Glenn's POV
Uminom lang ako ng isang maliit na baso ng soju kasi di ko kaya ang lakas ng inumin na ito pero ang iba ay halos naubos na ang isang refrigerator. Nagsiuwian na sina Brenna,Zander,Britney at Nicolase kasi sobrang lasing na nila kaya ipinasakay ko nalang sila ng taxi at sinabihan nalang ang driver kung saan sila ihahatid.
"Oi Glenn!" Sabi ni Sandra sa akin, lasing na lasing na siya at ayaw niyang ipahatid ko siya gamit ang taxi.
"Bakit?" Sabi ko habang nakaupo lang.
"Maganda ba ako? Hihihehi (Drunk Sound)" Sabi ni Sandra sa akin at napatawa naman ako.
"Well, maganda ka naman di ka nga lang attractive." Sagot ko sa kanya at bigla siyang napatingin sa akin.
"Eh! Mahal mo ako right?" Sabi niya habang ngumingiti sa bote ng sujo, andito pa pala si Jino at di pa umuwi pati rin si Cassie. Lasing na rin sila.
"Anong sinasabi mong mahal? Lasing ka lang." Sabi ko habang iniiwasan ang tingin kay Sandra.
"Akin lang si Sandra!" Sabi ni Jino na lasing na lasing na talaga.
"Hindi akin ka lang Jino." Sabi ni Cassie at nagulat naman ako sa dalawang lasing na ito. Nagkabatian na ata?
"Uuna na ako! Malapit lang naman bahay namin dito!" Sabi ni Jino at lumabas na sa restaurant, sumunod naman si Cassie na parang kumakalabit na alimango kay Jino.
Kami nalang ni Sandra ang naiwan at inisipan ko na isakay siya sa isang taxi. Ilalabas ko na sana siya nang bigla siyang kumalabit sa akin.
"Stay with me!" Sabi niya habang ngumingitingiti. Nang sinabi niya yun ay naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko, parang gusto ko siyang Iuwi sa bahay ko at pagmasdan lang siya sa buong gabi.
*Blurrpppp*
Tumingin ako sa kay Sandra at nakita na sumuka siya sa Damit ko.
"S-s-s-shiiitt! Ba't mo ako sinukahan? Canal na ba talaga ako para sukahan mo?" Sabi ko habang nandidiri sa suka niya. Pinasok ko siya sa sasakyan ko na ginamit namin kanina papunta dito, Nagbihis ako dahil may extra t-shirt pa naman ako sa Sasakyan. Habang hinuhubad ko damit ko ay bigla nalang kumanta si Sandra.
"Touch my Body! Body! Touch my body! Owoowwwww. Ang hot mo naman pala Glenn." Lumingon ako sa kanya at napansin ko na pinagmamasdan ang katawan ko.
"Shit! Kala ko pa naman na Inosente ka, may dumi rin pala yang utak mo." Sabi ko sa kanya at sinout dali-dali ang extra T-shirt ko. Dinala ko si Sandra sa bahay ko at nang dumating na ako sa bahay ay agad ko siyang inilapag sa higaan ko habang ako ay matutulog nalang sa sofa. Pinagmamasdan ko si Sandra at halata naman na maganda siya, tinakpan ko na katawan niya ng kumot para di siya lamigin at pinatay na ang ilaw. Lumabas na ako at naligo muna, pagkatapos kong maligo ay humiga na ako sa sofa at pinatay na ang ilaw.
Sandra's POV
Kinabukasan ay naramdaman ko na parang ang sama ng pakiramdam ko at parang iba ata 'tong kwarto na ito ah. Inikot ko paningin ko sa kwarto at nakita ko ang picture ni Glenn at nagulat ako, lumabas ako sa kwarto at nakita si Glenn na nasa kusina at parang may hinahanda.
"Oh my God! May ginawa kaba saakin? Ba't nasa kwarto mo ako?" Tanong ko sa kanya na may kasabang panic mode.
"LOL! Ikaw nalang ba talaga ang natitirang babae dito sa mundo para may gawin ako sayo?" Sabi niya sa akin habang may hinahalo sa luto niya.
Bigla kong natandaan yung nangyari kagabi.
"Weird ba ako kagabi?" Shet! Nakakahiya magtanong, sana naging RiteMed muna siya ngayon.
"Hmmmmm! Wala naman, the fact na sinukahan mo nga ako eh." Sabi niya pero sa anong paraan na di yun weird? Sinukaan tapos di weird?
"Ah! Sorry sa mga nagawa ko kagabi, sorry talaga. Aalis na ako, salamat rin pala sa pagpapatuloy sa akin." Sabi ko habang hinahanda sarili ko palabas pero pinigilan ako ni Glenn.
"Teka lang naman! Kumain ka muna, pinaghandaan pa naman kita ng pagkain." Aba parang mabait siya ngayon ha.
"Ah..... sige pero aalis na ako pagkatapos nito." Sabi ko at tumango naman si Glenn.
Tinikman ko ang luto niya at ang sobrang alat nito pero di ko na pinansin kasi ayaw ko naman magmagaling. Pfft!
"Okay ba ang lasa?" Sabi niya.
"Of course! Masarap naman." Pagsisinungaling na sinabi ko at ngumiti na lang ako sa kanya.
"Handa ka na ba sa monday na tawagin bilang School Princess?" Tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.
"Anong tatawaging School Princess?" Tanong ko rin kasi wala akong alam tungkol diyan.
"Ah! Kapag nanalo ka kasi bilang School Princess or Prince sa school natin ay halos yun na tawag ng mga students sayo." Explain niya habang tinatago ko ang gulat at saya ko.
"Ah! Pasensya pala kung nakipag-away ako sayo kahapon." Dagdag ni Glenn habang sinusubo ang pagkain sa bibig niya.
"Ah yun? Okay lang yun , nadala lang sa ginawa mong paghalik saakin." Napatingin si Glenn sa sinabi ko.
"About the kiss kahapon, don't give meaning to it. Isipin mo nalang na it's just business, okay?" Sabi niya at parang may naramdaman akong kirot sa puso ko nung sinabi niya yun.
"Aalis na ako!" Pagmamadali ko at lumabas na sa bahay niya. Na offend ako sa sinabi niya dahil parang sinasabi niya lang na USB lang bibig ko na gagamitin lang kung may ilalagay o kukunin na files.
--------------------------------------------------------------
Masakit talaga sinabi niya <//3 . Abangan ang susunod na kabanata.
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...