Sandra's POV
Bakit siya nandito? Lalaruan na naman ba ako nito? Bigla siyang lumapit palapit sa akin, at tumabi sa upuan ko.
"Kamusta araw natin?" Tssk! Tinatanong pa ba yan? Sira na! Grabe pa way of breaking up mo.
"Ah-a-ahm Okay lang naman! Nothing bad happened so far." Sabi ko habang nakayuko ang ulo ko, nakakahiya naman kasi. Parang nasusunog na bahay na kahit buhusan ng maraming tubig, matagal mawawala.
"Ahhhh ganoon? I'm Glenn pala, Glenn Wadson." Hala anyare nito? Nagkaamnesia ata? Bakit nagpakilala toh, eh kilala ko naman siya. Transferee lang kong makaasta.
"Ha? Bakit ka nagpa-" Di ko natuloy kasi sumingit eh.
"I'm your new classmate right? Kaya dapat lang ako magpakilala sa katabi ko." Aisssh! Sarap na upakan eh kaso Mahiyain nga ako kaya dapat iwas-iwas pag may time.
"Oh, hello Mr.Glenn! Nice to meet you." Ayon parang napalakas ata boses ko kaya nagtinginan mga kaklase ko. Nakakagigil naman kasi tong lalaking to eh.
Biglang may narinig akong hiyawan sa labas at nagsilabasan rin mga studyante. Hala! Hala, parang may nagkakagulo dun ah. Bigla rin naman lumabas Math Teacher namin para tignan ano ang nangyayari, namulat nalang ako nang biglang tumakbo si Ma'am kaya nakisilip na rin ako.
"Oh My God! Ms.Cassie." Sabi nung isang studyante na kasamang naghihiyawan pero sino yang Ms.Cassie na yan ?
"Isa yang artista na nag transfer dito." Sabat naman ng isa kong kaklase.
"Ahhh , ganoon wala pa akong narinig na Cassie na artista ah." Sabay balik ko sa upuan ko.
Pumasok si Ma'am kasama si Ms. Cassie sa Classroom.
"Class, this is also your new Classmate. She's from Krypton University so I hope that you will get along with each other." Sabi ni Ma'am habang si Ms. Cassie ay di nakikinig sa sinasabi ni Ma'am. "Ms.Cassie? You may go to your seat now." dagdag pa ni ma'am.
Nagulat ako ng sinakal ako ni Glenn papalayo at pinaalis ako sa kinauupuan ko kasi gusto niyang maging katabi si Ms.Cassie. Ang bastos talaga, kaya humanap nalang ako ng ibang mauupuan at as usual mag-isa lang ako sa kinauupuan ko. Deng!
"Okay Class! For your project, ah this is a group project. I won't be assigning you but you can choose your partners para mas comfortable kayo. I'm gonna give you the handouts of the project on our next meeting so I expect good and presentable projects from all of you. Class Dismissed." Sabi ng math teacher namin.
Lumabas ako para magrecess nang nakita ko si Jino. "Jino! Okay ka lang ba? Kamusta ang kamay mo? Di na- " Di ko nanaman natapos kasi dumating mga kaibigan niyang iba.
"Mamaya na Sandra ha, may gagawin pa kasi kami eh." Tumango nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Jino's POV
Pupunta kami ng mga kaibigan ko sa canteen para kumain, nakita ko si Sandra na kumakain mag-isa. Pupuntahan ko na sana ng may ikinwento ang kaklase namin tungkol sa bagong transferee na rinig ko nasa A7 kung saan nandoon si Sandra.
"Rinig ko na di daw yan mabait si Cassie, yung transferee..." Sabi ni Xian habang nilalamon pa ang kinakain, tong mga lalaki kasing ito ay kahit may laman pa bibig nila, hala salita kaya minsan nabubulunan. Ayun, kinain ng karma sa kanin.
Pagtingin ko sa table na inupuan ni Sandra kanina, wala nang tao at parang umalis na siya. Hayysss grabe yung babaeng yun eh. Sayang ang lakas, inaapi tuloy kasi natatakot na humarap sa away.
Glenn's POV
Hayyyss! At natapos ko na ring magantihan yung nerd na yun. Ahhhh, I feel good.
"Oi Glenn! Basketball tayo oh, rinig ko na may magaling na varsity player." Sabi ng kabarkada kong si Mario.
"Magaling na varsity player? Bakit may transferee ba? " Sabi ko habang kinakamot ulo ko, kumakati eh.
"Tara puntahan natin! See for yourself Glenn." Parang magaling talaga ata kasi nakakakilabot to kung magsalita tong mga barkada ko.
Pumunta kami sa Basketball Court at naabotan ang lalakin varsity na sabi nila.
"Nicolase daw pangalan niyan at galing pa sa Krypton University" So Schoolmate ni Cassie, tssk! Di naman kagalingan mag basketball mga studyante diyan pero iba tong lalaking ito. Parang ang lakas ng chansa manalo ang team namin kapag sumali sa amin.
"Ano try nating imbetahin sa team natin?" Sabi ni Zander.
Nilapitan namin si Nicolase pero parang nag walk-out kaagad kaya hinayaan nalang namin.
Pumunta ako sa banyo at naabutan ko si Nicolase dun.
"You're Nicolase from Krypton University right?" Tanong ko habang naghuhugas siya ng kamay.
"Yes! Why? You want me to join your team right? Pasensya na pero I don't have any intentions to join." Hala, ba't niya alam yun ? Iba talaga mga studyante sa Krypton University kaya pala kahit ang laki na ng perang gusto namin ibigay, di nila ako tinanggap kasi tumatanggap lang sila ng matatalino na mga studyante.
"You're Glenn right? The richest kid in this school ? Nice to meet you! See you around and also watch your back." Watch your back? Ano daw? Parang tinithreaten ata ako nang lalaking ito.
Paglabas ko sa banyo, may nakita akong parang nahimatay kaya nilapitan ko. Hala si.....
----------------------------------------------------------------------
Sino yun? Anong nangyari? Abangan :)
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...