CHAPTER ELEVEN
"Good morning, YZ." Nakangiting bati sa kanya ni Mindy.Ngumiti siya ng pilit. "Hi." Maikling tugon niya. Simula nang tulungan niya ito sa mga bullies, palagi nang nakadikit sa kanya ang dalaga.
"Kumain ka na ba? Tara! Kain tayo." Tumayo ito.
"Sorry, Mindy. Marami pa kasi akong gagawin." Napansin niyang nawala ang kislap sa mga mata nito. "Pero pwede tayong lumabas bukas."
Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga?!"
Nakangiting tumango siya. "Oo. Mauuna na ako, kita na lang tayo bukas."
"Sige. Ingat."
Naglakad na siya papunta sa parking area ng campus kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Maganda si Mindy. Kung pagkukumparahin ito at si Jamie, di hamak na mas maamo ang mukha ni Mindy kaysa sa huli.
Nagtext muna siya sa ate niya bago siya pumasok sa kotse. Hindi naman siya na-trauma sa aksidenteng kinasangkutan niya.
Napabuntong-hininga siya nang maalala si Jamie. Tatlong linggo na siyang walang balita sa dalaga. Simula nang pumunta ito sa hospital, hindi na niya ito nakita. Wala namang maibigay na impormasyon ang mga kaibigan nito dahil hindi rin alam nang dalawa kung nasaan si Jamie.
Tatlong beses siyang bumusina sa gate nila bago siya pinagbuksan. Kabababa pa lang niya sa kanyang sasakyan ay agad na siyang nilapitan ng isa sa mga kasambahay nila. May bitbit itong isang kahon na nababalutan ng pula.
"Sir, may babae pong nag-abot nito kanina. Para sa inyo daw po."
Kumunot ang noo niya. "Babae? Ano daw pong pangalan?"
"Hindi po sinabi ang pangalan. Nagmamadali."
Kinuha niya ang box mula rito. "Sige po, Manang. Salamat." Tatalikuran na sana siya nito nang may maalala. "Nandiyan po ba si Ate?"
"Kanina pa po umalis, Sir."
"Sige."
Pumasok na siya sa loob. Iniwan muna niya sa mesang nasa sala ang kahon bago tinungo ang kanyang kuwarto upang magbihis.
Makalipas lang ang ilang minuto ay narinig niya ang malakas na tili ng kanyang ate. Napalabas siya sa kanyang silid nang wala sa oras.
"Ano'ng nangyari?!" Pasigaw na tanong niya.
Hindi sumagot ang ate niya kaya napatingin siya rito. Tutop nito ang bibig nang dalawang palad at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa.... Tangina!
Muntik na siyang mahulog sa hagdan. Bigla siyang namutla. Halos maduwal siya sa nakita. A dead cat on the table with a note saying 'I can do this to you, Baby'. Walang ulo ang pusang laman ng kahon.
"YZ, hindi na talaga nagbibiro ang nagbabanta sa'yo. Kailangan mo na talaga ng bodyguard."
Umiling siya. "No, Ate. Hinding-hindi ako kukuha ng bodyguard."
"YZ!"
"Ate, please. Trust me. Kapag hindi ko na kaya, ako na mismo ang lalapit sa'yo."
"Teka nga. Saan mo ba nakuha yang kahon na yan? Sino ang nagbigay sa'yo."
"Binigay lang sa'kin ni Manang Susan kanina. May babae daw na nag-abot sa kanya."
"Gosh! I need to check the CCTV."
"Ate..." Nakaalis na ito bago pa niya mapigilan.
Napahawak na lang siya sa sentido niya. Wala silang CCTV!
______
"Kailan ka ba talaga lalabas, ha?" Nababagot nang tanong ni Jamie sa kapatid.
"Malapit na."
"Ilang beses mo na bang sinabi sa'kin 'yang pesteng 'malapit na' yan."
"Danielle, patience is a virtue."
"Excuse me? Time is gold."
Naunahan ng pagtunog nang cellphone nito ang sasabihin.
"Sino yung tumawag?" Tanong niya dito nang pinatay na nito ang tawag.
"Si Ayzee."
"Bakit daw?"
"Pinaldahan daw si Hyzin ng patay na pusa."
"Yun lang?" Napasandal siya sa upuan. Duh. Halos araw-araw may nasasagasaang pusa sa kalsada. Hindi naman siguro kakainin si YZ nang pusang patay na. Kung siya ang pinadalhan at nakakita niyon, edi ililibing niya sa likod ng bahay.
"You must understand that it was a threat. Parang sinabi na rin nang naglagay roon na ganun ang mangyayari sa kanya."
Someone tampered with the brakes of his car, tapos ngayon, pinadalhan ng patay na pusa.
"Ipapaayos ko na yung mga kakailanganin mo. Uuwi ka, bukas na bukas din."
May magagawa pa ba siya? Hindi na lang siya nagkomento. Tutal, gustong-gusto na talaga niyang umuwi.
May kinuha ito sa ilalim ng unan. Kumunot ang noo niya. Nakakahalata na siya. Sa tuwing may pinapakita at binibigay sa kanya ang kanyang Kuya ay kinukuha nito ang mga iyon sa ilalim ng unan. Seriously? Doraemon na ba ito ngayon?
Napaayos siya nang upo nang makita ang baril na inilapag nito sa harapan niya.
"Kailangan pa ba ng ganito?"
"For your safety. Hindi pa natin alam kung sino ang kalaban."
Kinuha niya yun at siniyasat. Hindi naman na bago sa kanya ang paghawak ng baril. Marunong naman siyang gumamit dahil paminsan-minsan siya nitong sinasama sa shooting range noon.
"Hindi ko 'to pwedeng dalhin pauwi. Alam mong mahigpit ang patakaran sa mga airport." Baka nga nasa bungad pa lang siya nang airport, mahuhuli na siya.
"Alam ko." May inilapag na naman ito sa harapan niya. Isang badge. A detective badge. "Ipakita mo yan sa mga pulis ng airport."
"Siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak. Itatakwil talaga kita."
"Oo na." Sumeryoso ang mukha nito. "Palagi kang mag-iingat. Susunod ako next week."
"Oo na."
Ginulo nito ang buhok niya. "Good girl."
__________
D E Y M Y U UMaliki lang 'to. Bawi ako sa next chapter.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________