CHAPTER TWENTY-ONE
"Ano? Walang reaksyon, ganun?"
Kuwinento niya sa kanyang mga kaibigan ang totoong dahilan kung bakit nasa condo niya ngayon si Jamie. At ang mga gago, wala man lang nagkomento. Tumango-tango lang ang mga ito at nagsibalikan sa mga dating puwesto.
Lumapit sa kanya si Jamie habang may tangay-tangay na chocolates. "Kinuha ko na. Kaysa naman ma-stock sa ref mo. Papasok na ako sa kuwarto ko. Wag kang gagawa ng kalokohan, kung ayaw mong malintikan."
Hindi niya pinansin ang banta nito. "Wag yan, Jamie. Paborito ko yan."
Inilayo nito sa kanya ang hawak nang akmang kukunin niya. "Nahawakan ko na, kaya sa akin na."
"Kapag ba nahawakan mo na, ibig sabihin ba niyon, sa 'yo na?"
"Oo. Kaya wala kang magagawa."
Ngumiti siya ng pilyo at hinawakan sa braso si Jamie. "Paano ba yan? Hinawakan na kita. Ibig sabihin ba nun, akin ka na?"
Naghiyawan ang mga kaibigan niya. Natahimik ang mga ito nang tumingin si Jamie ng masama. Pinagpatuloy ang mga ginagawa na parang walang nangyayari sa paligid.
But knowing his friends, alam niyang nakikinig ang mga ito. Nasa dugo yata nila ang pagiging tsismoso.
Pumiksi ito. "Tigilan mo nga ako. Baka hindi ako makapagpigil, masipa ko na naman yang kinabukasan mo." Bumaba ang tingin nito sa pagitan ng mga hita niya.
Tinakpan niya yun gamit ang dalawang palad. "Jamie, alam kong gwapo ako. Pero wag mo naman akong pagnasahan. Virgin pa ako."
"Siraulo." Sinuntok siya nito sa braso saka siya tinalikuran.
"Saan ka pupunta?" Sinundan niya ito.
"Matutulog na. Goodnight." Sinarado nito ang pinto sa mukha niya.
Saka lang nagsilapitan ang mga kaibigan niya ng wala na si Jamie.
"Kayo na ba?"
"Bakit ang bait niya sa 'yo?"
"Ano'ng pinakain mo sa kanya?"
"Pero, 'tol. Magiging ninong na ba kami?"
Binatukan niya si Blaze. "Hindi ka pa ba nadala? Gusto mo bang dagdagan ko yang pasa mo?"
Sinuntok ito ni Jamie sa mukha kanina dahil sa kadaldalan. Mukhang napalakas yata dahil halata ang pasa nito sa gilid ng kaliwang mata.
"Ang amazona talaga niya kahit kailan. Halatang may galit sa akin." Iiling-iling na sabi ni Blaze.
"Talagang may galit siya sa 'yo. Lokohin mo ba naman ang kaibigan niya." Pambubuska ni Speed dito.
"Kung ipasa ko kaya sa 'yo ang pasa ko?"
"Sige. I-open ko lang ang Bluetooth ko."
"Mas mabilis pag SHAREit."
Nagsimula na naman ang mga ito kaya sumingit na siya.
"Magsiuwian na nga kayo. Gabi na." Pagtataboy niya. Naglakad siya palapit sa pintuan at binuksan.
"Grabe ka talaga sa amin."
"Pwede bang dito na lang kami matulog?" Hirit pa ni Speed.
"Kaya nga. Gabi na, o. Baka may mangyaring masama sa amin. Hindi ka man lang ba nakokonsensya?" Segunda naman ni Blaze.
"Hindi pwede. Layas na!"
Inakbayan ni Max ang dalawa. "Mga 'tol, wag niyo ng kulitin si YZ." Kinindatan siya ni Max. "Hindi sila makakarami." Pabulong na sabi nito sa dalawa na sa tingin niya'y pinarinig talaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________