mga ingay at mga kagaguhang ginagawa ng mga kaibigan sa loob ng cafeteria dahil nasa iisang tao lang nakatuon ang atensiyon niya. Ang cute nitong tignan dahil nakakunot ang noo at lumulobo ang mga pisngi habang abala sa sariling cellphone.
Hindi niya maiwasang magkaroon ng interes sa babaeng bilog na 'to na hindi tinatablan ng kanyang mga banat. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang mapalapit dito.
"Ano na, 'tol? Suko ka na ba? Nasaan na 'yong 'I'll make her fall' na sinasabi mo? Gago ka kasi." Natatawang bulong sa kanya ni Blaze.
"Hintayin mo lang, makakakita ka ng naglalaway na siopao araw-araw dahil sa kagwapuhan ko." Aniya.
"Siyanga pala, ibigay mo 'to sa kanya. Nalaman namin na paborito niya yan." May inilapag si Speed sa mesa na agad naman niyang kinuha.
Itinaas niya ang hawak at pinagmasdan. Seriously?
Tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan.
"Are you sure?" Paniniguro niya.
"Yeah. We did a research." Seryosong sagot ni Max.
Sa kanilang pito si Max ang pinakaseryoso, kaya 'pag ito na ang nagsalita, kailangan mong maniwala.
Hindi naman sa wala siyang tiwala sa lima, sadyang hindi lang talaga katiwala-tiwala.
"Okay." He stood up para simulan ang unang hakbang niya upang mapalapit dito.
Hawak ang isang baso ng juice at ang paborito daw nito na lumapit siya sa mesa ni Jamie.
"Hi, Jam. Flowers for you." Ngiting-ngiting bati niya rito. Mag-isa lang itong kumakain at nakatutok pa rin ang tingin sa cellphone.
Inilapag niya ang bulaklak sa ibabaw ng mesa.
Nag-angat ito ng tingin at agad na naningkit ang mga mata nang makita ang bulaklak sa mesa.
"What do you think of me?! Santo Niño?! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ipakain ko sa'yo 'to!" Inis na bulyaw nito.
"Sabi nila paborito mo daw ang sampaguita?" Naguguluhang tanong niya. Pasimple niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng mga kaibigan na ngayon ay nagpipigil ng tawa.
"Puwes, akala mo lang 'yon! At sabihin mo sa nagsabi sa'yo na mamatay na siya! Letse!" Padabog na tumayo ito at nagmartsa palabas ng cafeteria.

BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Novela Juvenil⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________