CHAPTER EIGHTEEN
"Kumusta naman ang pag-iimbestiga mo?" Tanong ni Jamie sa kapatid ng madatnan niya ito sa sala. Nakasuot ito ng salamin at may hawak na libro. Abala ito sa pagbabasa.
"Okay naman." Hindi man lang ito nag-abalang mag-angat ng tingin.
"Kilala mo na ba ang nasa likod niyon?" Tanong pa niya.
"May hinala na ako. Pero hindi pa ako sigurado."
"Pwede ko bang malaman kung sino?"
"Hindi pwede."
"At bakit?"
Maayos na inilapag nito ang libro sa isang tabi bago nito tinanggal ang salamin at tumingin sa kanya. "Dahil sinabi ko."
She rolled her eyes.
"Anyway, kumusta ang date niyo ni YZ? Balita ko naka-score ka daw." Tumaas-baba ang kilay nito.
"I don't know what are you talking about." Isinandal niya ang likod sa pang-isahang couch.
"You know what I mean. Like this." Pumikit ito at ngumuso. "Mwuah."
Kinuha niya ang isang unan at ibinato ito sa direksyon ng kanyang kapatid. "Wala kang ebidensya."
"Meron." Nakangiti nitong kinalikot ang cell phone. "See?"
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang picture nila ni YZ. Nakahalik siya sa pisngi nito habang nakatulala naman ang lalaki.
"Burahin mo yan." Tumayo ito nang bigla niya itong sinugod.
"Not so fast, Kapatid." Itinaas nito ang kamay. "Abutin mo muna."
"Burahin mo yan sabi eh!" Malakas niya itong sinuntok sa sikmura.
"Ouch!" Napadaing ito at napahawak sa nasaktang sikmura.
"Buti nga sa iyo." Inagaw niya ang cell phone saka ito inirapan. Pagkatapos ay mabilis niyang binura ang picture nila. "Yan na. Gusto mo pa kasing nasasaktan." Ibinalik niya sa kamay ng kapatid ang cell phone.
"Nabali yata ang mga abs ko." Mahina nitong daing. Naupo ito sa sofa. Halata namang nag-da-drama lang ito.
"Kasalanan mo. Sinabi ko na kasing burahin mo, hindi ka nakinig."
Ngumiti ito. "Okay lang. Na-post ko na yun sa facebook, instagram, Twitter at sa lahat ng mga accounts ko na pwede kang i-tag."
Mabilis niyang kinuha ang kanyang cell phone sa bulsa ng suot niyang palda. Agad niyang tinignan ang facebook account niya. Hindi nga ito nagsisinungaling. Naka-tag siya. Binasa niya ang caption.
"Ang little sister ko, dalaga na." May mga umiiyak pang emoticon sa caption nito. Matalim ang tinging tumingin siya sa kapatid. "DAVID!!"
Tumatawang tumakbo ito palayo sa kanya. Hinabol niya ito at binato niya ng sapatos. Nakakailag naman ito hanggang sa nakarating sila sa kusina kung saan naroon ang mga magulang nila.
"Mom! Dad! Sinasaktan ako ni Danielle!" Daig pa ang batang sumbong nito at nagtago pa sa likuran ng kanilang ina.
"Shut up!" Iniharang nito ang kanilang ina nang akmang babatuhin niya ulit ito ng sapatos.
"Enough, you two." Ma-awtoridad na saway ng kanilang ama. "Para kayong aso at pusa."
"Kayo talaga. Ang tatanda niyo na, naghahabulan pa kayo. Sige na, maupo na kayo. Saktong-sakto, luto na ang pagkain." Bumaling ang Mommy niya kay David. "Samahan mo akong ihanda ang pagkain, David."
"Bakit ako, Mommy? Dapat si Danielle, dahil siya ang babae."
"Ikaw ang panganay, kaya halika na. Wag ka ng magreklamo diyan." Wala itong nagawa ng hilahin ito ng kanilang ina.
Naririnig pa niya ang reklamo ni David at ang sermon ng kanyang Mommy dito.
"What are you doing, Dad?" Curious na tanong niya. Ngumingiti ito habang may kung ano'ng tinignan sa cell phone.
"Nothing. Don't mind me."
Kumunot ang noo niya ng magsimula itong magpindot. "Don't tell me, may ka-textmate kayo?" Nagdududang tanong niya. "Niloloko niyo ba si Mommy?"
Tumingin ito sa kanya. Tumikhim muna ang Daddy niya bago nagsalita. "Dani, alam kung gwapo ang Daddy mo, pero hinding-hindi ko lolokohin ang Mommy mo. Kahit na marami pang naghahabol sa akin."
Napairap siya sa ere. Gusto niyang masuka sa pinagsasasabi ng kanyang ama. Ang tanda na nito para magbitaw pa ng ganoong salita. Walang dudang nagmana ang kapatid niya dito.
Speaking of which, nakasimangot si David habang naglalakad palapit sa kanila. May bitbit itong mga plato. Mukhang masama pa ang loob nitong inilapag ang mga iyon sa mesa saka ito umupo sa tapat niya. Agad niyang sinipa ang paa nito. Sinipa ulit niya ito ng malakas nang hindi ito umimik.
"Mom! Si Danielle, o! Nananahimik ako dito. Nananakit. Pa-epal." Sumbong agad nito.
"Intindihin mo na lang ang kapatid mo. Ikaw ang nakakatanda, ikaw dapat ang umunawa." Nakangiting ipinaghain sila ng kanilang ina.
Napasimangot naman lalo si David.
"Hon, look at this. Ang cute, di ba?" May ipinakita ang kanyang Daddy sa Mommy niya.
"Totoo ba 'to?" Nakita niyang kumislap ang mga mata ng kanilang ina.
"Oo. Itanong mo pa si David. Nag-like at nag-comment na rin ako." May pagmamalaki sa boses na sabi ng kanyang ama.
"Ano ba yan?" Tumayo si David at lumapit sa mag-asawa. Mayamaya'y ngumisi. "Ag cute, di ba? Ako ang kumuha niyan." Pagmamayabang ng kanyang kapatid.
Dahil sa nagtataka, dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa tatlong abala. Sinigurado niyang hindi siya mapapansin ng mga ito. Mukhang alam na niya kung ano ang tinutukoy ng mga ito.
Hinablot niya ang cell phone ng Daddy niya.
"Walang katotohanan yan!" Depensa niya. "Edited lang yan."
"Paano yan naging edited?" Hinablot din ni David ang cellphone mula sa kanya. "Look. Buhok mo, kutis mo, ilong mo, katawan mo, mata mo, kilay mo, height mo at..." Tumigil ito sa pagsasalita at tinignan niya. "Pisngi mo. Walang duda, ikaw 'to." Tinusok pa nito ang pisngi niya.
Tinabig niya ang kamay nito. "Burahin mo yan!"
"Ayoko nga."
"Dani, anak. Maganda naman ang kuha niyo dito. Ang gwapo ng magiging son-in-law namin. Dalhin mo naman siya dito minsan at nang mapag-usapan na natin ang kasal niyo."
"Dad! Hindi ko siya boyfriend!" Pinandilatan niya ang ama.
"Ikaw ha." Sinundot siya ng kanyang ina sa kanyang tagiliran. "Galawang....ano nga ba yun, David?" Tumingin ito kay David.
Ang Daddy niya ang sumagot. "Maria Ozawa?"
Hinampas ito ng Mommy niya sa braso. "Hindi. Hoka yun, sa pagkakaalam ko."
"Galawang hokagirl, Mommy." Tumatawang sagot ni David.
"Yun!" Nakangiti itong bumaling sa kanya. "Galawang hokagirl ka. Hindi na ako magtataka kung mababalitaan kung ni-rape mo ang lalaking iyon."
Natampal niya ang noo. Hindi niya alam kung may lahi bang abnormal ang pamilya niya. O sadyang abnormal na talaga ang mga ito.
Pwede ba silang i-benta?
_________
D E Y M Y U U
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________