Sandra's POV
Pagkatapos kong tinawagan si Glenn ay napag-isipan kong dalhan siya ng gamot kasi siya lang mag-isa sa bahay niya at mukhang tamad din yun,nag excuse na din ako sa advicer ko. Pumunta ako sa pharmacy at bumili na nga ng gamot, pagkatapos kong bumili ng gamot ay tumungo na agad ako sakay ang taxi.Pagdating ko sa bahay niya ay pinindot ko agad ang bell ng gate nila pero ilang beses na akong nag bebell pero wala pa ring sumasagot. Aalis na lang sana ako ng may narinig akong ingay ng kotse kaya tinalikod ko paningin ko at nakita si Glenn na lumabas sa kotse niya pero bakit sabi niya na may lagnat siya? Dapat nag pahinga siya sa bahay niya.Tumingin si Glenn sa akin at nagulat siya ng nakita niya ako.
"A-a-anong ginagawa mo dito?" Sabi niya at tumingin siya sa dala kong plastic na may lamang gamot. Tinago ko nalang ito.
"Ganyan ba ang may sakit?" Sabi ko sa kanya at umalis nalang sa harap niya pero hinawakan niya braso ko at pinigilan
"Sorry! I'll explain what happen." Sabi niya sa akin pero ngumiti nalang din ako.
"Di mo na kailangan mag explain at wala ding rason para ipaliwanag mo pa." Sabi ko at hiniwalay ang kamay niya sa braso ko.
Habang naglalakad ako palayo sa bahay niya ay nakaramdam ako ng sakit na di ko dapat maramdaman. Unti-unti ring lumalabas ang luha ko. Pinunasan ko ang luha ko at sumakay nalang sa taxi, medyo malayo ang bahay ni Glenn sa school kaya tinakpan ko muna mata ko ng sandali habang nakasakay ako sa taxi. Bumalik ako sa school at lumalakad na nakayuko.
"Sandra! Oi Sandra" Di ko alam kung sino ang nagsasalita at di ko rin alam kung ano ang sinasabi niya pero bigla niyang hinawakan braso ko at napatigil ako sa paglakad.
"Ano? Ano? Ano?" Sigaw ko sa kanya at pagtingin ko ay SHET! Si Nicolase pala.
"Whoaa! Ba't ka galit? May ginawa ba akong masama?" Sabi niya at parang naguat ata siya sa pagsigaw ko.
"Oh my! Sorry di ko sinasadya. May iniisip kasi ako." Sabi ko at tumango nalang sa harapan niya.
"Ah-oh! Okay lang." Sabi ni Nicolase.
"Una na ako ha! May gagawin pa ako eh." Sabi ko.
"Oh! Sige." Sagot ni Nicolase at napakamot sa buhok niya at umalis na din ako.
Nicolase's POV
Di ko alam kung ano problema ni Sandra pero may ibibigay lang naman sana ako sa kanya, Isang bagong eyeglass. Medyo nalungkot ako na di ko nabigay sa kanya pero kailangan ko ding intindihin na gusto niya ata mapag-isa.
"Nicolase!" May narinig akong sigaw at tinignan ko kung sino pero si Cassie lang pala.
"Nag lunch ka na ba?" Tanong ni Cassie pero nagtaka ako kung bakit siya nangingimbita mag lunch.
"Hindi pa! Bakit?" Tanong ko sa kanya at nagpapacute sa harapan ko.
"Would you mind if I invite you to lunch?" Sabi niya at napaisip naman ako.
"At bakit saakin pa?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang! Di kaba sasama sa babaeng katulad ko? Maganda,gorgeous at mapride?" Napatawa ako sa sinabi ni Cassie kaya nag walk-out na lang ako.
"May sasabihin ako!" Tumigil ako sa sinabi niya at lumapit kaagad sa kanya.
"Ano naman sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Mag lunch muna tayo." Sabi niya at pumayag nalang ako kasi parang seryoso ata sasabihin niya saakin.Dumating na kami sa canteen at kumuha na ng pagkain gamit ang card namin.Umupo na kami sa mesa at tinanong ko siya kung ano sasabihin niya.
"Ano ba kasi sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya at tumingin siya agad saakin.
"Ahmm ganito! Sumali ka sa varsity team nila Glenn." Sabi niya at nabitawan ko agad kutsara ko.
"Ano? Yun lang pala?" Patawa kong sinabi.
"Di lang yan! Tutulungan pa kitang maagaw si Sandra sa kamay ni Glenn." Sabi ni Cassie at nadala ata ako sa sinabi niya dahil parang okay ang deal niya.
"Pero, anong connect ng varsity team?" Tanong ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.
"Wala! I just want Glenn to be happy, pangarap niya kayang maging champion ang team niya pero kahit isang rank man lang eh, di sila makapasok. Siguro kung sasali ka ay may mas malaking chance na maging champion team niya." Sabi ni Cassie at tumingin nalang ako sa kanya.
"Sige! Help me get Sandra from the hands of Glenn pero kung di na yan magandang paraan edi...... wag mo nang gawin." Sabi ko at pinatuloy nalang ang pag kain.
Glenn's POV
Di ko alam ang gagawin ng sinabi ng ama ko yun. Alam niya na may gusto ako kay Sandra at alam niya rin ang mga kilos na ginagawa ko para mapasaakin si Sandra.Tinawagan ko si Zander para mag inuman kami pero busy daw siya sa homework niya kaya ako nalang uminom mag-isa. Di ako madaling malasing kaya makakaubos ako ng di bababa sa 5 bote ng can beer, habang nag-iinom ako ay di ko matigilang isipin si Sandra kung mag-aaral ako sa Harvard University at di ko pa nga naconfess ang totoong feelings ko sa kanya. May kasabihan nga na 'Magtago ka ng pera sa bulsa pero kapag nararamdaman na ang pinaguusapan ay siguradong butas ang bulsa.'
------------------------------------------
Mahirap nga naman itago ang totoong nararamdaman! Abangan ang susunod na kabanata.
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...