Note: Natatawa na lang ako habang sinusulat ang chapter na 'to. Wengya. Ang drama!
CHAPTER TWENTY-FOUR
"Nicoline. Pwede ba tayong mag-usap?"
Awtomatikong nagtaasan ang mga kilay ng mga kampon ni Nicoline nang makita siya.
"Sure." Ngumiti ito nang tipid at tumayo.
"Seriously, Nicoline? Sasama ka sa kanya?"
"Oo nga naman, Nicoline. Baka mamaya, ano na namang gawin niya sa 'yo."
"Baka gawan ka na naman ng masama."
Narinig pa niyang sabi ng mga kaibigan nito.
"Kung kayo kaya ang gawan ko ng masama?" Naiinis na sabi niya.
"Girls, okay lang ako. May pag-uusapan lang kaming importante ni Jamie."
Tinalikuran niya ang mga ito at naglakad siya palabas. Pinili niyang pumunta sa likod ng building nila. Alam niyang sumunod si Nicoline.
Nang masigurong walang tao ay humarap siya rito.
"Ano'ng pag-uusapan natin?"
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Kapatid mo si Cara Diaz, hindi ba?"
Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. "Oo. Half-sister, actually."
"Kilala mo si Mindy?"
Tumango ito.
"How?"
"She's my sister's best friend."
"Alam mo bang gusto niyang patayin si YZ?"
Tumango ulit ito.
"Bakit hindi mo pinigilan?!" Hindi niya naiwasang magtaas ng boses.
"Look, Jamie. I tried! Pero hindi siya nakikinig. Binalaan din kita noon, remember?"
"Bakit niya ginagawa 'to? Bakit siya galit kay YZ? Bakit niya gustong patayin si YZ? Ano'ng dahilan? Dahil ba sinaktan niya ang kapatid mo na bestfriend niya?!"
"Dahil wala na si Cara, Jamie!"
Natigilan siya. "Ano?"
"Patay na si Cara. Nagpakamatay siya dalawang araw bago lumipat si YZ dito. Noong una, hindi ko matanggap. Nagalit ako kay YZ. Pero kalaunan naisip ko, walang kasalanan si YZ. Nalaman ko rin na may problema sa pag-iisip ang kapatid ko. Hindi matanggap ni Mindy ang pagkamatay ni Cara at sinisi si YZ. Noong una, akala ko namamalikmata lang ako nang makita si Mindy at si YZ na nag-uusap sa cafeteria. Noong pangalawang beses na nakita ko sila, nagkaroon na ako ng hinala. Believe me, ilang beses ko siyang kinausap at pinigilan pero hindi siya nakikinig. Buo talaga ang loob niyang patayin si YZ."
Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Believe me, Jamie. May kasabwat si Mindy at natitiyak kung malaking tao ang tumutulong sa kanya."
She gritted her teeth. "Alam ko at yun ang aalamin ko."
"Nahihibang ka na ba?! Maari kang mapahamak sa ginagawa mo!" Niyugyog siya nito.
Pinalis niya ang mga kamay ni Nicoline na nakahawak sa magkabilang balikat niya.
"Wala ka ng pakialam dun, Nicoline. Di ba galit ka sa akin? Bakit ngayon kung umasta ka parang concern na concern ka?"
"Hindi ako galit sa 'yo, Jamie. Inggit, oo. Pero hindi ako galit sa 'yo. Hindi ako masamang tao. Kaya kitang tulungan."
"Salamat na lang. Salamat din sa impormasyon." Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.
"Jamie--"
"Nicoline, ayokong pati ikaw mapahamak. Hayaan mo na lang kami." Aniya rito nang hindi lumilingon. Nang hindi ito nagsalita ay tuloy-tuloy siyang naglakad palayo.
Pagliko niya sa isang pasilyo ay nabangga siya.
"Scarlet?" Nawika niya ng makilala ito.
"Jamie." Ngumiti ito ng tipid.
Ngumiti din siya at nilagpasan ito.
"Alam mo ba kung bakit ako lumayo sa inyo at sumama sa grupo ni Nicoline?" Anito na nagpatigil sa kanya.
"Dahil galit ka sa amin. Dahil hindi mo matanggap na niloko ka ni Blaze." Aniya sa matigas na boses.
Tumawa ito ng pagak. "Nagkakamali ka. Hindi ako ganun kababaw, Dani. Alam mo yan." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago nagpatuloy. "Pinakiusapan ako ng kapatid mo na tulungan ka, Dani. Lumayo ako sa inyo at sumama sa grupo nina Nicoline upang manmanan siya dahil ang akala ni Kuya David, siya ang gustong pumatay kay YZ."
Nang humarap siya dito ay nakita niyang umiiyak ito. "Alam ko rin na hindi ako kayang mahalin ni Blaze. Na pinaglalaruan lang niya ako. Noong sinabi niyo yun sa akin ni Yelena, nasaktan ako, oo. Pero kahit kailan hindi ako nagalit sa inyo. Hindi ko kayang magalit sa inyo."
"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin?"
"Dahil hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako. Nasasaktan ako tuwing dinadaanan niyo ako, tuwing sinasamaan ako ng tingin ni Yelena. Tinawagan ko si Kuya David kahapon. Sinabi ko sa kanya na ayoko na. Sinabi niyang okay na daw. Kilala na niya. Pwede ko na kayong kausapin. Dani, please? Gusto kong bumalik na tayong tatlo sa dati."
Hunakbang siya palapit dito at ngumiti. "I missed you. I mean...we missed you." Niyakap niya ito.
"Thank you." Gumanti ito ng yakap.
"Hindi mo ba kami namiss?" Kunwa'y nagtatampong tanong niya nang maghiwalay sila.
"Ano ka ba. Syempre namiss ko kayo." Mahina pa siya nitong pinalo sa braso. "May kasalanan ka sa akin."
"Ano naman kaya yun?"
"Ang dami kong naririnig na balita tungkol sa inyo ni YZ. Mag-kuwento ka naman."
Saglit siyang natigilan ng mabanggit nito ang pangalan ng lalaki. Natampal niya ang noo ng maalala si YZ. "Shit!"
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Scarlet.
"I need to go. Pupuntahan ko pa si YZ. Puntahan mo na lang si Yelena."
"Okay." Nagtataka man ay tumango pa rin ito.
Patakbo niyang tinungo ang cafeteria. How come na nakalimutan niya si YZ? Tiyak niyang kanina pa ito naghihintay or baka nga naiinip na ito.
Hinanap ng mata niya si YZ nang makarating siya sa cafeteria. Nakita pa niya ang mga barkada nito. Ngunit wala ang lalaki. Saan yun pumunta?
Naglakad siya palapit sa mga ito. "Nasaan si YZ?"
"Jamie!" Nagulat ang mga ito nang makita siya.
"Nasaan si YZ?" Ulit niya.
"Ikaw naman. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ni YZ? Palagi na lang kayong magkasama." Nagtawanan ang mga ito.
"Nasaan si YZ?!" Pasigaw ng tanong niya. Nabaling tuloy ang atensiyon ng ilang estudyante sa kanila.
"Easy. Easy. Ikaw naman binibiro ka lang namin."
"Wala akong oras makipag-biruan sa inyo. Nasaan siya?" Nakakaubos talaga ng pasensya ang mga kaibigan nito.
Si Max ang sumagot. "He's with Mindy. May pag-uusapan daw silang importante."
"Saan sila pumunta?"
"Wala siyang nabanggit. Why?"
Hindi siya sumagot. Bagkus ay tinalikuran niya ang mga ito at nagmartsa palabas ng cafeteria.
Walanghiyang, YZ! Ang tigas talaga ng ulo. Saan niya ito hahanapin ngayon?
__________
D E Y M Y U U

BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________