CHAPTER TWENTY
"Jamie?"
"O? Ba't parang nakakita ka ng multo?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito.
"Ikaw?" Hindi siya makapaniwala. Napakabilis ng pangyayari. Paano niya naging bodyguard si Jamie? Hindi ba, ito dapat ang papatay sa kanya?
"It looks like you know each other. So, iiwan ko muna kayo, aakyat muna ako." His sister interrupted. "Kung gusto niyo naman, maglakad-lakad muna kayo sa parke. Be sure na babalik kayo ng lunch."
"Let's go." Yaya ni Jamie pagkaalis ng ate niya. Inilapag nito ang plato sa center table ng sala.
"Saan tayo pupunta?"
"Ipapasyal mo ako." Nakangiting sagot nito. Wala siyang nagawa nang hilahin siya nito palabas. "May nagtitinda ba ng mga street foods dito?"
Nagulat siya sa tanong nito. "Kumakain ka ng street foods?"
"Malamang. Tao ako, eh." Pairap na sagot nito.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala. Hindi kasi halata sa mukha mo."
"Ang dami mong sinasabi. Oo at wala lang naman ang pwede mong isagot."
Napakamot siya sa batok. "Meron naman. Medyo malayo."
"Okay lang, tara na!" Hinila na naman siya nito. Bakas sa mukha nito ang tuwa. Parang batang pinayagang lumabas ng mga magulang.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na bodyguard kita. Akala ko kasi.."
"Akala mo ako ang papatay sa 'yo?"
"Oo."
Tumawa ito ng mahina. "So, bakit ka pa sumama sa akin kung umpisa pa lang alam mo ng pwedeng kitang patayin?"
Huminto siya at hinarap ito. "Gaya ng sabi ko, remember noong unang labas natin?" Umiling ito. "'Coz I feel safe when I'm with you."
"Basta mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sa 'yo. Hindi lahat totoo. Hindi lahat mapagkakatiwalaan." Tinapik nito ang balikat niya at nagpatuloy sa paglalakad.
*****
"Heto ang magiging kuwarto mo. Iisa lang ang banyo natin." Binuksan niya ang isang pintuan. Pumasok ito at inilibot ang tingin sa paligid. Pati banyo hindi pinalagpas.
"A connecting bathroom?" Tanong nito nang bumungad ang kuwarto niya.
"Oo. Kaya i-lock mo kapag gagamitin mo ang banyo."
"Okay. Lumabas ka na." Tinulak-tulak pa siya nito palabas. "Tawagin mo na lang ako kapag may napansin kang panganib sa paligid mo." Ngumiti pa ito. "Bye."
Napabuntong-hininga siya nang isarado nito ang pinto.
Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding ng condo niya. Ayaw niyang matulog ng maaga.
Pumunta siya sa sala at inabala ang sarili sa panonood ng TV. Pasulyap-sulyap siya sa kuwarto ni Jamie, nagbabakasaling makita niya itong lumabas doon. Kaso, wala na yatang balak lumabas ang babae.
Napatingala siya sa kisame. Napangisi siya ng may naisip na kalokohan para mapalabas si Jamie.
"Jamie!!" Malakas na sigaw niya.
Hindi nga siya nagkamali, humahangos na lumapit ito sa kanya. "What happened?!"
"Ang sama ng tingin sa akin ng butiking yan."
Sinundan nito nang tingin ang itinuro niyang butiki na nananahimik sa kisame.
"Pinaglololoko mo ba ako?!" Naningkit ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________