School's Princess (Chapter 24)

260 18 0
                                    

Sandra's POV 


Monday na at medyo kinakabahan na ako sa mangyayari sa school mamaya. Di ko alam kung smarty nerd pa ba ako or School's Princess na.  Nagbihis na ako at kumain na din, huminto ako sa gate at huminga ng malalim bago pumasok. Di pa nga ako nakaapak papasok sa campus ay sinalubong ako agad ng mga tawag na 'Princess', 'Good Morning School Princess'. Gumaan pakiramdam ko nang nakarinig ako ng mga compliments galing sa schoolmates ko. Nakita ko sina Zander at Brenna na parang ang sweet na nakaupo sa bench kaya ginulat ko sila.


"Oi! Ano ginagawa niyo dito? Lovebirds ata kayo ah." Sabi ko sa kanilang dalawa at bigla naman sila tumayo sa bench at nagsilayuan.Inisnob ba nila ako? Sinundan ko sila pero bigla akong tinawag ni Jino.


"Sandra!" Sigaw niya at lumapit siya saakin.


"Okay ka lang? Ang lasing ko ata kahapon." Dagdag niyang sinabi.


"Okay lang naman! Nabwesit lang ako kahapon kasi -" Di ko tinuloy kasi alangan naman na pumunta ako sa bahay nina Glenn, kahiya kaya.


"Kasi?" Tanong niya. Ano sasabihin ko?


"Kasi..............naubusan ng Soju ang restaurant. Gusto ko pa uminom kahapon eh." Pagsisinungaling ko at tumango lang naman si Jino. 


"Hatid na kita sa Classroom niyo!" Sabi ni Jino saakin.


"Wag na! Wala naman siguro Kikidnap saakin dito XD Haha." Sabi ko at tumawa nalang pero parang di siya sang-ayon.


"Wala rin naman siguro mawawala kung ihahatid kita diba?" Sagot niya sa pangangatwiran ko at tumango nalang din ako.


Dumating na ako sa classroom at nagpaalam na kay Jino.


"Salamat sa paghatid saakin! Kita nalang tayo mamaya." Sabi ko sa kay Jino at umalis na siya. Pagpasok ko sa classroom ay agad nila ako binungad ng pagbabati. 


"Congrats! School Princess! Nasaan ang School Prince natin?" Tanong ng Classmate ko at lumingon ako sa classroom pero di ko nakita si Glenn. Saan kaya siya?


"Salamat po sa suporta niyo. Bakit po? Wala pa po ba si Glenn?" Tanong ko rin sa kanila.


"Wala eh! Di naman daw siya ganyan sabi ng barkada niya, di daw yan aabsent kahit may rason pa na dapat siyang umabsent." Sabi ng isa kong kaklase at nagtaka kung nasaan na kaya siya, sinubukan ko siyang I-text.


"Di ka ba papasok Glenn?" Text ko sa kanya pero wala akong natanggap na reply, dumating na Professor namin at itinago ko nalang cellphone ko.


"Good Morning Prof." Pagbati naming lahat sa professor namin.


Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon