Couples T-Shirt (Chapter 9)

394 22 1
                                    

Sandra's POV



Ayun nga, ang tahimik naming bumibili ng mga damit. Di na namin pinansin sina Glenn at Cassie kasi di nga sila pinuntahan namin dito.







"Sandra! Okay ba to?" Napalingon naman ako sa pinakitang t-shirt ni Brenna.







"Ah may kapares pala yan, eto." Dagdag pa niya na couples t-shirt ang pinapakita.


"Okay yan! Maganda, bagay yan sa boyfriend mo!" Sagot ko naman.











"Anong boyfriend ko? Bibilhin ko to para sayo no! " Lol! Ano kala niya sa akin ? May boyfriend lang ? Ganoon?









"Di naman para sa magsyota lang ang couples t-shirt di ba? Pwede naman sa mag-ka-i-bi-gan diba?" Pabebe pang dagdag nito.











"Couples nga diba? Saang banda magkapareho ang 'Couples' at 'Friends'?" Sagot ko naman kasi parang walang alam to eh.









"Ah! Totoo naman, edi tawagin ko nalang tong Friends T-Shirt." Ewan ko nitong si Brenna, ano-ano nalang ang iniiba ang pangalan.





"Oh yeah! Ben 10 T-shirt!" Sigaw naman ni Glenn.







"Ang cheap ng t-shirt bes! Ben10 Hahahaha!" Tawang-tawa naman si Brenna na parang yun lang ang kasiyahan.







"Yaan mo na! Mahilig ka nga sa Power Puff Girls eh." Natahimik naman siya ng sinabi ko yun, parang binuga lang ang kinain.





"Tapos na kayo pumili ng mga damit?"Sabi ni Jino na wala man lang pinili na damit.







"Pumili ka ng damit Jino. Ay no need na pala! Binilhan ko kayo ng FRIENDS T-SHIRT." Satsat naman ng babaeng to na walang alam kundi mang-inis. Ngumiti naman si Jino







Pumunta na kami sa Cashier para bumayad, sumabay narin sina Glenn at Cassie.






"Magkano po lahat?" Tanong ni Brenna habang kumukuha ng pera sa wallet niya.







"780 pesos po!" Sabi naman ng cashier. Iaabot na sana ni Brenna ang pera nang agad binigay ni Glenn ang credit card sa cashier.



"Ako na! Baka wala na kayong pambili ng pagkain sa Field Trip." So nangiinsulto ka? Ay parang pinapagalit nanaman ako nito ah.



"No need na bumayad ka Glenn, di naman kami pumunta dito na walang perang dala at di rin kami pumunta dito para tumanggap ng tulong na parang sa Sagip Kapamilya lang." Nagulat naman ako sa sinabi ni Jino, kahit kailan ang astig niya talaga!







Kinuha ni Jino ang Credit card at ibinigay kay Glenn with Galit style pa siya ha! Napatitig si Glenn kay Jino na parang kakain na ata ng tao pero dinalian nalang namin sa pagbayad para wala ng away na maganap. Lumabas na kami sa Shop, binigay ni Brenna ang damit namin ni Jino at lumakad na kami pauwi.



Zander's POV

Excited na ako para sa Field Trip bukas kasi paniguradong may mapagtitripan nanaman ako nito. Lalo na yang si Brenna na always nag Hahard-to-get, di naman kagandahan!







Kinabukasan naghanda na ako para pumunta sa school, dun kasi kami maghihintay sa bus namin. Pagdating ko, nakita ko si Brenna kaya ininis ko siya.



"Oh sasama ka? Kala ko di ka sasama kasi wala kang pera para mag register." Napalingon naman siya agad.




"Oh! Sasama ka rin? Kala ko ba na bawal isama ang pangit sa Field Trip? Ay di pala akala, BAWAL ANG PANGIT SA FIELD TRIP!!" Sinigawan niya ako na parang takot naman ako.








"Oh! Bawal naman pala? Ba't sumama ka?" Hahahaha Sabi ko yan ah! Galit na galit na ata. Bigla niyang itinaas paa niya at tinapakan ako ng malakas.





"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" Sigaw ko habang napatalon talon sa sakit , Bota kasi ginamit niya pang tapak.





"You Deserve that! You little piece of bubble gum."  Galit na galit ako na gusto ko na talaga siyang gantihan pero di ko magawa kasi babae nga.



Sandra's POV



Dumating na ako sa school, sinalubong ako nina Jino at Brenna.Napansin ko na sinout pala ni Jino ang Couples T-shirt na binigay ni Brenna saamin at sinout ko rin. Napahiyaw at napatingin ang mga studyante na nakakita sa amin.

"Oiii! Sweet nila. Kayo na ba?" Sabi ng isang studyante.







Nakita ako ni Nicolase at sinabihan ako ng 'FIGHTING'. Nakakahiya kasi pag-aakala nila na mag syota kami ni Jino kahit di naman.Dumating na bus namin at naghiwalay na kaming tatlo kasi sa ibang bus sila sasakay.

------------------------------------------------------------------

Eto na! The Field Trip Starts. Abangan :)

Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon