Chapter Sixteen

5.6K 236 10
                                    

CHAPTER SIXTEEN


"Are you sure na hindi ka na sasabay sa'kin? Gabi na. Delikado pa naman."

Gabi na ng matapos sila ni Yelena sa ginagawa. May project kasi ito at dahil isa siyang mabuting kaibigan, tinulungan niya ito hanggang sa matapos.

Kanina pa siya nito kinukulit na sumabay na siya dito. Gustuhin man niya, subalit mapapalayo lang ito lalo kung ihahatid pa siya, dahil magkaibang direksyon ang mga bahay nila.

"Kaya ko ang sarili ko. Wag kang mag-alala."

"Sige. Mauuna na ako. Mag-ingat ka ha. Give me a beep when you get home."

"Sure."

Nang makaalis si Yelena ay tinext niya ang pinsan niya upang sunduin siya. Alam niyang hindi siya nito matatanggihan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may pumarada ng isang sasakyan sa harapan niya.

Lumapit siya sa pag-aakalang ang pinsan niya yun. Tumaas ang isang kilay niya nang ibinaba nito ang windshield. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki.

"Miss, magkano?"

Lalong tumaas ang isang kilay niya. Mukhang napagkamalan yata siya nitong call girl.

"Excuse me?"

"Name your price." Ngising-aso ang lalaki. Hindi naman kagwapuhan.

Ngumiti siya at sinenyasahan itong lumapit. Uto-uto naman ang gago.

Malakas na suntok sa mukha ang binigay niya rito.

"Bitch!" Galit na sigaw nito.

Biglang may humila sa kanya at pinasok siya sa isang sasakyan. Hindi siya nakapalag sa bilis ng pangyayari.

Ini-start nito ang sasakyan at mabilis na umalis sa lugar.

"Yz?" Nagulat siya ng makita ang lalaki.

"Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Paano kung saktan ka niya?" Nasa boses nito ang pag-aalala. Hindi siya nito tinapunan ng tingin. Deretso lang ang tingin nito sa daan.

"Kaya ko ang sarili ko." Humalukipkip siya at tumingin sa labas ng bintana.

"Kahit na. Babae ka parin. Ihahatid na kita. Saan pala ang bahay niyo?"

Napangiti siya. Heto na siguro ang magandang pagkakataon para mailagay niya ng palihim sa bahay ng mga ito ang security system at camera na binigay sa kanya ng kapatid niya kaninang umaga. Dumating na ito kagabi at ang misyon agad nito ang unang inasikaso.

"Ayoko pang umuwi. Gusto mo bang manood?"

"Ha?" Sinulyapan siya nito.

"Movie marathon tayo. Sa bahay niyo." Alam niyang nagtataka ito sa mga kinikilos niya.

"Hindi kasi ako uuwi sa bahay. Sa condo ako uuwi ngayon."

"Edi sa condo mo tayo manood." Mukhang nagdadalawang-isip ito. "Kung ayaw mo okay lang. Ibaba mo na lang ako sa sakayan ng jeep." Pinalungkot niya ang boses. Nakatitiyak siyang hindi siya nito hahayaang umuwi mag-isa.

"Sige. Sa condo na lang tayo."

Hindi niya napigilang mapangiti. "Napipilitan ka lang yata."

"Of course not!" Mabilis na depensa ni YZ. Tumikhim ito. "I mean... nagulat lang kasi ako. First time mo kasing magyaya."

"Wala ka bang sama ng loob sa akin? Alam mo na, yung sinabi ko noon sa iyo."

Ngumiti ito. "Ayos lang sa akin 'yon. Naiintindihan kita. Masyado lang talaga akong mabilis."

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon