On my way to the Airport (Chapter 33)

205 12 1
                                    

Sandra's POV


Babalik na sana ako sa upuan ko nang biglang may sinabi si Glenn.


"Teka lang, Sandra!" Sigaw niya saakin.


"Bakit?" Tanong ko sabay lumingon paharap sa kanya.


"May gusto lang akong ibigay sa'yo." Sabi niya sabay inabot ang isang eyeglass na parang mamahalin ata.


"Naku! Di ko yan matatanggap, medyo okay na rin naman mata ko eh, thanks but no thanks-"


"Tanggapin mo nalang, just think of this as a payment sa pambubully ko sa'yo noon."


"Pero-" Bigla niyang tinanggal ang eyeglass na suot ko at binuksan ang lalagyan ng eyeglass na binila niya sabay isinuot saakin.


"You look good!" Sabi ni Glenn habang nakangiti sa harap ko.


"Ah-uhm. P-Paano mo nga pala nalaman ang grado ng eyeglass ko?" Tanong ko sa kanya.


"I have my ways." Sagot niya sabay nginitian ako.


"Good Morning Class!" Dumating na ata ang professor namin kaya agad ako bumalik sa upuan ko pero laking gulat ko nalang ng nakita ko ang professor namin na may dalang bulaklak at lahat ng kaklase ko ay nakitingin saakin.


"B-Bakit po? May something ba ako sa mukha ko?" Tanong ko sa kanila pero umiling lang sila.


Biglang pumunta sa harap si Glenn at kinuha ang bulaklak na dala ng professor namin at lumapit saakin.


"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya.


"I just want to say, thanks for everything na ginawa mo dahil totoong nagbago ako sa mga lahat ng 'yon. I find myself na lumalaki ang interest na kilalanin ka, di lang malaman kung ano ang background mo kundi kilalanin kung ano ko at paano ka naging ikaw. I like you but I don't think, I can be with you. Thank you!" Iyon sinabi niya sabay inabot ang bulaklak saakin.


Nagsihiyawan ang mga kaklase ko at binibiro ako na ang swerte ko daw dahil isang Wadson daw ang nagkagusto saakin.


"So gusto ka nga pala talaga niya, as expected." Sambit ni Nicolase at nagulat nalang ako na nasa tabi ko na pala siya.


"Anong ibig sabihin mong, as expected? May alam ka ba na di ko alam?" Tanong ko kay Nicolase.


"Wala, hula ko lang. Nga pala, wag mo kalimutan bukas ang gagawin natin bukas?" Nga pala, ilalabas niya pala ako bukas.


Kinahapunan...


Dismissal na at umuna na akong lumabas mag-isa kasi nakakaawkward naman kung makikipagsabayan ako kay Glenn. Habang naglalakad ako sa campus, bigla kong nakita si Jino kaya nilapitan ko siya.

Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon