Habang hinahatid si Sandra papuntang restaurant,may natanggap siyang tawag na galing kay Jino.
"Hello? Bakit Jino?"
"Hello? Guardian ba to ng may-ari ng cellphone na ito?"
Nagtaka si Sandra dahil bakit babae ang tumawag at number ni Jino ang gamit."Sino po ito? At bakit nasa iyo ang cellphone ni Jino? Nasan po siya?"
"Ahm! This is Xavier Hospital, ang owner po ng cellphone na ito ay---" Di natuloy ng nurse ang tawag dahil biglang sumingit si Sandra.
"Ho-o-ospital? Ano pong nangyari sa kanya" Sambit ni Sandrahabang pinatigil ko si manong driver sa pag da drive at lumabas dahil sa kaba at takot na baka ano na nangyari kay Jino.
"Ahhm! May nangyari kasing aksidente at nasangkot si ano yung pangalan? Jino?" Sagot ng nurse.
"Papunta na po ako diyan."
Sumakay ng taxi si Sandra at pagdatig niya sa ospital, hinahangos na siya sa pagod.
"Na-na-nasan po si Jino?" Sabi ni Sandra habang hinahangos.
"Room 309 po" Sagot ng nurse na kausap niya sa cellphone kanina.
"Salamat po!"
Dali-daling hinanap ni Sandra ang room ni Jino at napangiti siya dahil buhay pa at tumatayo pa si Jino.
"Grabe ka,pinaalala mo ako ng labis-labis.Okay ka lang? Baka may kailangan ka." Sabi ni Sandra habang umiiyak sa tuwa.
"No,I'm fine. Slight injury lang naman natamo ko pero bakit parang ang ganda mo ngayon? May pinuntahan ka bang magara?"
"Ah ito? Sinagot ko na si Glenn pero di ko naman siseryosohin, di rin naman daw niya ako mahal at di ko rin siya mahal" Sagot ni Sandra.
"Ah si-si-sinagot mo? Di nyo mahal ang isa't isa pero naging kayo? Grabe! Nonsense!" Naiinip na sabi ni Jino.
"Nga eh! pero sabi niya, ginagawa niya ra daw ito sa isang rason."
"Rason? Ano kaya yun?" Sagot ni Jino.
"Ah! Nga pala, si Glenn! Kailangan ko ng pumunta ah,baka nagagalit na yun."
Biglang hinawakan ni Jino ang kamay ni Sandra.
"Wag ka pumunta!" Sabi ni Jino.
"Ba-ba-bakit? " Sagot ni Sandra.
"Stay with me just tonight."
"Ba-but--" Sambit ni Sandra.
"Please! Matutulog muna ako,dapat sa paggising ko nandito ka parin. Goodnight!"
"Ah-ah-oh sure."
Natulog si Sandra sa sofa.
Sa restaurant naman,si Glenn ay nagalit dahil di sumupot si Sandra sa kanilang usapan. Tinawagan niya si Sandra pero naka silent ang cellphone niya at tulog na rin ito.
"This woman!pinagandahan ko,binigyan ko ng mga damit pero di sumupot? Wow! Pu*ang-ina talaga." Sabi ni Glenn habang galit na galit.
Kinabukasan,paggising ni Jino laking tuwa niya dahil nandoon pa rin si Sandra sa ospital.
"Pwede ka na raw idischarge ngayon." Sabi ni Sandra.
"Oh! Pwede na, ah oo dapat talaga kasi may pasok bukas." Sagot ni Jino na may kasamang ngiti.
Tinawagan ni Glenn si Sandra.
*Nag-vibrate ang Cellphone*
"Naku! Tumawag pala siya kagabi."
" Hello? Sorry talaga kaga--" Di ko natuloy ang pagsasalita dahil bigla siyang sumulpot.
"It's okay! Let's meet up today, sa amusement park."
"Ah! Okay, pero--" Biglang binaba ni Glenn ang tawag.
*End of conversation*
"Jino ,tapos kana magbihis? Lalabas na tayo." Sabi ko habang naghahandang lumabas.
"Oh! Malapit na"
Lumabas na sina Jino at Sandra sa ospital.
"Hatid na kita pauwi!" Sabi ni Sandra.
"Ah wag na! I can go home myself." Sagot ni Jino at sumakay na sa Taxi.
Dali-daling umuwi si Sandra at nagbihis. Sinuot niya ang eyeglasses niya at ang mga sarili niya ring damit.
*Tumawag si Glenn*
"Hello? Di pa po ako tapos." Sabi ko habang nagmamadali.
"Nasa labas ako ng dorm niyo."Sabi ni Glenn at nagulat si Sandra.
"What? Sa labas?" Sumilip sa Bintana si Sandra at nakita niya na naghihintay si Glenn kasama ang kantang kotse.
Mabilisang bumaba si Sandra.
"Nandito na ako" Sabi ni Sandra habang humahangos sa pagod.
"What's up with your outfit? It's like....Nevermind! Sumakay ka na, may pupuntahan tayo." Sambit ni Glenn.
Pumunta silang dalawa sa BNY CLOTHING PLACE at binilhan niya si Sandra ng mga damit.
"Wala na akong oras na I-measure yang size mo,soutin mo lang yan." Sabi ni Glenn
"Naku! Wag na po" Sagot ni Sandra.
"Nabili ko na oh! Alangan naman na ako sumuot nitong lahat."
---------------------------------------------------
Wooah,saan kaya hahantong ang dalawang magkabilang mundo na ito? Abangan sa susunod na kabanata.
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...