Tinola (Chapter 26)

275 17 3
                                    

Sandra's POV


Gabi na at lumabas muna ako dahil iniisip ko parin kung paano niya ako pinagsinungalingan na may sakit daw siya. Napag-isipan kong uminom na lang ng beer para makalimutan ko yun, pumunta ako sa inuman ng bayan at di pa nga ako nakaapak sa pintuan ay nakita ko na si Glenn? Ba't siya umiinom? Aalis nalang sana ako pero parang lasing na si Glenn, I mean lasing na lasing na ata kasi umiiyak at tumatawa na siya kaya pumasok nalang ako at pumunta sa table niya.


"Oh! Sino to? *tumatawa-tawa* The girl of my dreams?" Sabi niya at tinititigan ko lang ang mga kilos niya.


"Umuwi kana! Gabi na oh, tigilan mo na yang pag-inom mo." Sabi ko sa kanya at bigla niyang ibinaba ang baso na may lamang beer.


"Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito?" Sabi niya at agad akong nagtaka sa sinabi niya.


"B-b-b-bakit?" Tanong ko sa kanya at ngumiti siya saakin.


"Dahil Sayo!" Nagulat ako sa sinabi niya dahil bakit patungkol saakin ang problema niya?


"A-a-anong problema ko?" Sabi ko sa kanya habang tinititigan niya ako.


"Shall I go to Harvard University without you in my sight or Shall I stay here to be with you?" Sabi niya at parang siniseryoso niya , di siya tumatawa or umiiyak. Tinititigan niya lang ako kagaya lang ng dati.


"Lasing ka lang!" Sabi ko sa kanya at pinatayo ko siya sa upuan niya sabay lagay sa braso ko ang kamay niya.


Habang nag-aantay ako ng taxi ay nagulat ako ng may kumuha kay Glenn saakin at nakita ko agad si Jino.


"Jino? Ako na magdadala sa kanya, puntahan mo na ang pupuntahan mo." Sabi ko sakanya at ngumiti lang siya saakin.


"Kaya ba nang babae to? Mahirap na!" Sabi niya at parang nagbibiro.


"Di lang naman lalake ang kayang magbuhat, pati rin naman babae. Sadyang di lang talaga kami sanay." Sagot ko sakanya at napabuntung hininga siya.


"Bakit parang medyo tahimik ka this days? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.


"Huahehiheahi" Nagulat kami kasi bigla nalang nagsasalita si Glenn nang kung ano-ano, lasing na talaga.


"Problema nito? Parang ang lungkot?" Tanong ni Jino at ngumiti lang ako sa kanya.


Dumating na ang taxi at ipinasok ni Jino si Glenn sa loob, ako nalang sumama kay Glenn dahil parang may pupuntahan pa si Jino at nagmamadali ata. Habang nakaupo lang kami sa taxi ay biglang nagsalita si Glenn.


"Sorry! I'm sorry, hindi dahil sa binubully kita kundi dahil sa di ko mapakita agad ang nararamdaman ko. I'm ashamed because............. I'm not really a playboy, I just don't know how to love." Sabi niya at bigla nalang siyang nakatulog.

Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon