Survey tayo. Ano'ng magiging reaction niyo kung papatayin ko si Jamie? Haha.
CHAPTER NINETEEN
Sa ilang araw na nakasama ni YZ si Jamie, naramdaman niyang may nagbago. Bumabait na ito sa kanya, nginingitian na din siya. Minsan nga ay nakikita na niya itong tumatawa. Natutuwa rin siya kapag nagrereply ito sa mga text niya at minsan sinasagot ang mga tawag niya.
Napatuwid siya ng upo nang maka-receive ng text mula kay Jamie. Sinabi nitong hindi raw sila magkakasabay mag-lunch dahil may importante itong pupuntahan.
Nakangiti siyang nag-reply.
"Palagi mo na lang hawak yang cell phone mo, baka naman lumabo na ang mga mata mo niyan."
Nakangiting sinulyapan niya si Exel. "Nagtext kasi si Jamie."
Nawala ang ngiti niya ng hinampas ni Blaze ang mesa. "Ganyan ka naman, eh. Pagdating kay Jamie nakakalimutan mo kami." Natigilan ito at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Blaze cleared his throat. "Hehe, siyempre joke lang yung hampas sa mesa. Nakakatampo na kasi yang gagong yan." Tinuro pa siya. "Palagi na lang siyang wala kapag may gimik ang barkada."
Tinapik ito ni Max sa balikat. "Pagbigyan mo na, 'tol. Ngayon na nga lang ulit magkakaroon ng love life si YZ, kokontra ka pa."
"Oo nga naman, Blaze." Sang-ayon naman ng katabi niyang si Speed at inakbayan siya. "Malay natin, this time magkagusto na sa kanya si Jamie..." He paused. "....na imposibleng mangyari."
Pabirong sinuntok niya ito sa sikmura. "Gago."
"Ito, 'tol, seryoso na. What's the real score between you and Jamie?"
"We--"
"Hep!" Putol ni Dave. "Subukan mong sabihin ulit na wala kayo sa isang laro, makakatikim ka sa akin." Itinaas pa nito ang kamao.
Napabuga siya ng hangin. "Fine. We're good..." Walang umimik. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya. Naghihintay. "...friends." Dugtong niya.
Si Trey ang unang nakabawi. "Friends lang?"
"Oo."
"Friends lang talaga?" Si Dave.
"Oo nga."
"Talagang-talaga?"
"Talagang-talaga."
"Talagang-talagang-talagang-talagang-talagang-talagang-talaga?"
"Oo."
"Ang daya naman. Dapat gayahin mo din yung sinabi ko. Ang ikli ng sagot mo, eh." Reklamo ni Blaze.
"Ayoko." Tanggi niya.
"Dali na, 'tol." Pangungulit pa nito.
"Tumahimik ka nga, Blaze." Saway ni Max dito. "Alam mong nandito lang kami para sa 'yo. Susuportahan ka namin." Nakangiting baling ni Max sa kanya.
"And 'tol, alam mo namang botong-boto kami kay Jamie, di ba? Bagay kayo." Dagdag pa ni Exel.
Napangiti siya. "Salamat."
"I'm so touch naman."
"Yeah. Right. I want to cry na."
Sabay-sabay nilang sinamaan ng tingin sina Speed at Blaze na ngayo'y magkayakap habang pinapahid ang invisible na luha. Mga siraulo.
"Group hug na. Group hug!" Bigla na lang silang sinugod ng dalawa saka dinamba ng yakap. Muntik pa silang mawalan ng balanse.
"Mga gago talaga kayo." Binatukan ni Max ang dalawa.
"Pati paa ko, inapakan niyo." Ganun din ang ginawa ni Exel na sinundan ni Trey na sinundan din ni Dave na ginaya niya rin.
"Grabe kayo sa amin."
"Nahulog yata ang utak ko." Ipinilig ni Speed ang ulo.
"Bagay lang sa inyo yan."
Tumunog ang cell phone niya. Nakangiting tinignan niya iyon sa pag-aakalang si Jamie ang nagtext. Nabura ang kanyang ngiti at kumunot ang kanyang noo ng makitang galing yun sa ate niya. Pinapauwi siya nito dahil may importante daw itong sasabihin sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang bag at isinukbit sa balikat. Natigil ang mga kaibigan niya sa pagkukulitan at nagtatakang napatingin sa kanya nang makita siyang tumayo.
"Aalis na ako." Paalam niya.
"Saan ka na naman pupunta?" Dave asked.
"Wag mong sabihing magkikita na naman kayo ni Jamie? Aba, abuso na siya. Ina-araw-araw ka na niya."
Napa-aray si Blaze ng apakan niya ito sa paa. Gustong-gusto na niyang busalan ang bunganga nito.
"Pinapauwi ako ni ate. May importante daw siyang sasabihin." Napabuntong-hininga siya ng makita sa mga mukha ng mga ito na hindi naniniwala. "O, ebidensya. Nakakahiya naman sa inyo." Ipinakita niya sa mga ito ang text ng ate niya. Nag-unahan pa ang mga ito sa pagkuha ng cell phone niya.
Nagtaka siya nang makalipas ang dalawang minuto ay hindi pa rin binabalik ang cell phone niya. May kung anong tinitignan ang mga ito.
Lumapit siya at walang sabi-sabing hinablot ang cell phone.
Sabi na nga ba, eh.
Isa-isang ipinukpok niya ang cell phone sa mga ulo ng mga ito. Binabasa lang naman ng mga ito ang conversation nila ni Jamie.
"Mga tsismoso kayo."
****
"Si ate?" Tanong niya sa nakasalubong na kasambahay pagkapasok niya sa loob ng kanilang bahay.
"Nasa sala po, Sir. May kasamang bisita."
"Salamat." Aniya bago tinungo ang sala ng kanilang bahay.
Naabutan niya ang kapatid na abala sa harapan ng laptop.
"Ate." Tawag-pansin niya rito.
"I'm glad you're here. Kanina pa kita hinihintay." Isinara nito ang laptop saka tumayo at salubungin siya ng yakap.
"Ano yung sasabihin mong importante?" Direktang tanong niya. Ayaw na niya ng paliguy-ligoy dahil may klase pa siya mayamaya.
"Tungkol ito sa pagkuha ng bodyguard mo." Sabi nito.
"For the seventh time, ate. Ayoko ng bodyguard." Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nito nakakalimutan ang pagkuha nito ng bodyguard para sa kanya.
"Ako ang nakakatanda, kaya ako ang masusunod. Wala kang magagawa dahil may nakuha na ako."
"What? Akala ko ba napag-usapan na natin ito?"
Nameywang ito sa harapan niya. "Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako sumang-ayon sa gusto mo. Actually, she's here. Nakakahiya naman kung pauuwiin ko lang siya."
"She?" Hindi siya sigurado kung dinadaya lang siya ng pandinig niya.
"Why not? Siya ang pinakamagaling na ini-rekomenda ng kakilala ko. She could even be inside the bathroom with you."
"Are you serious? Paano ako mapo-protektahan ng isang babae?" Angal niya. It would be so degrading if his life depended on a woman. Pakiramdam niya'y iniinsulto siya ng kanyang kapatid.
"Whether you like it or not. She will be your bodyguard. Kailangan kasama siya kahit saan ka magpunta. Twenty-four/seven."
"Is she really good?" Paninigurado niya. Mahirap na, baka bigla na lang siya nitong gawing tagasalo ng bala kung sakaling magkagipitan.
"She's the best."
Sabay silang napatingin sa babaeng kalalabas lang mula sa kusina. May bitbit itong pagkain habang naglalakad palapit sa kanila.
"Nandito na pala siya." Nakangiting sabi ng ate niya at hinila ang babae sa tabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito.
"Meet your bodyguard. Danielle Jamie Mendoza."
__________
D E Y M Y U U
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________