NOTE:I CHANGED MY WAY OF WRITING SO IF YOU FIND IT MORE COMFORTABLE ON THE LAST ONE THAN THIS THEN PLEASE COMMENT OR MESSAGE ME TY :)
Brenna's POV
Hello! I'm Brenna and Uhhh, I am a transferee at Mirae's Shine University. Life's a bit hard dito kasi halos mga Rich Kids ang nandito, bihira lang ata mga Scholars dito kagaya ko and did you know Glenn? That Bastard......Ang rami ng pinaiyak na babae pati yang mga kabarkada niyang sarap prituhin sa kumukulong mantika.
"Hey Transferee!" Sambit ng laspag na barkada ni Glenn.
Patuloy lang ako sa paglalakad dahil nakakapagod sumagot at sayang lang sa oras. "Oi! Saan ka ? Sayang naman kagandahan mo." Walang ibang tinitignan ata tong mga gagong ito.
Nakita ko si Jino pero parang nagtaka ako dahil parang sinemento kamay niya. "May aksidente kayang nangyari?" Pagtataka ko.
"Ay malamang naka simento nga kamay diba?" dumating ang panira ng mood na si Zander.
Tinulungan ko nalang si Jino sa mga gamit niya. Nga pala Kaklase ko si Jino kaya ganernn! Di ko na pinansin si Zander dahil baka makasakit pa ako ng tao pero dammnn, sinusundan ako.
"Wag na Brenna, kaya ko na ito--" Ayun nahulog mga librong dala dala ni Jino."Ey! Nahulog mo nga mga dinadala mo eh tapos kaya mo? Sige lang, patuloy ka lang sa paglalakad. Dadalhin ko to para sayo." Sweet ko naman, parang ano naman ako kay Jino. Infairness!! POGI SIYA :P.
Sa ilang sandali, naramdaman ko na parang bumibigat ang bag ko. Tumigil ako ng panandalian at ayon kumakapit-kapit pala ang bwesit na Zander. "Ano problema mo? Mabigat na nga 'tong dala ko tapos dadagdag kapa." Gigil na gigil na sabi ko kay Jino, sarap sapakin ng libro eh.
"Salamat Brenna, di mo naman talaga kailangang i-escort pa ako hanggang dito." Sabi niya besss! Parang lumambot puso ko, wait! wait! di ko pwedeng traydorin kaibigan ko.
Paglabas ko sa Jed Building, nakasalubong ko si Sandra at WOW! Ang ganda niya, parang di siya. "Oi bes, bat a-a-ang ganda mo ngayon? Ano meron?" Sabi ko sabay tili sa napakaeleganteng sout niya.
"Ah ito, bigay to ni Glenn sa akin." Sabay bulong na parang ang lalim ng sikreto.
"WHAAAAATT? Gi-g-g-GLENN? Pero wait, bakit ka niya bibigyan ng napakaeleganteng damit na ito?" With sigaw yan ha, grabe talaga ako na bestfriend XD BULGAR much.
"Mahabang storya! Basta, story ko sayo mamaya. Una na ako, may test pa kami sa Math maya eh." Sabi niya, talino talaga parang kalma niya lang sa Test niya eh.
Sandra's POV
Pagpasok ko sa Classroom, ayon po ang raming tumitingin sa akin at parang di ako comfortable.
"Ooohhhh! Iba ka ngayon Smarty Nerd ha, parang di ikaw yung nerd na kilala ko." Sabi ng kaklase kong lalake.
"Ngayon lang yan. Bukas ? Back to normal na yan!" Sabat naman ng kaklase kong babae.
Pero kahit ganoon, masaya parin ako dahil at least may nag cocompliment sa akin kahit di naman karamihan.
*Last time nung meeting namin ni Glenn*
"Babe? Hoooyy!" Sinigawan niya ako dahil parang di ako nakikinig.
"ah Oh? Bakit?"Tanong ko dahil parang wala akong narinig sa kanya maliban yung sigaw niya :3
"Narinig mo ba sinasabi ko? Ang sabi ko, saan tayo pupunta dahil tapos na tayong pumunta sa Amusement park." Sabi niya habang tumitingin sa cellphone niya."Ahh uuwi na ako." Sabi ko dahil nahihiya at di talaga ako sanay na makipagdate sa isang lalake.
"Ahh sige, uuwi narin ako. Sige ,see you tommorow." Ayun lumayas, di man lang ako inalok na ihahatid nya ako pauwi pero it's okay di naman rin ganern ka serious relasyon namin.
Sa buong araw, lagi lang siya nakatutok sa cellphone niya, lewd ano paki ko? Di naman sa magseselos ako.
*Back to the present*Laking gulat ko nang may tumawag sa pangalan ko. "Hey, Smarty Nerd" Sabi ni Glenn habang tumatayo sa pinto ng classroom namin, ayun back to his very clever attitude. Ang aga aga tapos laki ng pasalubong, Flowers, Chocolates at Teddy Bear. Di ko masyadong nagustohan ang ginagawa niya dahil parang pinapamukha niya sa akin na Gold Digger ako sa mata ng ibang tao.
"Kaya pala ang ganda kasi dahil para mapansin ng napakamayamang lalake. No wonder!" Rinig ko sa isa kong kaklase.
May nakita akong letter sa loob ng mga bulaklak. " Let's Break up and also forget about my reason for dating you, it's useless!" napaWOW ako dahil sa ginawa niya, galit na galit ako na gusto ko siyang ipahiya pero nasaisip ko na baka ako pa ang mapahiya kaya dinibdib ko nalang. Wala akong kibo kundi tinapon ko ang mga dala niya. Sa totoo lang, palaban ako noon ngunit nawala yun nung namatay pamilya ko sa isang car accident kaya ngayon ako nalang natitira at tinapon ko ang masama kong pag-uugali ko noon.
Dumating ang guro namin at may announcement siya. "Good Morning Everybody, I would like to welcome your new Classmate starting today. Mr.Glenn Wadson ?" Ayun lumabas si Glenn at nanlaki mata ko sa gulat.
-----------------------------------------------------------
New Characters will be introduced sa susunod na kabanata kaya SEE YA :)
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...