The Unexpected! (Chapter 29)

322 17 0
                                    

Glenn's POV


Did I act too harsh? Ah! Shit, bakit pa kasi di ko iniingatan ang mga salita ko, ayan tuloy parang nabuking ako sa part na yun. Pumunta muna ako sa boys restroom kasi kailangan ko na maligo. Biglang dumating si Nicolase at parang maliligo rin ata, di ko na siya pinansin at naligo nalang.


"Ayaw mo ata sa hiling ko na yun ha! Kahit na cheating yun, hihiling parin ako." Daldal niya habang hinuhubad ang suot niya at naligo na rin sa kaliwang bathing rack.


"Ano? Ano nanaman?" Tanong ko sa kanya habang sinasabonan ko katawan ko.


"I want to go out with Sandra for just one day!" Sabi niya at natigilan ako.


"Tigas mo rin eh noh!" Pagalit na sagot ko sa kanya.


"It's just a day at hindi naman siguro yun nakakasama diba?" Sabi niya habang nagbibihis na ako para bumalik sa classroom namin.


"Do what you want! I don't care." Paghihinayang kong sinabi kasi di naman talaga ako comportable na may kasamang ibang lalake si Sandra. I don't know what's happening to me pero isa lang ang iniisip ko ngayon at yun ang maging masaya si Sandra.


Bumalik na ako sa classroom na parang walang kilala sa mundo, nakakamoody ang sitwasyon ko! Di ko kayang ngumiti ng kahit maiksi lang kasi di ko matanggal sa isip ang selos.  Biglang pumasok si Sandra pero parang wala ito sa mood at nakayuko lang.


Gumawa ako ng isang sulat at finorm ko itong paper airplane at nang naisulat ko na gusto ko sabihin ay agad ko ito pinalipad papunta sa kanya. Nagulat siya ng may naglanding na paper sa table niya at agad siya lumingon sa paligid pero di niya alam na galing pala yun saakin.


Sandra's POV 


Saan galing 'tong paper airplane na ito? Wala naman akong napapansin na gumagawa ng paper airplane kanina. Tinignan ko ang sulat at nang nabasa ko yun ay parang nakakasaya sa feeling kumbaga.


"Keep on smiling, Stop nodding your head like they own you! Chin up, like you're the superstar." Yun ang sabi ng sulat pero kanino bang handwriting to? Medyo familiar pero di ko rin alam kung kanino. 


Dumating na si Nicolase at parang bagong ligo siya kasi ang basa ng buhok. Umupo na siya sa tabi ko at ngumiti nalang ako sa kanya pero parang bad mood ata siya.


"Okay ka lang? Parang nababadmood ka ah." Tanong ko sa kanya at inayos niya agad sarili niya sabay tumingin saakin.


"Labas tayo sa saturday! Tayong dalawa lang tapos sa buong araw tayo lalabas.Deal?" Nagulat ako sa biglang ibinuga na salita ni Nicolase.


"A-a-a-ano? L-l-labas? Bakit ako?" Pagtataka ko na tanong kay Nicolase.

Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon