Bad Plan (Chapter 11)

368 19 2
                                    

Sandra's POV



*Tumunog na morning call namin*




Kinabukasan, gumising ako ng maaga kasi ako nalang magluluto ng pagkain para sa team ko.




"Good Morning" Paglingon ko si Glenn pala yun, lumabas siya galing sa tent.





"Ah-oh Good Morning, gusto mo ng coffee?" Tanong ko naman kasi nag-init na rin ako ng tubig bago magluto ng pagkain.




"Meron ba? Yan ba yung high-class coffee?" Ay aba may pa high-class pa siya, wala kaya kami sa restaurant.





"Anong high-class? Wala tayo sa bahay niyo, ayan 'Kopiko Blanca' mas masarap pa yan." Paborito ko kasi 'Kopiko Blanca' kaya bumili ako ng dalawang dosenang kape na yun.





" 'Kopiko Blanca'? Ang cheap mo naman pero di bale iinumin ko nalang, wala rin naman akong choice." Sabi niya sabay upo sa upuan.






"Good morning Lovers" Sabi ni Zander habang tumatakbo papalapit sa niluluto ko. Lumingon naman kami sa kanya ng sinabi niya yun.




"Mukhang masarap to ah! *Tinikman ni Zander* WOW! Glenn ang sarap, di ka magsisisi kung mapapasayo to." Sabi ni Zander habang kinakain ang fried rice na linuto ko, di naman pinansin ni Glenn ang sinasabi ni Zander.





"Bumalik ka na sa team mo! Pupunta ka lang dito para kumain, Oh ano nangyari sa mukha mo? Parang binugbog ka ata" Sabi naman ni Nicolase na gising na rin.




"Nadapa lang, lakas ng pagkadapa eh. Bwesit kasi-" Di napatuloy ni Zander kasi bigla nalang akong natawa dahil dumating si Brenna at sinipa paa nito.




"Brenna!! Tigilan mo na paninipa mo, kahapon kapa eh" Pagmamakaawa ni Zander.




"No need na alamin ang gumawa sa iyo niyan kasi kilala ko kung sino" Sabi ni Glenn at tumingin kay Brenna.





"Binugbog mo siya Brenna?" Sabi ko at tumango naman si Brenna habang tinitikman rin niluluto ko.







"Pinatakbo pa kasi ako,  di niya alam na runner ako kaya ayun,Natamaan ng kamao ko." Tumawa naman kaming lahat at nagsilabasan na rin ang iba sa kanilang tent kasi gising na.

Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon