Note: Dedicated to annamariedimalaluan. Hi sa'yo. Every time kasi na mag-a-update ako, nangunguna kang magvote. Salamat sa suporta.
CHAPTER FOURTEEN
"What?! Akala ko ba binabantayan mo siya?!"
Nailayo ni Jamie ang cellphone sa kanyang tainga dahil sa lakas ng boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya.
"Malay ko bang ililigtas niya yung babae." Napairap siya na animo'y kaharap ang kapatid.
"Danielle, please. Ayusin mo ang trabaho mo."
"Okay."
"And Danielle, kailangan nasa tabi ka niya palagi." Pagkasabi niyon ay pinutol na nito ang linya. Hindi man lang siya hinintay na magsalita.
Napatingin siya sa kinaroroonan nina YZ. Nagdatingan na ang mga kaibigan nito.
Pagkatapos ng sinabi niya kanina dito. Paano niya ito lalapitan ngayon? Hindi naman talaga niya sinasadyang sabihin ang mga 'yon. Nakulitan lang talaga siya.
Kailangan niyang gumawa ng paraan.
Umalis na siya sa kinatatayuan niya dahil biglang kumulo ang tiyan niya. Lintik naman! Nagugutom na naman siya.
Aminado naman siya na malakas siyang kumain, ang problema nga lang, sa pisngi niya yata napupunta lahat ng taba niya sa katawan.
Pagliko niya sa isang pasilyo ay nakasalubong niya ang grupo nina Nicoline. Nag-eexist pa pala ang babaeng 'to?
Hindi niya napigilan ang pagtikwas ng isa niyang kilay ng makilala ang kasama ng mga ito. It was Scarlet.
Nag-iwas ito ng tingin ng magtama ang mga mata nila.
"Look who's here. Pumasok ka na pala." Nakahalukipkip na tumigil sa harapan niya si Nicoline.
Ngumisi siya. "May mukha ka pa pala." Pagkatapos kasi nang nangyari sa birthday ni Blaze, ngayon na lang ulit niya ito nakita.
"Let's go, girls. Ayokong masira ang kagandahan ko dahil lang sa babaeng yan."
Tinignan pa siya ng mga kasama nito mula ulo hanggang paa.
"Anyway, Jamie my friend. I just want you to meet our new member....." Hinila nito si Scarlet. "Scarlet. Magkakilala na kayo di ba? She's your best friend...oh? Scratch that. Ex-best friend pala."
Naikuyom niya ang palad.
"Hindi ko siya kilala."
Umismid naman si Nicoline sa sinabi niya.
"Jamie...."
Tinignan niya ng masama si Scarlet. Ganun na ba talaga kasama ang loob nito sa kanila?
"Jamie, I'm-"Tinalikuran niya ang mga ito.
***
"She did what?!" Nanggigigil na tinusok-tusok ni Yelena ang hotdog. "Ganun na ba talaga tayo kasama?"
Nagkibit-balikat siya. "Siguro."
"Pero mali yung ginawa niya! Tayo na nga ang nagmamalasakit, tayo pa ang masama. Tapos malalaman na lang natin na nakipagkaibigan siya sa mga haliparot na 'yon!"
"Tama na yan. Kawawa na yung hotdog." Saway niya dito ng mapansing lasog-lasog na ang hotdog.
"Wag mo akong pigilan. Nanggigigil ako." Pinagpatuloy nito ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________