Chapter One

14.4K 950 100
                                    

Note: Someone asked me, "kuya! how to pronounce YZ?"

Answer: Bahala kayo. 😂😂

Akala niyo tapos na? Wengya lang, namura pa ako. 😂😂

Bago ang lahat gusto ko lang batiin lahat ng mga KFC (kampon ng mga Flat Chested) at SMP (Samahan ng Mga Pandak). Magkakaroon daw ng fun run. Hintay lang. 😂

Dedicated to the second person who followed me.

yecarg14344- hey there, baby 2. 😂

CHAPTER ONE


"Look, Dani. The walking boobs is coming." Yelena said, one of her best friends.

Nakatingin ito sa likuran niya which is pintuan ng cafeteria. Lumingon naman siya at nakita nga niya si Nicoline na tinagurian nilang magkakaibigan na walking boobs dahil sa laki ng hinaharap. Kasama nito ang mga alipores na akala mo'y nakalunok ng gluta dahil sa puti ng mga mukha. Yeah, mukha lang ang maputi sa mga ito.

Mainit ang dugo ni Nicoline sa kanya at gano'n din siya rito. Pamilya nito ang may-ari ng University na pinapasukan nila ngunit dahil malaki ang shares ng pamilya niya ay hindi siya nito mapaalis.

"Hi, bes! You're here din pala. What are you eating? Like duh, so cheap." Pambungad agad ni Nicoline sa kanya, umupo pa ito sa bakanteng silya at ipinatong ang bag sa ibabaw ng mesa.

Bastos na babae. Hindi ba nito nakikitang kumakain sila? Feeling close ang bruha.

"You want?" Alok ni Yelena dito.

"No, thanks. Ang mga magagandang gaya ko ay hindi kumakain ng ganyan." Nakangiti pa rin.

Hindi siya nagsalita bagkus ay inirapan niya ito. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Kunwari hindi ito nag-e-exist.

"Maganda? Matulog ka na lang ulit, Nicole. Naalimpangitan ka lang." Pambubuska pa ni Yelena.

Isang matalim na irap lang ang natanggap ni Yelena kay Nicoline pagkatapos ay nakangiting binalingan siya ng huli.

"Gosh, you're so kalat naman. Ganyan ka ba talaga kumain?" Nakangiwing tanong pa nito.

"Alam mo, BES." Sinadya niyang diinan ang salitang bes. "Mukha kang ads sa YouTube."

"Really? Why naman?" Maluwang ang ngiting tanong ni Nicoline. Excitement was written all over her face.

Ngumiti siya ng matamis. "Masyado kang papansin."

Nawala ang plastic na ngiti nito at napalitan ng pagkainis. "How dare you?!" Napatayo pa ito.

Tinaasan lang niya ito ng isang kilay. Nakuha tuloy nila ang atensyon ng mga estudyante sa cafeteria. Attention seeker talaga.

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon