Last Chapter

5.6K 221 52
                                    

Panay ang kuha ng larawan ng mga maagap na reporters na nagkataon lang na nasa tamang lugar sa tamang pagkakataon.

Pagkatapos na maibaba si Jamie ay siya naman ang isinunod.

Ngunit iba ang nasa isip niya. "Let me die!" Sa taong ayaw ng eskandalo, pinakamalala ang sinapit niya.

At nasaan ang hayop na boxer na yun? Nang sinagip siya ng bombero hindi siya binigyan ng pagkakataong na iligtas ang kanyang dignidad. Nasa ground na siya nang hayaan siya ng mga itong maitaas niya ang kanyang salawal.

"Okay ka lang?" Humahangos na lumapit sa kanya si Jamie.

"Don't talk to me!" Singhal niya rito at umalis. Baka may makaisip pang interview-hin siya.

Si Jamie ang may kasalanan. Kung naghintay na lang sana sila ng bombero, edi sana hindi siya nahubaran sa harap ng madlang people. Kaso'y hindi. Ang magaling na babae, hindi lang ang sarili nito ang ipinahamak, talagang sinama pa siya.

I hate you! Maktol niya habang palayo sa karamihan.

Isang barkada ng mga bata ang nakasalubong niya.

"Ayan na yung hubo!" Turo ng isa. Nagtawanan pa ang mga ito.

"May dimple sa puwet!" Sabi naman ng isa pa.

"Hindi! Balahibo!"

Pinanlisikan niya ang mga ito ng mata. Nagtakbuhan ang mga bata. Kaya tuloy napansin siya ng isang reporter at hinabol siya.

Takbong walang kinabukasan ang ginawa niya, makaiwas lang sa camera.

Hindi siya namatay sa bomba, hindi rin siya namatay sa aksidente. Sa hiya yata siya mamamatay.

Letseng buhay 'to!

Kasalanan talaga ito ni Jamie.

"Boss, boss. Kahit isang pahayag lang!" Habol ng reporter.

"Go to hell!" Angil niya.

Mula sa kung saan ay sumulpot si Jamie, basa ang damit at nakapaa.

"Galit ka pa ba?" Maamo ang mukhang nakatingin ito sa kanya.

Tumitig siya rito. Alam niyang dinadaan na naman siya nito sa mga pa-cute nito pero hindi na siya magpapadala. Kasalanan talaga nito ang lahat. "Oo. Wag mo akong kausapin!"

Lumabi ito at humawak sa braso niya. "Wag ka ng magalit, o."

Pumiksi siya at tinalikuran ito. He can't resist her charm. Seriously? Kapag ganitong pinapaamo nito ang mukha, nawawala siya sa matinong pag-iisip.

"Sorry na. Wala naman akong nakita."

Awtomatikong napaharap siya dito. "Wala ka ngang nakita, sila naman ang nakakita!" Turo niya sa mga tao.

She giggled. "Nakita lang naman nila, hindi naman nila makukuha."

Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi nito alam ang nararamdaman niya dahil hindi ito ang nasa sitwasyon niya. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil wala ka sa kinatatayuan ko."

Lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya. "O ayan. Nasa kinatatayuan mo na ako, kaya alam ko na yang nararamdaman mo." Ngumiti pa ito sa kanya ng matamis.

"Jamie."

"Bakit?"

"Ang liit mo." Panunukso niya.

Biglang nagbago ang timpla ng mukha nito. "Ano'ng sabi mo?!" Alam niyang umuusok na naman ang ilong nito. Pinakaayaw kasi nitong nilalait ang height nito.

Make Her Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon