Glenn's POV
Paglabas ko galing sa banyo, may nakita akong parang nahimatay sa sahig kaya binilisan ko at tinignan kung sino yun.
"S-s-si Sandra?" Nakita ko siya na ang sobrang tamlay at parang may sakit kaya dinala ko siya sa Clinic.Binuhat ko siya kahit di ko naman talaga gustong gawin yun.
Pagdating ko sa clinic, agad ko siyang inilapag sa kama at mabilis na tinignan ng nurse.
"A-a-anong nangyari kay Sandra?" Agad niyang ginamot si Sandra.
"Parang kumain to ng chocolates, allergic siya sa chocolate." Dagdag ng nurse kaya nagulat naman ako kasi baka kinain niya yung chocolate na ibinigay ko sa kanya.
Jino's POV
Hinanap ko si Sandra kasi baka kumain siya ng chocolate.
*Sa canteen kanina*
Nang tapos na kami kumain, pumunta ako sa lamesa kung saan kumakain si Sandra kanina at nadatnan ko ang isang Chocolate bar na di naubos.
"Chocolate bar? Chocolate? Chocolate!!! Allergic si Sandra sa Chocolate" Nung bata kasi siya, allergic na talaga siya sa chocolate at muntik siyang mamatay dito, sabi nga ng Doctor noon na mabuti nalang at may sumalba sa kanya kaagad. Di ko alam kung sino yung sumalba sa kanya pero if ever na makita ko siya, magpapasalamat talaga ako.
*End of Flashback*
Hinanap ko ng hinanap si Sandra, pumunta nga rin ako sa Ladies Restroom eh. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin nila basta makita ko lang si Sandra.
Nakita ko si Glenn na lumabas sa Clinic kaya nagtanong ako.
"Nakita mo ba si Sandra, nasa loob ba siya?" Tanong ko habang humihinga ng malalim.
"Lakas rin ng loob tumanong nito oh" wala na akong oras kaya papasok na sana ako nang hinarangan ako ni Glenn.
"Ano problema mo? Tabi!" Sinabi ko pero di pa rin siya tunatabi.
"Huh! Ako pa nagsalba sa kaibigan mo tapos ganoon? Lakas mo pa magalit? Papahingahin mo muna siya." At concern rin pala siya.
"Ba't parang ang concern mo? Ikaw ba nagbigay ng chocolate sa kanya kaya ganoon ka nalang kung maka-alala at akala ko ba wala kang paki sa mga babaeng naging sayo pero bakit parang ang concern mo sa kanya?" Sabi ko ,sabay hawak ko sa kwelyo niya at binangga sa pader.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? What if ako nga nagbigay ng chocolate?" Sabi niya habang nakatitig ako sa kanya.
"As I said last time, last warning nalang" Susuntok na sana ako ng biglang may sumigaw.
"Tigilan nyo na yan!" Sigaw ni sandra. Nagulat ako dahil nakita ko si Sandra na lumabas galing sa pinto.
"Please Jino stop it! I already told you, I can handle myself." Sabi niya, sabay baba saking kamay sa damit ni Glenn.
"But--" Nagwalk out si Sandra at sinundan ko naman ito.
"Sandra!" Sabi ko at lumingon naman siya pero may biglang humawak kay Sandra at inalis siya sa paningin ko.
Sandra's POV
"Sino ka po?" Tanong ko at binaba niya kamay niya.
"Ahhh! Sorry for pulling you, I just want to talk to you.Ako nga pala si Nicolase" Ay ganoon, pero pano si Jino? Mamaya nalang pagkatapos niya sabihin gusto niya ibuga.
"Ni-co-la-se?" Grabe hirap ng pangalan niya.
"It's not Ni-co-la-se, it's Ni-co-lase! As in shoelace , so pronounce it like Nicolace" Ay grabe ang unique naman ipronounce pangalan nito.
"I'm Sandra, pero bakit niyo po ako gusto kausapin at saan tungkol ang usapang ito?"
"Can I ask kung saan ang room A7 dito?" Ay yun lang pala pero A7 ? Room ko yan ah.
"A7? Room ko po yan. Bakit po?"Nagtatanong lang ng direksyon pero iba na sinabi ko.
"Ah, really? Then, can you take me there?" Boses niya ♡ ang ganda sa tenga.
"Ah sige po! Sundan mo nalang po ako" Sumunod naman siya sa akin.
"Ahhmm, do you have a boyfriend?" O.o ! Ano? Anong sinasabi nito?
"Bakit mo po natanong?" Habang nanginginig kamay ko sa kaba.
"Ahhh-h-h wala lang, curious lang." Sabi niya.
Habang naguusap kami tungkol dun, biglang may umakbay sa akin.
-----------------------------------------------------------
Sino nanaman yun? Abangan.
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Novela Juvenil[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...