Note: Ewan ko na lang kung malito kayo. Anyway, I would like to dedicate this part to the first person who followed me.
madg031- Hi, baby! 😂
PROLOGUE
"YZ!"
Napalingon si Hyzin sa tumawag sa pangalan niya.
Napangiti siya at tumakbo palapit sa isang grupo ng mga lalakeng nagkumpulan sa isang tabi.
"Yo!" Masayang bati niya sa mga ito. Tumayo ang iba at niyakap siya. Yung iba naman nakipag-fistbump lang.
"Buti naman at naisipan mo ng lumipat." Si Blaze, ang pinakababaero sa grupo.
"Tangina niyo! Iniwan niyo ako."
Nagtawanan ang mga ito.
"Tangina mo kasi eh. Masyado kang pabebe. Niyaya ka namin hindi ka sumama." Si Speed, ang pinaka-gago sa grupo.
"O ano'ng napala ng pagiging gwapo mo sa dating campus natin?" Si Dave, ang pinakamabait sa grupo. Daw.
"'Yon na nga eh. Tangina, sa loob ng dalawang linggo na wala akong kasama, palagi na lang akong umuuwi na may black eye."
Nagtawanan ulit ang mga ito.
"Wengya, don't tell me lalo kang kinuyog ng mga iniwan naming babae?" Natatawang hula ni Trey, ang pinakamatanda sa grupo.
"Sinabi mo pa. Lintik na mga babae 'yon. Ang lalandi!"
Lumakas ang tawanan ng mga ito.
Inakbayan siya ni Blaze. "Alam mo, 'tol. Mas okay ang mga chickas dito. Bukod sa magaganda na, matatalino pa." Pagbibigay-alam nito. "Lahat ng nakikita mong babae sa paligid, lahat 'yan ay...." Ngumisi ito ng malawak. "Akin."
Mabilis na tinanggal niya ang braso nitong nakaakbay sa kanya.
"Ang kapal ng mukha ng gagong 'to. Gumising ka!" Pang-aalaska ni Speed dito.
"Naman. Gwapo eh." Nagpogi sign si Blaze.
Napailing na lang ang mga barkada nila.
Naglabas siya ng twenty pesos mula sa bulsa niya at iniabot kay Blaze.
"Aanhin ko 'to?" Nagtatakang tanong nito.
"Bumili ka ng kwek kwek sa kanto. Nalipasan ka yata ng gutom."
Malakas na binatukan siya nito at pinalo sa mukha niya ang pera. "Sa'yo na yang bente mo. Siraulo."
Tumatawang kinuha niya 'yon at ibinalik sa bulsa. Sayang 'no. Pang-goto din 'yon.
Saglit na natahimik ang grupo. Maya-maya'y sabay-sabay silang napatingin kay Max na kanina pa tahimik at mukhang malalim ang iniisip.
"Hey." Tinapik ito ni Exel sa balikat.
"Huh?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila.
"Problem?" Tanong ni Speed dito.
Napabuntong-hininga ito. "She's back."
Nagkatinginan sila ni Blaze.
"Sino daw?" Pabulong na tanong nito sa kanya.
"Si She daw." Pabulong din na sagot niya.
"Who's She?"
"Makinig ka na lang."
Nagku-kuwento si Max ng kalabitin siya ni Blaze.
"Nakikita mo ba 'yong nakikita ko?" Pabulong ulit na tanong nito.
"Hindi. Dahil hindi ko mata yang mata mo."
"Gaya nga ng sabi ko kanina lahat ng babaeng nakikita mo dito ay akin."
"O tapos?" Kunot-noong tanong niya. Ano'ng pinaglalaban nito?
"Maliban sa isang 'yon." Pasimpleng tinuro nito ang isang babae na nakasandal sa ilalim ng puno habang may kausap na babae. O kaaway yata. Dunno.
Lalong kumunot ang noo niya. Long hair, katamtaman ang tangos ng ilong, maputi, hindi katangkaran pero sexy, mapupula ang maliliit na labi at chubby cheeks na bumagay sa bilugan nitong mukha.
"Di ba ganyan ang mga tipo mo?" Takang-tanong niya.
"Gago ka, ayoko pang mamatay."
"Bakit?"
"Amazona yan. Sa loob ng dalawang linggo na pananatili ko dito, halos sa detention na yan nag-aaral."
Hmm. Kakaibabe. "Wanna bet?" Napangisi siya.
"What's your plan?"
"I'll make her fall."
Ngumisi ito.
"Game!" Napalakas ang pagkakasabi nito kaya nagtatakang napatingin sa kanila ang mga barkada.
Tumawa lang sila ni Blake.
Isang beses pa niyang sinulyapan ang babae at laking gulat niya ng makitang sinipa nito ang isang soccer ball patungo sa babaeng kausap nito kani-kanila lang.
"Wait for me, baby!"
__________
D E Y M Y U U
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teenfikce⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________