Sandra's POV
Araw na ng Mirae Shine University kaya gumising ako ng maaga at naghanda na sa competition mamaya.Pinapansin na ako ng mga studyante kasi alam na nilang di totoo yun at ako ang biktima sa pangyayaring iyon.Nagbihis na ako at tinanggal ko ang eyeglass ko para masanay ako sa stage mamaya.
Dumating na ako sa school at pagkapasok ko agad ay sinalubong ako ng mga girls sa campus ng 'Good Luck'. Tumango nalang ako at nagpasalamat sa kanila sabay ngumiti.
"Fighting Sandra! Kaya mo yan." Sabi ng mga studyante.
"Salamat po sa inyo!" Ngumiti ako at nagpatuloy ng pumunta sa arts room kasi dun daw kami didiretso para sa last practice namin.
Ang rami ng mga food stalls, game stalls , mga laro at kung ano-ano pa sa event na ito. Dumating na ako sa arts room at nakita ko si Glenn doon at nandoon rin instructor namin.
"Nandito na po ako." Sabi ko at lumingon naman sila sa akin.
"Grabe late talaga ha?" Sabi ng instructor namin at tumingin ako sa orasan.
"1 Minute lang naman po ako late." Sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko.
"Kailan pa naging pareho ang 8:00 at 8:01? Anyway be ready sa last practice ninyo" Sabi ng instructor namin at tumango nalang din ako.
Naghanda na ako at ayun nga pinraktis namin ang pagrampa at ang talent portion kasi alam ko na naman kung paano yung sa introductory part. Habang nagrarampa kami ay bigla akong natapilok at napakasakit nun pero nabigla ako ng may bumuhat sa akin at dinala ako sa sofa. Si Glenn pala yun at minamasahe niya ang paa ko.
"Okay ka lang? Baka mapahamak ka mamaya sa stage." Tinignan ko siya habang minamasahe niya paa ko at ngumiti na rin.
"Okay lang ako! Di naman ganoon kasakit, mawawala rin to mamaya." Sabi ko.
Dalawang oras nalang at magsisimula na ang competition, sumilip ako sa auditorium at ang rami na ng mga tao pero di ako nagpadala sa kaba, pumunta na ako sa backstage at nilagyan na nila ako ng makeup habang si Glenn naman ay ganoon din.Nagulat ako dahil biglang hinawakan ni Glenn kamay ko.
"Wag kang kabahan! Just enjoy the show." Sabi niya at binitaw niya na kamay niya, nasa tabi ko kasi siya kaya maaabot niya lang kamay ko.
"And now! Good Afternoon everyone. Excited kayo sa susunod na Prince at Princess diba?" Sabi ng Emcee habang nakahanda na ako.
"Yessssssssssssssssssss!" Sigaw naman ng mga audience.
"Let's start this competition with a prayer." Sabi ng emcee at nag start na ang prayer.
"And now! The waiting ends, let's start the competition in Formal Attire Category with their introductory speech. CONTESTANT #1" Sabi ng Emcee at lumabas naman ang contestant #1
"Hello Everyone! I'm Halia Baliktad Pangalan and I'm from the majestic section of A9. Tandaan, walang bayabas na matigas kung walang punong mataas. Thank you!" Natawa naman ang audience sa introductory ng first pair contestant.
"Hello din sa lahat! I'm Shinobi Mahal Otaku and I'm the partner of Ms.Halia from the majestic section of A9. Tandaan, walang world peace kung pati ipis di mapapanis. Thank you!" Natawa silang lahat sa introductory ng lalake niyang partner.
"WOW! That's a very entertaining introduction and now let's welcome the second pair contestants." Sabi ng Emcee sabay labas ng ikalawang kalahok.
"Annyeonghaseyo! I'm Shinhye Park and I'm from the land of K-dramas section H5. Remember, di maganda ang buhay kapag walang K-Drama. Thank You!" Nagsihiyawan naman sila dahil halos sa kanila K-Drama fan.
"Annyeonghaseyo din sa lahat! I'm Raewon Kim and I'm from the section of Dramas H5. Tandaan, Kung masaya ang buhay then di ito malungkot. Thank you!" Natawa nanaman ang mga audience at bumalik na ang contestant #2 sa backstage.
"Kilala sila bilang si Smarty Nerd at Rich Son of this school, let's welcome the third contestant." Sabi ng Emcee at lumabas na kami ni Glenn habang nasa loob ng braso niya ang kamay ko.
"Hello Sa lahat! I'm Sandra Magumpara and I'm proudly the representative of our very honored section, no other than section A7. Tandaan, ang pagmamahal ay parang tattoo, kahit ilang hagod mo pa para mawala ito, di parin ito mawawala dahil tunay mo itong inalagaan. Thank you!" Napahiyaw naman ang mga taga A7 sa sinabi ko at nagsmile na rin.
"Ganda mo Sandra! Fighting" Sabi ng ibang studyante at nasiyahan rin naman ako.
"Hello GIRRRLLLLSS! I'm Glenn Wadson and I'm from the best section A7 . Tandaan, kapag ang Playboy nagmahal, It's not Joke, It's called Love." Napahiyaw ang lahat ng sinabi niya yun.
-------------------------------------------------
AWWWHHHH! That's So Sweet :). Abangan ang next chapter ^^
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...