Sandra's POV
Medyo nagulat ako sa tanong na nabunot ko pero sinubukan kong sagutin ito ng maayos.
"I don't care if he's a playboy, I don't care if he has the looks, I don't care if he has wealth in his hands, I don't care what other people says. As long na mahal niya ako at and he respects my decision all the time." Napatunganga ang lahat na parang ang lalim talaga ng sagot ko.
Di sumagot si Glenn at tumingin lang siya sa akin pero ilang saglit ay...........................................
*tsup*
Hi-hi-hi-hinalikan ba niya ako? S-s-sa harap ng maraming tao? Nagulat ako sa ginawa niya na parang di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"That's my answer to your question" Sabi ni Glenn habang napatunganga lahat ng audience pati ang Emcce at Judge sa harapan.
"D-d-d-did you just kiss her?" Sabi ng Emcee na parang di nakapaniwala.
"Di ba kayo makapaniwala? Another kiss ba?" Nagulat ako sa sinabi niya pero pinigilan ko siya.
"I think enough na po yun! Salamat Contestant #3." Sabi ng Emcee.
Bumalik na kami sa Backstage para sa announcement of winners maya maya. Linapitan ko si Glenn dahil nakakapagtaka ang ginawa niya.
"Ba't mo yun ginawa at anong ibig mong sabihin na yun ang sagot mo? Sumusobra kana ha! It's sexual harassment. Nakakaasar!" Sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin.
"Di mo gets? Ginawa ko yun para manalo sa contest ,wag kang feeling. Di naman lahat ng kiss mayroong halaga!" Nagulat ako sa sagot niya. Kapal ng pagmumukha nito oh.
"W-wha-what? WOW! I'm going crazy! Hayaan mong matapos 'tong competition." Sabi ko at tumawa naman siya.
"May dapat ba akong ikatakot sa babaeng tulad mo? " Sabi niya at parang na sway naman ako dun.
"A-a-ah O-" Nagulat ako ng biglang dumating si Jino
"Nandito ako bakit?" Sabi ni Jino habang parang tumititig ng masama kay Glenn.
"Oh! So her savior is here. What a good timing, iinvite ko sana si Sandra maki-date sa akin. Pwede ba manghingi ng pahintulot?" Nagulat ako sa sinabi niya at nagulat din si Jino.
"A-a-ano? De-de-date? At bakit mo naman gustong maki-date si Sandra? Para laruan siya?" Napangiti naman si Glenn sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Novela Juvenil[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...