Chapter Ten

7K 273 16
                                    

CHAPTER TEN

"Bodyguard?!" Bulalas niya. Napatingin tuloy ang dalawang nurse sa kanya. Ano na naman bang pumasok sa kukote ng kanyang kapatid at balak pa siya nitong gawing bodyguard ng kung sino. "May sakit ka ba sa utak?!"

"Pouvez-vous nous donner l'intimité? Je vous remercie." Baling ng kapatid niya sa mga nurse. Mabilis namang sumunod ang dalawa.

Labing-anim na araw na siya dito sa France  dahil pinakiusapan siya ng magulang nila na bantayan ang kapatid niyang nakaratay sa hospital. F1 race car driver ang kuya niya, nadisgrasya ito sa kasagsagan ng karera. Ayon sa mga pulis, lumabas na sinabotahe ang sasakyan nito.

"Kayang-kaya mo naman 'yon, eh. Alam kong astig ka." Kinindatan pa siya ni David.

"Ayoko. Malay kong maging bodyguard." Humalukipkip siya. Sarili lang niya ang alam niyang ipagtanggol, wala siyang pakialam sa buhay ng iba.

"Danielle, pumayag ka na. Naka-oo na ako eh. Kung wala lang ako dito, ako na mismo ang magiging bodyguard niya."

Inirapan niya ito. "Hindi mo ako madadaan sa mga pa-cute mo. Kung hindi ka ba naman siraulo, alam mo namang nakaratay ka dito pumayag-payag ka pa." Malakas ang impact ng pagkaka-aksidente nito at ayon sa mga doctor aabutin pa ng ilang linggo bago ito tuluyang makalabas.

"Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo na mas matanda pa rin ako sa'yo."

Tumaas ang isang kilay niya. "Baka gusto mo ding ipaalala ko sa'yo na mas matured akong mag-isip sa'yo." Kumuha siya ng mansanas sa basket.

"Oo na." Pagsuko nito. "Ikaw na lang ang naisip ko dahil naniniwala akong kayang-kaya mo ang trabaho. Isa pa, mas madali mo siyang mababantayan dahil pareho lang kayo ng eskwelahang pinapasukan."

Naudlot ang pagkagat niya sa mansanas. "Sino ba ang babantayan ko?"

"Hyzin Gyver Montezalde."

Pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit nito pero hindi niya maalala kung saan niya narinig.

"Kapatid siya ng partner ko. Isang beses nang pinagtangkaan ang buhay niya. He needs your help." Patuloy pa nito.

"Isang beses pa lang naman."

"Danielle, seryosong usapan 'to. Pinakialaman din ang preno ng sasakyan niya gaya ng nangyari sa'kin."

Kumagat siya sa mansanas. "Bakit naman pinagtatangkaan ang buhay niya, baka naman masamang tao?"

Umiling ito. "Pumayag ka na, please. Dodoblehin ko ang allowance na binibigay sa'yo nina Daddy."

Awtomatikong napatingin siya rito. "Talaga?" Kumislap ang mga mata niya.

Tumango ito.

"Sige. Pero mas masaya siguro kung triplehin mo na."

Nalukot ang mukha nito. "Fine. So, pumapayag ka na?"

She nodded. "Makakatanggi pa ba ako?"

"Good. Sisimulan mo ang pagbabantay sa kanya kapag magaling na ako."

"Any known enemies?"

May kinuha ito sa ilalim ng unan, kapirasong papel. "Here, iimbestigahan ko ang mga yan. Isa sa kanila ang nagtatangka sa buhay niya."

Binuklat niya 'yon. Mayamaya'y kumunot ang noo niya. Binasa niya yon ng malakas. "Mayne Bautista, Shannon Sy, Jenny Dizon, Cara Diaz...." Mahigit sampung pangalan ng babae ang nakasulat.

Naging maagap si David. "Alam ko na ang sasabihin mo. Mga ex-girlfriends yan ni Hyzin. Isa sa kanila ang hindi matanggap na pinaglaruan lang sila nito."

"Malamang. Sino ba namang babae ang gustong mapaglaruan? Kung ako din ang nasa posisyon ng mga babaeng 'to, nuncang sisikatan ka pa ng araw." Parang ayaw na niyang bantayan ang lalaki, parang mas gusto niyang ipagkanulo na lang ito sa taong nagtatangka sa buhay nito.

"Hindi pa kasi niya nakikita ang babaeng para sa kanya."

"Kung hindi pa niya nakikita ang babaeng para sa kanya, bakit pa niya pinatulan ang mga babaeng 'to?" Tinignan niya ito ng makahulugan. "Sabagay, pareho kasi kayo kaya pinagtatanggol mo."

"Ibahin mo ako, minamahal ko naman sila." Depensa agad nito.

"Minamahal mo sa kama."

Tumikhim ito. Mukhang nailang sa sinabi niya. "Wala naman akong intensiyon na saktan sila, sila naman ang lumalapit."

Inirapan niya ito. "Okay. Ako na ang bahala sa kanya."

"Good. Mauuna ka na lang na umuwi sa Pilipinas, gusto kong imbestihagahan mo ang mga babaeng nakasulat dito. Pero ang mas tutukan mo ay si Cara Diaz."

"Bakit ako? Ikaw ang detective, trabaho mo 'yan." Akala siguro nito maiisahan siya.

Napakamot ito sa batok. "Oo na. Sige na. Pero dapat hindi niya malaman na binabantayan mo siya."

"Bakit na naman?"

"Hindi niya alam. Ang ate niya na partner ko ang nagpapahanap ng bodyguard. Hindi daw siya matatahimik hanggat hindi nahuhuli ang taong nasa likod niyon." Paliwanag ni David.

"Okay. Yun lang ba?" Baka kasi may gusto pa itong sabihin.

Kinuha nito ang cellphone at kinalikot. "Heto pala siya, para naman alam mo kung sino ang babantayan mo. Sinend yan ni Ayzee kanina. Hindi na ako magtataka kung bakit mabilis maakit ang mga babae sa kanya. Gwapong bata, lamang nga lang ako."

Umarangkada na naman ang kahanginan ng kuya niya. Inaagaw niya ang cellphone nito at tinignan ang larawan.

Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito. "No way!"

"Kilala mo?"

Ibinalik niya rito ang cellphone bago nagsalita. "Gusto ko mang itanggi, kaso ayoko namang masabihang sinungaling. So, oo. Kilala ko siya." Saka lang niya naalala ang aksidenteng kinasangkutan ni YZ. Nabalitaan niya kay Yelena na sinadyang pakialaman ang preno ng sasakyan nito. Mukhang malaki talaga ang galit ng taong nasa likod ng pagtatangka sa buhay nito.

Ngumiti ito ng makahulugan.

"O? Ba't ganyan ka makangiti? Baka gusto mong bunutin ko isa-isa yang mga ngipin mo?"

Lalong lumuwang ang ngiti nito. "Dalaga ka na nga." Mahinang tinapik-tapik nito ang itaas ng ulo niya.

"Ano ba!" Tinabig niya ang kamay nito. Buwisit, eh. Gawin daw ba siyang aso.

Tumawa lang ito. "Okay na ang lahat. Saka na ako maglalagay ng CCTV and security system sa condo niya at sa bahay nila pag-uwi ko ng Pilipinas."

"Bakit pa kailangang ng mga ganun sa bahay nila?"

"Malay natin baka balak siyang pasukin. Mas mabuti na ang sigurado."

"Ano'ng magagawa niyon kung mabilis naman ang culprit?"

"It's perfect. Hindi niya malalaman na na-activate niya ang alarm, dahil hindi 'yon tutunog sa mismong bahay nila."

"Saan 'yon tutunog?"

"Pwede ba, wag ng maraming tanong. Saka mo na isipin yan kapag magaling na ako." Iritadong sabi nito.

Tumawa siya. Hindi naman talaga siya interesado sa mga sinasabi nito. Nang-aasar lang siya dahil alam niyang mabilis lang mapikon si David.

Tumayo siya.

"Saan ka pupunta?"

"Nagugutom ako. May ipapabili ka?"

___________
D E Y M Y U U

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon